"Ma, dadaan muna ako sa hospital bago dumiretso kila Aunt Nimfa. Bibisitahin ko lang si Seamus." Sabi ko sa kaniya. Nilingon niya ako sa kalagitnaan ng kaniyang pagluluto. Naningkit ang mga mata niya sa akin.
"There's no need. Naroon na sila Yaya Celia kaya didiretso na tayo kila Aunt Nimfa mo."
Nawala ang ngiti ko dahil doon.
"Okay, Mom." Nanghihina kong sagot. Tumawa si Mama dahil doon.
"Well, he will be discharged on Saturday. I understand that you can't help but worry about his condition but he's doing pretty well." Hinarap niya ako. "Did you buy a present for Marceu?"
Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "No. I think that he's not a materialistic kind of guy. I didn't buy him a gift, I made one instead."
Napanganga si Mama dahil sa sinabi ko. I acted like it didn't affect me but deep down inside, I am quite nervous that he might not like it.
"I really like that boy! Marceu. Sayang lang at hindi naging sila ng ate mo. Gusto ko talaga siyang mapabilang sa pamilya natin. I guess he doesn't like older girls. I really wanted to make him my son-in-law, but your Ate is very much in love with Pawdrig. That's when I and your Aunt Nimfa gave up..." napatigil ako sa pagkain ng bistek na kakalagay niya pa lang sa plato nang bigla siyang humarap sa akin. Akala ko ay papagalitan niya ako. "Saoirse, you don't have a boyfriend now, right?"
Halos mabulunan ako sa tanong ni Mama. Grabe iyong atake. Iba iyong dating sa akin ng pagkakasabi niya. Para bang pinapamukha niya sa akin na matagal na akong nakatengga. Kinuha ko ang baso ko at tinungga ang tubig doon. My Mom's eyes were fixed only in mine, and I think I know what will she gonna say.
"I've been noticing that you're hanging out with Marceu lately. Is there something going on? Like... you know?" Maligayang tanong ni Mama. Parang kanina lang ay nalulungkot siya dahil hindi niya magiging bayaw si Marceu, pero ngayon, kulang na lang lumiwanag ang buong paligid.
"We're just friends---"
"But we both know that there's more to it."
My Mom is really something. I really can't keep any secrets from her. Sabi ng iba ay magaling akong magtago ng nararamdaman, pero pagdating kay Mama ay walang nakakalusot. She knows everything about me.
Tumango ako sa kaniya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya dahil doon.
"Oh, God! I didn't know I'd be this happy since I married your Dad!" Hinaplos niya ang aking buhok. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil hindi ko alam kung dapat din ba akong magsaya dahil sa naging reaksyon ni Mama. Mas lalo akong napressure. Idagdag pa na nag-eexpect si Mama sa kahihinatnan ng relasyon namin ni Marceu. Her high hopes of having him as her son-in-law were alive, once again.
What if things won't turn out the way we wanted it to be? That all of this was just a result of my romantic ideas. My illusions. I already assumed that he has a feelings for me, but I can't be so sure yet. I'm scared.
"Mom, you shouldn't expect anything from us. Baka walang mangyari."
Tumango-tango siya. Inilagay niya sa mesa ang bistek na niluto niya. Kaming dalawa lang naman ang nasa bahay kaya hindi na siya nagluto pa ng marami. Lumapit ako sa sink para maghugas ng kamay ngunit napapansin ko na kanina pa tumatawa si Mama. Kunot noo ko siyang binalingan para magtanong kung bakit ganoon ang inaasta niya.
"I am 100 percent sure that he have feelings for you too. He wouldn't ask our permission to let you go with him in Tagaytay to celebrate your birthdays together if there's nothing."
Napakurap-kurap ako. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako dahil sa nalaman. Kung hindi lang napailing si Mama habang natatawa ay hindi ko pa mapapansin. Pinilit kong sumeryoso ang aking mukha dahil ayokong malaman niya na kahit sa simpleng bagay na tulad nito ay kinikilig ako.
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomantizmSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...