"Hindi mo naman sinabi sa aking family gathering pala 'to..." pabulong na sinabi sa akin ni Guia habang pasulyap-sulyap sa direksyon ni Marceu. Sinamaan ko siya ng tingin at natawa ito nang magtagumpay sa pang-iinis sa akin.
"I have no idea that they'll come here! If I had known then I should've just locked myself in my room..." because I have no courage to face him right now. Palagi kong sinasabing gusto kong mag-usap kami para magkalinawan na pero makakaya ko bang tanggapin muli ang mga masasakit niyang salita?
Sabay kaming napalingon ni Guia nang may dumaan sa gilid namin. Si Seamus iyon na hinihila ni Eli patungo sa mat niya kung saan nakaupong naghihintay si Marceu. Saglit na lumingon sa amin si Kuya bago binaling ang tingin sa pamangkin namin. I unconsciously followed his gaze only to find myself looking at other direction because Marceu almost caught me peeking at him.
"I am Elsa, okay? Tito Marceu will be Flynn Rider and then Noni is Prince Hans---"
"Why am I Hans? There's so many Disney Princes out there, why Hans?" parang batang nagmamaktol si Seamus. My eyebrows twitched. Guia let out a small laugh on my side.
"Okay. You're Aladdin na lang pala,"
"Aladdin na walang Princess Jasmine." my brother glared at my remark. I rolled my eyes to the ceiling and before he could take his reprisal on me, niyaya ko na si Guia na lumabas. Eli's busy playing with Marceu and it seems like she wouldn't like it if I disturb her. I took a glance on her but my eyes lingered on Marceu instead.
Napapikit ako nang maamoy ko ang bango niya noong dumaan ako sa gilid niya. That combination of musk and aftershave has brought nostalgia to me. I discarded that thought as my head is starting to ache. Napaupo ako kaagad sa rattan sofa nang makalabas kami ni Guia. Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata habang pinapahinga ang sarili. I didn't notice that I've been roaming around since earlier. That consumes the strength that I stored for the past days.
"Okay ka lang?" Si Guia na nag-aalala sa tabi ko. Nagmulat ako ng mga mata at ngumiti lamang sa kaniya. She still looks worried kaya inayos ko ang sarili ko.
Pareho kaming natigilan nang biglang tumunog ang cellphone ko. I immediately answered Liam's call when I saw his name on the Caller I.D. It's been weeks since he left and after that, I didn't hear single news about him. Akala ko nakalimutan niya na ako rito ngunit ngayong tumawag siya ay parang lumulutang ang puso ko sa saya.
"How are you, ma chérie? Do you missed me?" he smirked. He still got that proud air with him and I can't help but laugh.
"Of course, you dummy. You didn't even think of informing me about what's happening with you there."
"I'm glad that I made you worry somehow. Looks like you care for me, huh?"
I snickered. Pinalapit ko si Guia sa akin para makita rin siya ni Liam. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Liam nang nasa frame na si Guia. Sinasabi ko na nga ba. I don't want to generalize and my opinion to come out as offensive but based on what I observed, French people are flirts. Liam is a kind and approachable person but he can't resist the nature of flirting most of the time.
Hinayaan ko muna ang dalawang mag-usap dahil mukhang nag-eenjoy naman sila sa pinag-uusapan nila. Wala sa sarili akong napalingon sa loob. Naabutan ko si Seamus at Marceu na nakatingin sa banda namin. Agad na nag-iwas ng tingin si Marceu at nagkunwaring nakikipaglaro kay Eli ngunit ang kapatid ko ay nanatiling nakatingin sa amin. I don't know what's going on in his head because he wears a complete blank expression. That went on for a moment. If only he didn't got distracted, I bet he'll stay like that for a long time.
"Ang saya palang kausap ni Liam. Naging kayo ba nun? Lagi siyang nagcocomment sa Instagram posts mo e, ang sweet sweet!" sabi ni Guia nang maputol na ang tawag.
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomanceSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...
