Chapter 6

100 5 18
                                    

"Anong plano mo sa birthday mo? Iinom na naman?" Tanong ni Guia habang nagttype sa kaniyang laptop. Nag-angat lamang siya ng tingin sa akin nang matapos siyang magtanong.

Ngumiti ako ng napakalapad sa kaniya bago tumango. Ngumiwi siya sa sagot ko at napailing na lamang. Luminga-linga ako sa paligid para abangan ang pagdating ni Verona. Ngunit imbes na siya ang makita ko ay si Gwyneth iyon, isa sa mga kaibigan namin noong senior highschool, na may dalang paperbag. Mukhang alam ko na ang laman noon.

Natawa ako nang naupo siya sa tabi ko at inilabas ang kaniyang flip-flops. Pagkatapos niyang hubarin ang kaniyang sapatos at isuot ang kaniyang tsinelas ay nakangiti siyang bumaling sa akin.

"Does it still fascinate you?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango ako bago naagaw ang atensyon ko ng isang lalaking hindi ko namalayang nandito pala. Napatayo ako.

"Pius! Anong ginagawa mo rito?"

His eyes wandered around, as if looking for someone. And I already know who that is.

"I'm looking for Verona. There's something that I want to talk about with her. She said she's already done with her classes so I'm here to pick her up."

Nagkatinginan kami ni Guia bago paimpit na tumili. Inayos ko ang sarili ko bago hinarap muli si Pius. Sa tabi ko ay si Gwyneth na abala sa pagttype sa kaniyang laptop at mukhang walang pakialam sa kaniyang paligid. Ni hindi man lang siya naapektuhan sa presensya ng isang mala-bathala na nakatayo sa harapan namin.

"Oh, nariyan na pala si Verona!" Pag-anunsyo ko nang makita ang kaibigang naglalakad papalapit sa amin. Kumaway ako sa kanya kaya ganoon din ang ginawa niya.

Tumakbo si Pius para salubungin siya.

"Ang sweet naman. Sana lahat kasing-sweet ni Pius." Bulong ko sa sarili ko habang umuupo sa tabi ni Gwyneth.

"May jowa ka, Sheena?"

Natigil ako sa pagttype dahil sa tanong niya. Bumaling siya sa akin para maghintay ng sagot pero umiling lamang ako. Lagi kong sinasabing boyfriend ko ang mga nagiging crush ko noon kahit hindi naman totoo, pero ngayon natatakot na akong sabihin iyon dahil baka mausog pa at hindi magkatotoo. Ayokong mahopia ngayon. Malakas kasi ang kutob ko na malapit na akong magkalovelife.

"Wala..."

"Hinihintay kasi niyan na magkabalikan sila ng ex niya na si Kennedy kaya ayan, tuyot na tuyot na. Kulang sa dilig." Sabi ni Guia.

Gulat ko siyang nilingon. Natawa si Gwyneth sa sinabi niya ngunit ako naman ay halos mahulog sa sahig ang bibig dahil sa pagkagulat. Tumingin sa akin si Guia na parang wala lang bago uminom sa kaniyang tangerine juice.

"Ang bastos ng bibig mo!" Sabi ko pero mas lalo niya lang akong pinagtawanan. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.

Kinahapunan ay dumiretso agad ako sa bahay dahil tapos na ang klase ko. Balak ko sanang matulog bago gawin ang worksheets ko ngunit sa pintuan pa lang ay nakaabang na si Mama.

"Your Father forgot his case. He needs it before 2 PM," kinuha ni Mama ang mga gamit ko bago inabot sa akin ang attache case ni Papa. Hindi pa roon natatapos iyon dahil isang malaking paperbag pa ang pahabol niya. Sinilip ko ang loob noon at nakita ang ilang lunchbox doon. "You give these to your Papa and Ate. Para kay Marceu iyong nasa ilalim, tell him that I made it just for him so he have to eat it immediately. Kung pwede ay siguraduhin mong kakainin niya talaga iyan. Alam mo ba ang department niya?"

"Yup---"

"Sige na at tumatakbo ang oras! Mag-iingat ka sa pagdrive! Love you, Saoirse!"

Napapikit ako ngunit agad namang sumunod. Kumaway ako sa kaniya bago pumasok sa kotse. Ala una y media na, makakaabot kaya ako sa hospital bago mag-alas dos? Sana lang hindi masyadong traffic. I'll take the shortcut na lang para mas mabilis.

Limerence (Dauntless Series #2)Where stories live. Discover now