Tulad ng dati, si Marceu ulit ang nagdrive ng sasakyan. Hindi naman sa inutusan ko siya, bakit ko naman iyon gagawin? Siya ang nagpresinta na magdrive kahit na pagod siya galing sa pag-aassist ng Acoustic Neuroma removal surgery pero nagpumilit siya kaya bumigay na rin ako. Tutal ay malapit lang naman ang Resto Bar na pupuntahan namin.
Pagkapark niya ng sasakyan ay pinagmasdan niya ang labas ng Parallel 37 na pagmamay-ari ni Pawdrig. Bumalik ang tingin niya sa akin bago nailing. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya pero lumabas na siya ng kotse bago pa ako makapagtanong.
"Oh! Pawdrig! Bakit ka nandito?" Gulat kong sinabi nang makasalubong namin siya sa entrance. Ang alam ko ay hindi muna siya pupunta rito pansamantala para alagaan si Sinead. Bumaba ang tingin ko sa bitbit niyang mga paperbag.
"Your sister is craving for a French Toast. I came here get some." nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Marceu. Maya-maya ay ngumiti siya ng nakakaloko at lumapit sa akin para bumulong. "Lumalovelife na si bunso."
Natawa ako at pabiro siyang hinampas. Bumati si Pawdrig kay Marceu bago ito nagpaalam na mauuna na siya dahil kanina pa siya tinatawagan ni Sinead.
Napili naming umupo sa bar. Inilapag ko muna ang bag ko sa basket bago umupo sa stool. Hindi ko alam kung sinasadya ba akong pahiyain ng tadhana dahil muntik na akong ma-out of balance sa pag-upo. Mabuti na lamang at agad akong naalalayan ni Marceu. Parang nag-slowmo ang paligid, katulad ng mga scene sa KDrama. His hands were at the small of my back, preventing me from falling. I cleared my throat to at least save me from awkwardness.
Naupo ako ng maayos at ngumiti sa kaniya. Nang masiguro niyang hindi na ulit ako mahuhulog ay naupo na rin siya sa tabi ko. Maya-maya ay lumapit na sa amin ang waiter para magbigay ng menu.
"What do you want to eat?" Tanong ni Marceu habang abala sa paghahanap ng pagkain na maooorder. Dahil abala siya sa pagpili ay hindi niya ako malingon kaya naman kinuha ko ang pagkakataong iyon para pagmasdan siya. Even his side profile is mesmerizing!
"You..." Wala sa sarili kong sinabi. Saka ko lang napagtanto ang sinabi ko nang nakakunot ang noo niya akong nilingon. Umayos ako ng upo at awkward na tumawa. "I mean, you? Anong gusto mo? Masasarap ang mga pagkain nila dito!"
Nagtagal ang tingin niya sa akin. Naningkit pa ang mga mata ngunit hindi ko na siya pinansin at agad na nagtawag ng waiter. Huminga ako ng malalim bago sinabi sa kaniya ang mga inorder ko na hindi ko alam kung anu-ano dahil sa pagkabalisa. Pagkatapos ay kay Marceu naman siya bumaling. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa panonood sa barista habang nagggrind ng coffee beans.
"Bakit ka nga pala nagalit sa akin kanina? Ano ang totoong dahilan?"
Dahil sa sinabi niya kaya nito naagaw ang atensyon ko. Hindi naman masamang magtanong lalo na kapag hindi mo pinapahalatang nagseselos ka, 'di ba? I can make any excuses regarding the issue but I don't know how. Pakiramdam ko kahit anong sabihin ko, hindi makakalusot kay Marceu.
"It's about you and Doctor Nikki... I happened to hear because they were so loud earlier---"
"She somehow saved our team and the patient from expiring," tiningnan niya ako ng diretso kaya sinubukan ko ring gawin iyon. "They tend to make such thing a big deal so if you hear something from them again, you shouldn't believe them easily."
Tumango ako. I did not expect him to explain elaborately. Akala ko nga ililipat niya sa ibang topic ang pinag-uusapan namin para hindi siya magpapaliwanag. Bilang mahilig naman akong mag-assume sa mga bagay bagay, hindi kaya nagugustuhan niya na rin ako at ayaw niyang nag-iisip ako ng mga bagay na wala namang katuturan?
Hindi kaya ako iiyak kapag napagtanto kong lahat ng naiisip kong mangyari ay hindi naman magkakatotoo?
"Your red banded lobster gambas came out first," sabi ng waiter. The lobsters are still sizzling. I wanted to eat them now but I'll burn my tongue if I insist. Sumunod na rin ang inorder kong beer at hand drip coffee ni Marceu. Nang sa tingin ko ay pwede nang kainin ang gambas ay agad akong kumuha ng tinidor at masayang naghain sa platter.
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomanceSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...