I refused to acknowledge my thoughts, even though there's something in me that was telling me to confront Marceu and ask him the truth. I will never be at peace just by thought of him cheating on me.
I dialled Kennedy's number. He answered it after three rings.
"Who's this?" He asked grumpily. He must have woken up by my call. Fair enough cause my whole existence has been shaken up by his messages.
"Sheena."
He got up from his bed, and somehow, his actions are affecting me. Kinakabahan ako sa mga sasabihin niya. Na sa oras na ibuka niya ang kaniyang bibig para magsalita, guguho ang mundong binuo ko kasama ang taong mahal ko.
"Maiintindihan ko kung mas pipiliin mong huwag maniwala sa sinasabi ko. Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ko sabihin sa'yo. When I said that I wanted you to be happy, I mean it, and I don't harbor hard feelings towards you two---"
I cut him off. "Anong oras mo siya nakita?"
"It was around 2 in the midnight---"
Binaba ko ang tawag pagkatapos kong marinig iyon. My mind is clouded by anger. I cannot think straight, and all I wanted to do is to call Marceu to confirm my hunch. I want his explanation right now! Kung totoo ngang ginagago niya ako, gusto kong malaman agad.
I don't like this feeling. Lahat naman ng tao hindi pinangarap na mapaglaruan, hindi ba? Ngunit hangga't walang paliwanag si Marceu, mananatili akong nakakapit sa mga pangako niya. Sa mga salita niyang mahal niya ako.
Nakalimang dial na ako ngunit wala pa ring sumasagot. Sinubukan kong tawagan si Manilka ngunit wala rin akong napala. Hanggang sa makarinig ako ng katok sa pintuan at iniluwa noon si Seamus. Kumunot ang noo nito nang makita ang tila binagyo kong higaan.
"Breakfast na," naninimbang niyang sinabi nang sinamaan ko siya ng tingin. Kung ibang pagkakataon ito ay baka nag-away na naman kami, ngunit laking gulat ko nang hindi niya pinatulan ang pagsusungit ko. Pumasok ako sa C.R. para maghilamos at magpalit ng damit. Bumaba agad ako nang matapos.
"I booked an appointment to my Physician friend. We'll go to a different specialist once she gave you a diagnosis, okay?" Si Mama habang gumagawa ng waffle. Si Kuya ay seryosong umiinom ng kape habang may tinatype sa kaniyang laptop. Nang marinig niya ang sainabi ni Mama ay tumigil ito sa ginagawa at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Who's sick?"
"Si Saoirse. She's not feeling well these past few days," this time, Mama turned her gaze on me and studied me. Naningkit ang kaniyang mga mata sa likod ng salamin na suot nito. "Tell me what you're feeling. Namumutla ka."
Napalunok ako at wala sa sariling tiningnan ang repleksyon sa screen ng aking cellphone.
"I feel nauseous everyday. I threw up last night after the concert."
Seamus' curiosity grew bigger that he kinda looks ridiculous by the look he's giving me. Parang pinagdududahan ako sa sakit ko.
Wala ako sa mood para magpaliwanag sa kaniya. I am fasting because I have to get a blood work later. Napalunok ako nang inihain ni Mama ang waffle sa hapag hindi para sa akin kung hindi para kay Seamus. She then excused herself when she recieved a phone call. Lumabas ito sa garden para sagutin ang tawag kaya naman kaming dalawa na lamang ng kapatid ko ang naiwan sa kusina. It was his turn to ask questions on me.
"How long have you been sick?"
"Since last week..."
"At ngayon mo lang naisipang magpacheck-up? Ang lapit lang ng hospital, napapalibutan ka ng mga doktor, may pera naman tayo para sa pagpapatingin mo, tapos ngayon ka lang kumilos? Gaano ka ba kabusy na nakalimutan mo nang alagaan ang sarili mo?"
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomansaSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...