Warning: SPG (slight)
I don't know what my reaction looked like after what he said. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataong makasagot dahil agad na tumakbo si Marceu sa washroom. Mukhang maliligo muna siya. Habang ako ay naiwang nakatulala sa gilid ng open field. Maya-maya ay natauhan din ako.
Sumabay ako sa ilang madre na mukhang patungo rin sa dining area. Good thing they didn't ask me about Marceu even though it's evident on their faces that they wanna ask me who's that guy I was with. If only we're officially together now, I can proudly tell the whole world that Montgomery Arceus Desmarais is my boyfriend, but I can't just brag it unless he ask me to date. He only made me realize what he really feel towards me. Ayoko namang pangunahan siya.
Halos lahat sa dining area ay nagsisimula nang kumain, kami na lamang ng mga kasama ko sa mesa ang hindi pa dahil hinihintay kong dumating si Marceu para sabay kami. Kaya naman pati ang ilang nakalaro niya kanina ay ganoon din ang ginawa, kahit na halata sa mga mukha nilang gustong gusto na nilang kumain.
"You know you don't have to do this," tinuro ko ang mga plato nila. "Kain na kayo."
They shook their head in unison.
"Sabi po kasi nila Sister, hangga't hindi pa kumakain ang kasama namin sa mesa, mas mabuting hintayin namin sila bilang respeto. Kaya ayos lang po, Ate Saoirse. Makakapaghintay pa kami." Sabi ni James, iyong catcher ng team.
Mabuti na lamang at dumating din agad si Marceu. Kumaway ako nang makita siyang mukhang may hinahanap, at nang dumapo ang tingin niya sa direksyon namin ay nagsimula siyang maglakad papalapit. Para siyang artista dahil halos lahat ng taong nadadaanan niya ay napapalingon sa kaniya.
"Sorry it took me a long time. I had to answer some of my junior resident's questions." He said while sitting on the chair beside me. Ang kaniyang braso ay nakapatong sa backrest ng upuan ko.
"Buti pumayag ang supervisor mo na magbakasyon ka kahit dalawang araw lang?"
"He let me go because he knew I was on call for five consecutive nights for filling in someone else's duty," he said nonchalantly before facing the food on his plate. Tinuro niya ang plato ko at sinabing kumain na rin ako. Tumango ako ngunit nanatili pa rin ang mga mata ko sa kaniya. Kung hindi niya pa ako lilingunin muli ay hindi pa ako kakain.
Napuno ang mesa namin ng usapan tungkol sa baseball, syempre dahil mga baseball player ang mga kasama ko. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila at tatawa kapag may nakakatawa dahil hindi naman ako makakarelate sa kanila. Akala ko ay ayos na, na matatapos ako sa pagkain ko nang matiwasay ngunit nang magsalita si Aldrin, iyong batter kanina, ay muntik ko nang maibuga ang kinakain ko.
"Magjowa po ba kayo ni Ate Saoirse, Kuya Marceu?" Inosenteng tanong ni Aldrin. Nagkatinginan kami Marceu. "Kung totoo man, sayang naman. Crush na crush ko talaga si Ate Saoirse, e. Kaya nga hindi ako nagggirlfriend dahil sa kaniya."
Nagtagal ang tingin ko sa bata. Hindi ko alam na pati bata ay nabiktima ko.
Siniko siya ng kasama niya kaya umayos ito ng pagkakaupo. "Ano ka ba, huwag ka ngang mangarap!"
"Balang araw makakatagpo ka rin ng tulad ni Saoirse. Sadyang itinadhana siya para sa akin kaya dapat lang na mapasaakin siya, 'di ba?" Mayabang na sinabi ni Marceu kaya ako naman ang naniko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kalandian ngayon. Nakakarami na siya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming umalis na. Malayo pa kasi ang pupuntahan namin mula rito at kung magtatagal kami ay malamang gagabihin kami. Mukhang hindi naman nagbook ng hotel si Marceu kaya baka sa bahay kami tutuloy mamayang gabi. Nandoon naman si Kuya Julio na caretaker ng bahay kaya hindi na ako nag-abala pang magdala ng susi ng bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/190510292-288-k793084.jpg)
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomanceSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...