Chapter 1

256 8 10
                                    

Surely, Marceu has a talent on making me crazy. Masyado na atang halata ang pagkakagusto ko sa kaniya kaya pinaglalaruan niya ang feelings ko. Matapos siyang hindi magpakita ng ilang taon, bigla siyang susulpot para baliwin ako, at mawawala na naman na parang bula.

Sa lahat ng lalaking nagustuhan ko ay siya lamang ang bukod-tanging nagpapalito sa akin. He's very vague that's why I always misunderstand his actions. Siguro nga ay wala lang iyon para sa kaniya. Ako lang naman itong naglalagay ng ibang meaning. I'm quite ambitious that's why. Nangangarap kasi ako na sa susunod na magkakaroon ako ng boyfriend, sana ang ibigay sa akin ay iyong lalaking pinapangarap ko talaga. O kaya kahit isa man lang sa mga nagugustuhan ko ang makatuluyan ko.

Ayokong umasa na sana ay si Marceu iyon. Masasaktan lang ako.

Nakatulala lamang ako habang pinapanood si Mama at Aunt Nimfa na abala sa pagluluto ng pork tomato stew. Sa kabilang dako naman ay si Sinead na pasimpleng kumukuha ng sliced tomatoes. Dahil nakatalikod sa kaniya sila Mama ay hindi nila napapansin na paubos na ang main ingredient nila. Lalapitan ko sana siya para sawayin ngunit naunahan niya naman ako.

"Saoirse, can you make a boiled egg for me?" Maamo niyang sabi. Aangal sana ako at balak sabihin na si Pawdrig na lang ang utusan niya ngunit mukhang kakampi niya si Mama ngayon.

"Is three eggs enough?" Tanong ni Mama kay Sinead. Tumango ito. "Then Saoirse will make it for you. Tamang tama at kakadeliver lang noon kanina. Doon ka na lang kumuha, Saoirse. Careful not to break it."

And so I have no choice but to obey them. Sinabi ko sa sarili ko na siyam na buwan lang naman. Magtitiis na lang ako sa loob ng siyam na buwan. Kung hindi lang buntis si Sinead ay iisipin ko talagang sinasadya niyang alilain ako ngayon. She's taking advantage of the situation.

"It would've been nice if Marceu can join us," Nabitin sa ere ang paglalagay ko ng kawali sa stove nang marinig ko si Mama.

"He's coming home, actually."

"Talaga po?" Pang-uusyoso ko. Sabay silang lumingon sa akin kaya naman napayuko ako. Why do I have to embarrass myself everytime that there's a chance?

"Fortunately, yes, Saoirse. Isang beses lang siyang umuwi sa isang buwan, pero ngayon ay susubukan niya nang umuwi araw-araw. I'm worried because everytime he goes home, he looks very worn out. He might not be able to eat properly because of the endless surgeries that he have to attend."

Nakatunganga lamang ako sa harap ng mga itlog na binabantayan ko. My mind is processing everything that I just heard. Uuwi si Marceu kaya may posibilidad na makakasama namin siyang mag-lunch. Naiisip ko pa lang na ganoon nga ang mangyayari ay nawawalan na ako ng gana dahil sa kaba. Paano ako makakakain ng maayos nito?

Natanaw ko si Papa at Pawdrig na abala sa pag-iihaw ng liempo sa lanai. I'm thinking of joining them. Mabuti na lamang at tapos na ako sa paglalaga ng itlog na pinaglilihihan ni Sinead. Inihain ko ito sa harapan niya kaya naman tuwang-tuwa ito. Agad niya itong binalatan at nilantakan, hindi alintana ang pagiging mainit nito. Napailing na lamang ako at naglakad na patungo sa portiko nang biglang may nagdoorbell.

Inutusan ako ni Mama na tingnan kung sino iyon dahil baka sila Manilka na iyon. Hindi nga ako nagkamali. Lumapit ako sa gate at pinagbuksan sila. Ang mga kasambahay namin ay tumulong sa pagbababa ng mga dala-dala nilang pagkain. Mukhang kulang pa yata ang niluluto nila Mama ngayon. Mukhang ngang may fiesta ngayon, hindi lang ako na-inform.

"Si Seamus?" Agad na tanong ni Manilka pagkapasok sa bahay.

"Baka nasa kwarto niya,"

Tumango ito at nagtungo sa hagdanan. Hindi ako makapaniwala na ganoon siya kabilis na umalis para puntahan si Seamus. Paano kung naliligo pala ang kapatid ko? Bahala nga silang dalawa riyan!

Limerence (Dauntless Series #2)Where stories live. Discover now