Troy
"Do you want to develop the photos right away?" tanong niya kay Sig while watching the sunset there at the Bugtong Mangga. Nakaupo sila mga damo habang parehong nakahilig ang likod sa natatanging punong manggang naroon. The air is damp and chilly kaya kahit naroroon pa rin ang haring araw ay hindi na nila gaanong ramdam ang init nito. Gone are the sweats of Sig too. Kung kanina ay pawis na pawis pa ito’y ngayon ay nilalamig na. Buti na rin lang talaga at nadala ni Troy ang hoodie niya’t naipasuot niya ito rito. Kahit paano’y naibsan nito ng kaonti ang panlalamig ni Sig.
Medyo nakakatuwa nga lang dahil masyado itong malaki para rito. Troy is slim but his built is a bit big kaya naka-XL lagi ang mga hoodie at jacket niya. On the other hand, Sig’s just very petite at sa katunaya’y palaging small ang mga shirt nito. That’s why Sig wearing his extra-large hoodie just looks very cute for him. Napakaliit ng inosenteng mukha ni Sig sa paningin ni Troy kaya tila ay lumulutang nga ito sa suot nito. Troy’s already teasing Sig inside his mind pero sinasarili niya lang iyon. May ibang bagay na pinagkakabalahan si Sig at iyon ay ang pagtitig sa palubog ng araw and Troy just don’t want to bother him, despite of looking really cute and funny. Gusto niya itong kurutin at pangggigilan pero pinipigilan lang ni Troy ang sarili niya. Even though he already wants to do it so bad. So bad that Sig’s cuteness is already hurting him.
Inayos ni Troy ang hoodie nito. Sig’s collarbones are a bit exposed kaya inatras niya iyon ng kaonti. Ayaw niya itong malamigan kaya niya iyon ginawa. Patagal ng patagal ay mas lumamig dito sa taas ng burol. Bawat segundo ay tila mas bumaba ng bumaba angs temperatura. He doesn’t want Sig to catch a cold too kaya mas nilapit niya rin ang sarili niya rito nang sagayon ay maibahagi niya ang init ng katawan niya rito. Hindi pa rin nag-react si Sig at hinayaan lang ito ni Troy. He really wants Sig to enjoy their view right now.
Maya’t maya na ring nagba-vibrate ang phone niya but Troy’s not checking it out. Wala siyang pake kung may tumatawag sa kanya, nagti-text, nagcha-chat o hindi kaya ay nag-i-email. Sadyang gusto niya lang talagang ilaan ang buong atensiyon niya kay Sig ngayon. Anything outside from Sig is already a distraction for Troy. And he’s not entertaining anything or anyone from it. Sig’s the only person the matters to him right now at ilalaan niya ng buong puso hindi lang ang oras niya kundi pati na rin ang buong diwa niya rito.
It's already 5:52 in the afternoon at ilang saglit na lang ang lilipas ay tuluyan nang magpapaalam sa kanilang pareho ang haring araw. In fact, it's already fading on the horizon. Nagmistulang linya na lang ito sa mga paningin nila kaya't hindi na rin sila ganoong nasisilaw rito't nagagawa na rin nila itong pagmasdan ng maasyos. Kung ang mga bulubundukin sa paligid ay nagiging mapusyaw na ang kulay, ang kalangitan naman ay kabaliktaran ng nangyayari rito. Kung kanina'y puro bughaw pa lang ito, ngayon ay tila nagiging kulay rosas na ito---kulay na paboritong-paborito ni Troy. For him, pink symbolizes love and passion. Dalawang bagay na para sa kanya ay ang totoong nagpapaikot ng mundo. Love and passion are the primary roots of all emotions. Nagiging masaya tayo kasi nagmamahal tayo. Nalulungkot tayo kasi nagmamahal tayo. Nagluluksa tayo kasi nagmamahal tayo. Nagpupurisige tayo kasi may gusto tayong marating. Hindi humihinto kasi mayroong pangrap na gustong maabot. At patulit-ulit tayong bumabangon at lumalaban kasi hindi natin puwedeng talikuran kung ano man ang tinitibok ng ating puso. Betraying love and passion would only make us miserable. It will only make us greedy in the unhealthiest way. It will only make us hate ourselves. Iyon ang paniniwala ni Troy.
Sig didn't answer his question, and he’s probably still mesmerized on their view right now. Nilingon itong muli ni Troy at tama nga ang hinala niya. Sig's currently jaw-dropping while staring at the sunset. Troy chuckles when he saw it. Nilapit niya ang kamay niya sa baba ni Sig at marahan itong sinara. Sig wasn't bothered by what he did. Nanatili pa rin itong nakatitig sa palubog na raw. Kinurap niya ng marahan ang mga mata niya as he realizes something: Kung si Sig ay manghang-manghang sa tanawing nasa harapan nila ngayon, siya naman ay manghang-mangha rito. For Troy, Sig is like combination of all sunrises and sunsets. Dahilan para hinding-hindi siya magsasawang pagmasdan ito ng paulit-ulit. Sig's just a total blasphemy that Troy can't help but thanked God every time he sees him. Thanks God, for creating person as wonderful as Sigfred Renz Ronquillo. Thanks God, for making our path crossed in a certain time. Thanks God, for letting him meet me. Thanks God. Thanks God!
BINABASA MO ANG
Drunk In Shinjuku
RomanceSome get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine engineering student, Sigfred Renz Ronquillo stumbled upon a familiar guy whom he awkwardly met last...