Chapter 10

107 5 48
                                    

Literal na hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Kahit na sinabi ni Marceu na ayos lang, alam kong galit pa rin siya. Ilang ulit na akong nagsend ng text sa kaniya para ipaliwanag nang maayos ang nangyari at lagi niya ring sinasabi na nabigla lamang siya sa naging reaksyon niya.

Mas lalong lumakas ang kutob ko na may gusto nga sa akin si Marceu. Friends won't act like that.

Inabot na ako ng alas sais sa kakaisip. Ilang kape na rin ang nainom ko kaya gising na gising pa rin ang diwa ko. Sinubukan kong matulog ngunit sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata, tanging mukha niya lamang ang nakikita ko. Ang ekspresyon niyang galit at nasasaktan, iyon ang pinakatumatak sa akin.

Kahit sa breakfast ay siya pa rin ang naiisip ko. Puro tango at iling lamang ang sinasagot ko sa tuwing may tinatanong sila Mama. Nakatulala lamang ako sa hapag habang wala sa sariling sumusubo ng oatmeal.

"Can you drop by at the orphanage? I told Sister Meredith that you're coming, and since you're going in Tagaytay, ikaw na lang ang kumuha ng papers na issubmit ni Sister. Don't worry, it's not that important. You can go there when you're on your way home or whenever you like."

"Pagpunta na lang po namin. Baka makalimutan e..."

Sumang-ayon naman si Mama kaya nagpatuloy na ako sa pagkain. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa nang tumunog ito. Umayos ako ng pagkakaupo nang makita ang text ni Marceu.

Marceu:

I'm on my way.

Nanlaki ang mga mata ko. I'm on my way? Wala naman siyang sinabing...

Nagscroll ako sa inbox at doon ko nakita ang text niya na maaga kaming aalis dahil bukod sa mahaba ang byahe, marami pa kaming pupuntahan. Nabasa ko ito kagabi! Sadyang lutang lang ako dahil sa nangyari, idagdag pa na wala pa akong tulog hanggang ngayon.

"Mama, aakyat na ako. Papunta na po rito si Marceu. Kayo muna ang bahalang mag-entertain sa kaniya, maliligo muna ako." Sabi ko at tumakbo na paakyat. Agad akong pumasok sa CR kung saan naroon din ang walk-in closet ko. Kumuha ako ng stripped tee at high waist shorts. Babalik lang din naman kami kinabukasan kaunti lang ang dadalhin ko. Iyong susuotin ko bukas at kung anu-ano pa.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad din akong naupo sa tapat ng vanity mirror ko para maglagay ng light makeup. Lalo pa ngayon na nagkaroon ako ng dark circles dahil gising ako magdamag. Kung wala lang akong lakad ngayon ay malamang puro tulog lang ang gagawin ko maghapon.

Pagkatapos kong maglagay ng bb cream ay naisipan kong gawin iyong technique na madalas na ginagawa ni Guia para magmukhang flawless ang mukha niya, iyong walang sablay, walang dark circles. I find it ridiculous then, but I didn't know that I'll do it too. Kinuha ko ang red lipstick ko bago naglagay ng kaunti underneath my eyes. Sakto lang para mapatungan iyong dark circles. Kinuha ko ang beauty blender ko para i-blend iyon nang maayos dahil ayoko namang magmukhang weird. I put on my concealer afterwards.

Nilingon ko ang pinto nang makarinig ako ng kumakatok. Bukas iyon kaya pumasok din siya kalaunan. Nakita ko si Mama na nakangiti nang makita ako. Ngayon na umakyat na siya rito ay mas lalo kong binilasan ang paglalagay ng mascara.

"Take your time. Your Father and Marceu are still having a conversation."

Umiiral na naman ang pagkachismosa ko dahil doon. Tungkol saan?

Tumayo ako at kinuha ang aking duffel bag nang matapos. Ganoon din ang ginawa ni Mama ngunit bago siya dumiretso sa labas, inayos niya muna ang damit ko. Natawa pa ako dahil pinipilit niyang iangat ang neckline nito.

"Ma, that's v-neck."

"I know. But it's too revealing."

Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya hanggang sa tingin niya ay pwede na akong gumala nang hindi masyadong nasisilipan. Pagkababa namin sa sala ay narinig namin ang boses ni Papa at Marceu na nagtatawanan sa sala. Mas lalong lumaki ang pagkakuryoso ko.

Limerence (Dauntless Series #2)Where stories live. Discover now