"Here comes the bride!" Pag-anunsyo ni Guia. Dumungaw ako sa likod niya at nakita si Verona na nakapagpalit na ng gown. She changed into a honey silk gown that hugs her slim body perfectly. She's wearing a light make-up it enhances her features which made her looks so natural and beautiful. Wala sa sarili akong lumapit sa kaniya para yumakap. Natawa ito at niyakap din ako pabalik.
"Kasama mo ba ang boyfriend mo?" Inosenteng tanong ni Verona. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at pekeng ngumiti. Kunwari ay wala lang iyon sa akin.
"Wala na kami."
Nanlaki ang mga mata niya. Itinawa ko na lamang iyon kahit na halata sa mukha niyang gusto niyang malaman ang nangyari. Narinig pala iyon nina Gwyneth at Guia kaya sa akin bumaling ang atensyon nila. Kinuha ko ang champagne flute ko at tinungga iyon.
"Ni hindi mo man lang pinakilala sa amin. Bakit kayo nagbreak?" Si Guia.
"Basta."
Sumeryoso ang tingin ni Guia sa akin. Bumuntong hininga ako.
"I never knew he has a girlfriend when we became a couple. I called it quits after learning about his antics." Mahina kong sinabi, natatakot na baka may makarinig noon. Hindi ko gusto ang tingin na ipinupukol nila sa akin. Ayokong kaawaan nila ako dahil sa nangyari sa akin.
"And? Did you even let him explain? Marami pa namang namamatay sa maling akala."
Nagtagal ang tingin ko kay Gwyneth. Sure, I was wrong for confronting him without hearing him out, but I was fed up by his lies and ending our relationship was the only thing I thought that's best for us. We will only be hurting each other if we prolong it.
Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. Hindi ko alam kung lasing ba si Gwyneth dahil ang prangka niya magsalita ngayon o sadyang napuno na siya sa mga katangahan ko. Walang preno at lahat ng salitang binabato niya sa akin, tinatamaan talaga ako.
"I hate cheaters but I think you should've listened to him to know his side before you decided to break up with him. Nagpadala ka agad sa galit mo. You know you shouldn't do rash decisions because you'll only regret it once you've cool down. At kapag natauhan ka na, saka mo lang marerealize iyong sinayang mo na hindi na pwedeng balikan."
"Wow! Galing ng advice, ah? May jowa ka?" Mapang-asar na tanong ni Guia. Tumawa ito.
"Required bang magjowa para magbigay ng advice? Sadyang sanay na ako na lagi kayong may problema sa lovelife kaya bilang mabait na kaibigan, ako na lang ang magsisilbing advisor niyo. Saka never akong majojowa 'no! Sakit lang 'yan sa ulo."
Mas lalo pang inasar ni Guia si Gwyneth dahil doon. Salamat naman at wala na sa akin ang atensyon. Umalis na si Verona kasama si Tobias para mag-entertain ng mga guest. Hindi ko maiwasang hindi mainggit lalo na kapag nagiging sweet sa kaniya si Tobias. His hands are resting on Verona's waist while they converse with some businessmen I think.
Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Gwyneth. To be honest, I regret it. I always think of him and wonder if he's doing alright. Mahal na mahal ko pa rin naman talaga siya. Walang oras na lumipas na hindi nabawasan ang pagmamahal ko. Pero dahil tinapos ko na, wala akong karapatang umiyak at magmukmok para sa sinayang ko. I don't have the right in the first place. I am not a desperate woman to keep him knowing that someone else owns him already. I'd better be lonely than ruin a relationship.
I was awakened by my deep thoughts when somebody tapped my shoulders. I looked back to see whoever it was and I smiled when I saw Kennedy. He sat down on the vacant seat beside me.
"Seems like ages have passed that I only got the chance to see you today. Galit ka ba sa akin?"
Natawa ako. I rolled my eyes to the ceiling. "Why would I?"

YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomanceSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...