The first month of not seeing Marceu was hard. Although we Facetime each other during his breaks, panandalian lamang iyon. And I tried to understand that. I kept all my worries at the back of my mind. There's no room for doubt because I know he loves me.
His reputation before worries me, alright, but I told myself that it's all in the past and Marceu has changed for good. I know some friends who broke up with their boyfriends or girlfriends because of long distance relationship and cheating. And I'm afraid if that will happen to me as well. I don't know what will I do.
"Kanina ka pa tingin nang tingin sa cellphone mo," pagpuna ni Gwyneth. Hindi ko iyon napansin sa lalim ng iniisip. Naupo ako ng maayos at binulsa ang aking cellphone.
"Hinihintay siguro ang text ni Kennedy. Hayaan mo na, Gwyneth." Guia said cluelessly. Hindi pa ito nakuntento at tumawa pa. Imbes na mainis dahil sa pang-aasar niya ay natawa na lamang din ako. It's rare to see her smile nowadays and I won't take that away from her. I can't keep up with what's happening in her life but I'm sure it has something to do with her family.
"Wala na nga raw comeback. Huwag na nating ipilit, Guia." Si Verona at tumingin sa akin.
Oo nga pala, hindi pa nila alam na may boyfriend na ako. Balak ko naman sanang sabihin sa kanila ngunit nawawalan lang ng timing. Hindi ko naman sinasadya iyon. Syempre bilang kaibigan nila, dapat din nilang malaman na may nagmamay-ari na sa akin. Baka biglang maisipan ng mga ito na i-reto ako sa ibang lalaki. Mahirap na.
I promised Marceu that I will visit him at the end of the month. Ako naman ang dapat mag-effort sa aming dalawa tutal patapos na ang last semester. Minsan ay hindi ako napapanatag sa tuwing bumibisita siya sa Manila dahil wala pang isang-araw ay kailangan niya nang bumalik sa probinsya. He needs to spend time with his family that's why whenever we hang out, I always urge him not to exceed our time together to call it a day because even if we miss each other, it's not only me that he have to be with. May pamilya siyang dapat kamustahin. Minsan na nga lang sila magkita-kita kahit noong nandito pa siya, ipagkakait ko pa ba iyon sa pamilya niya?
Kaya lang ay mukhang hindi ako matutuloy. Sinead is starting to labour. She had no one to be with except me. Pawdrig has been away for two days for a business trip at bukas pa ang balik niya. Mama and Papa is at the hospital and they are telling me to bring her there immediately so she will be monitored. Kanina ko pa tinatawagan si Seamus dahil wala akong lakas ng loob na magdrive ngayon dahil pati ako ay kinakabahan para kay Sinead. I feel nauseous just by seeing her state.
"Saoirse, I feel like my water's breaking!" Sigaw ni Sinead at hinila ang buhok ko kaya napasigaw din ako. Tinawag ko si Yaya Celia para magpatulong. Mabuti na lamang at dumating ito kaagad at tinulungan ako sa pagtanggal ng kamay ni Sinead sa akin. Tumayo ako at lumayo sa kaniya.
"Mukhang hindi na makakapaghintay si Sinead..." ani Yaya Celia sa kalmadong tono. I salute her for being calm despite of Sinead's endless shrieks. Hindi ko kaya iyon. Pakiramdam ko ay pati ako manganganak.
Tumakbo ako para kunin ang susi ng aking sasakyan samantalang sila Yaya Celia at Andrea ang umalalay kay Sinead. Agad kong binuksan ang backseat. Habang hinihintay silang maipasok sa loob si Sinead ay tinawagan ko si Mama. Even she can't calm down. She scolded me for not bringing my sister at the hospital sooner.
"Hindi talaga ako mag-aanak!" Sabi ko habang pinapaharurot ang sasakyan. Kung kailangang businahan ang mga sasakyan sa harapan para bigyan kami ng madadaanan, gagawin ko makalusot lang kami. I will deal with the traffic enforcers later.
"Oh, God! Can't you drive faster, Saoirse Heena? The baby's head is moving!"
"Eto na nga, oh!"
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomanceSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...
