Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin habang abala ang mga hairstylist sa pag-aayos ng buhok ko. Dahil sa party kagabi ay madaling araw na akong nakatulog kaya inaantok ako ngayon. Tatlong oras lang ang tulog ko kaya natagalan ang make-up artist ko sa pagmmake-up sa akin just to make sure na hindi mahahalata ng mga tao na puyat ako. Mabuti na lamang at magaling ang napili ni Mama, ang fresh kong tingnan!
I don't want them to do an updo on my hair because the wedding will happen in any moment now. Kung hindi dahil sa akin ay malamang kanina pa iyon nag-umpisa. Habang pinapasadahan ko ng tingin ang aking sarili mula sa salamin ay napansin kong lumabas ang wedding organizer. Maya-maya pa ay muli itong pumasok kasama ang official photographer at ang mga bridesmaids.
Nilingon ko si Sinead, ang ate ko na may malapad na ngiti nang makita ako.
"Saoirse!"
Sumimangot ako dahil sa pangalang tinawag niya sa akin. "Sinead, sabi ko naman sa'yo na Sheena na lang. Ayokong gamitin ang totoong pangalan ko dahil marami lang malilito."
Kung ikaw ba naman ay may pangalang halos hinakot na ang mga vowel letters at mahirap pang bigkasin, malamang ay maiinis ka talaga. Lalo na kapag mali-mali ang pagkakabigkas ng mga tao sa totoo kong pangalan.
"Para mo na ring sinabing ayaw mo sa pangalang binigay sa'yo ng mga magulang natin."
Hindi na kami nakapag-usap pa ng maayos dahil nagsimula na ang photographer sa pagkuha ng litrato namin. Pinilit ko na lamang ang sarili kong ngumiti kahit na masakit pa rin ang ulo ko. Idagdag pa ang flash ng camera na sobrang sakit sa mata, hindi na ako magtataka kung magkaroon ako ng epic pose roon.
May kung anu-ano pang pinagawa sa amin ang photographer para sa wedding videography. Pose rito, pose roon, at pagkukunwaring kinikilig sa regalong bigay ng groom. I am not a great actress and I know for sure that I look stupid in that shot.
Sa wakas ay natapos na kami kaya naman nagtungo na ang lahat sa simbahan. Pinagdadasal na sana ay hindi ako antukin sa loob. Nakakahiya naman sa mga bisita kung tutulugan ko ang kasal, 'di ba?
Tahimik lamang akong nakatayo habang hinihintay na matapos ang lahat sa kanilang paglalakad. Nilingon ko si Sinead na hindi mapakali sa likuran. Pinagtaasan ko siya ng kilay at balak sanang magsalita ngunit naramdaman kong kinurot ako ni Seamus dahilan para mapatingin ako sa harapan. Kami na pala ang susunod na maglalakad. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit para sa kaniya ay parang walang nangyari.
"Huwag mo akong sisimangutan kung ayaw mong hindi ko ipahiram sa'yo ang kotse ko," bulong ni Seamus sa akin saka bumaling sa mga tao at ngumiti. Inirapan ko siya dahil nandidiri ako sa kaplastikan niya.
"Pasalamat ka na lang na kapatid kita at mas matanda ka sa akin."
I wanted to hit him so bad, but I stopped myself. Many people are watching. If my father caught us having a fight again, he will confiscate my driver's license so I can't go to bars every night. Kung sana ay binilhan niya na rin ako ng kotse, bilang nasa legal age na ako at may driver's license na, kulang na lang talaga ang sasakyan, hindi na sana ako nagpapalipat-lipat sa kanilang tatlo nila Mama sa panghihiram ng sasakyan. Hindi ko naman pwedeng hiramin ang kay Sinead dahil natatakot itong magasgasan ko ang Audi niya. At higit sa lahat, madamot siya.
Sa tatlong magkakapatid, ako na lang ang natitirang nag-aaral kaya naman nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Kahit na wala naman iyong kinalaman sa eskwelahan, basta kapag sinabi kong gusto ko noon, my parents will never stop me. Some are saying that I'm a spoiled brat, but can they blame me if I wanted to spend our family's money? E amin naman iyon? People are just bluffing nonsense, I don't really get them.
"Head to the reception first. Our parents are expecting us. Can you obey them just this once?" Si Seamus na nakasimangot nang inabot sa akin ang susi ng kaniyang kulay itim na Porsche Cayenne. Tumango ako sa kaniya bago pumasok sa loob.
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomanceSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...
