Chapter 9

88 5 25
                                    

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi ko na magawang tumingin nang diretso sa magkapatid. Kahit mukhang wala naman iyon para kay Manilka, nahihiya pa rin ako lalo pa't alam niya na gustong-gusto ko ang Kuya niya. Nakakapagtataka ngang hindi siya nagtanong sa akin tungkol sa relasyon namin ni Marceu. Wala rin naman akong maisasagot.

Naguguluhan ako kung magkaibigan nga ba kami o may mutual understanding na. Why did he try kiss me earlier, anyway? I can't say that he's just bored that time.

Hala, sige! Hangga't may mga senyales ay aasa ako! Sige na nga!

Wala naman akong kilala sa mga relatives nila Marceu sa mother's side kaya nanatili lamang ako sa tabi ni Sinead at sila Mama at Papa na ang nakipag-socialize. Tutal ay magbebestfriend naman sila nila Aunt Nimfa at Uncle Friedrich. Hindi ko na rin nakita si Marceu, siguro ay abala rin sa mga pagtanggap ng mga pagbati sa kaniya.

To be honest, I am more excited on our trip this weekend than my birthday. Oo nga pala, hindi pa namin napag-uusapan kung ano ang mga gagawin namin sa Tagaytay. I don't expect him to plan this only by himself. Sa sobrang busy niya ba naman, magkakaroon pa ba siya ng oras para mag-isip ng itinerary? Tutal ay pabalik-balik naman ako sa Tagaytay tuwing Holy Week at New Year dahil may bahay din kami roon, magssuggest na lang ako.

Tumingin ako sa oras at nang makitang magaalas-onse na ay sinubukan kong agawin ang atensyon ni Pawdrig. Hindi na ako nagsalita dahil baka magising si Sinead na nakahilig sa kaniyang balikat habang mahimbing na natutulog. Sumenyas na lamang ako na hahanapin ko sila Mama o Marceu para magpaalam na mauuna na kaming tatlo umuwi. Tumango ito.

Pumunta ako sa nakita ko sila Mama at Papa na nakikipag-usap sa hindi ko kilalang mga tao, ngunit mukhang mga negosyante. Mabuti na lamang at nakaharap si Mama sa direksyon ko kaya agad niya akong nakita. Lumapit ako sa kanila.

"This is my youngest daughter, Saoirse," pagpapakilala sa akin ni Mama. Manghang bumaling sa akin ang mga kausap nila at pinaulanan ako ng samu't saring papuri. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung sasagot ba ako o ano. I only stood there in an awkward state.

"Would you mind setting her up with my eldest son, Aubree? I think he and your daughter are just in the same age." Sabi ng lalaking medyo singkit ang mga mata bago sumimsim sa kaniyang wine.

Natigilan ako dahil doon. Gusto kong sumabat at sabihing hindi ko type ang mga lalaking kaedad ko ngunit mukhang napansin ni Mama ang pagkabalisa ko kaya tinapik niya ang aking balikat. Si Papa naman ay tumawa lamang.

"I'm so sorry, Kuya Robert, but she's already taken."

Agad agad? Bilib din ako sa pagiging sigurado ni Mama. Sa kaniya ko nga ito minana.

Ipinahayag nito ang pagkadismaya sa sinabi ni Mama na tinawanan na lamang ng lahat. Lumapit ako kay Papa para ipaalam sa kaniya kung bakit ako naparito. Tumango siya agad nang banggitin ko ang pangalan ni Sinead. Mahal na mahal niya talaga ang panganay niya. Wala namang oras na pinaramdam niya sa amin ni Seamus na mas malaki ang pagmamahal niya kay Sinead, pantay pantay kaming lahat. Hindi ko lang maiwasang hindi mainggit. Naiinggit lang ako pero hindi naman ako umabot sa punto na aawayin ko si Sinead o gagawa ng bagay na ikasasama niya. I won't stoop down to that level. That's toxic.

Besides, even if we quarell almost everyday then, I always look up to her. She graduated with a highest latin honor in college which inspired me study even harder. You can say that she's my role model. She supports me in everything that I do, including my passion for arts. I can still vividly remember when I told my family that I wanted to hold an exhibit for my paintings. Siya ang nagpaka-abalang maghanap ng organizers para sa event. Thanks to her, it went smoothly, and it was surely a great moment to cherish.

Limerence (Dauntless Series #2)Where stories live. Discover now