Alam kaya ni Marceu na hinalikan ko siya? Kung oo ay bakit hindi siya nagalit sa akin o kinompronta ako? Kung makayapos siya sa akin ay para bang magkarelasyon kami.
Hindi tulad kanina ay mukhang mahimbing na ang tulog ni Marceu. Sinubukan kong kalasin ang braso niya sa tiyan ko ngunit mas lalo niya namang hinigpitan ang pagkakayapos sa akin. Napabuga ako ng hangin dahil kinakabahan ako na baka biglang umakyat dito si Mama o Papa. Hindi sila conservative at mahigpit sa akin bilang matanda na ako at may sariling isip na, pero ayokong dungisan ang pagkatao ko sa paningin nila.
"Hoy!"
Nilingon ko ang pintuan at laking gulat ko nang makita si Seamus na nakatayo roon at nakatingin sa aming dalawa. Hindi ako nagsisinungaling sa sinabi kong hindi conservative ang mga magulang ko, pero si Seamus? May makausap lang akong lalaki ay grabe na kung magalit! Naalala ko noong nagkita kami sa isang mall noon, kulang na lang ay magwala siya sa sobrang galit dahil kasama ko ang boyfriend ko na ex ko na ngayon na si Kennedy.
Halos maitulak ko si Marceu sa sahig para lang makawala ako sa kaniya. Dahil sa ginawa ko ay nagising siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Seamus na nasa paanan na ng kama. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil baka anong gawin ni Seamus sa kaniya.
"Anong namamagitan sa inyo ng kapatid ko, Marceu?"
"Seamus, walang nangyari sa amin! Maniwala ka!"
Nilingon niya ako. "Hindi ikaw ang tinatanong ko. Tumahimik ka lang d'yan."
I swear I wanna hit my brother. He's so malisyoso! But I can understand him somehow. Marceu and I have never been friends, the amount of conversation that we had during the past years until now can be compared to the amount of rain in Sahara desert.
Ano nga ba ang status naming dalawa? Hindi kami magkaibigan pero hindi naman kami magkasintahan. Gusto ko siyang tanungin pero baka isipin niyang nag-aassume ako ng kung ano sa aming dalawa.
"Guys! Lunch is ready..." pag-aanunsyo ni Manilka. Mula sa masayahing boses ay unti-unti iyong humina dahil sa tensyong bumabalot sa buong kwarto.
Nilingon ko si Marceu na seryosong nakatitig sa akin at nang mahuli ko siya ay iniwas niya iyon. Mukhang pinapanood kami ni Seamus dahil agad niyang pinahiwatig ang pagkadismaya sa nangyari. Agad siyang umalis. Sinundan siya ni Manilka na nagtataka sa nangyayari pero hindi na nagtanong. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang sumunod na rin.
"Sandali," Nilingon ko si Marceu na lumapit sa akin. His lips were in a grim line. "I'm sorry, I will talk to your brother and explain to him about what happened earlier. You don't have to worry about it."
"How can I not worry if he looks like he would tell everyone what he just saw?"
"Trust me."
Nagtagal ang titig ko sa kaniya, ganoon din siya. Kung saan ko man nakuha ang lakas ng loob kong ito, sana ay tumagal pa ito para sa mga susunod pa naming pagkikita.
"Why did you do it, though? It's either you're too tired to even think of what you're doing, or..." humalukipkip ako at tinagilid ang aking ulo. "Perhaps you like me."
That wasn't a question but a statement. I wanted to confirm it from him. Kahit na malaki ang tyansang hindi siya interesado sa akin, isusugal ko pa rin iyon. Sa dinami-rami ng mga bagay na pwede kong isipin maliban sa may gusto siya sa akin, lahat ng iyon ay walang saysay sa akin at bumabalik pa rin ako sa tangi kong naiisip.
He cleared his throat before he tilted his head back. Nakita ko ring pinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata bago muling bumaling sa akin. Mula sa seryosong mukha ay bigla siyang natawa.
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomanceSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...
