Chapter 30

141 3 45
                                        

He's still in my room when I woke up. It was like he didn't leave and just watched me sleeping. I suddenly got conscious of what I look like during my slumber. Paano kung nakanganga pala ako o 'di kaya'y tumutulo ang laway?

I pressed my lips together. Hindi siya nagsasalita at pinapanood lamang ako kaya mas lalong dumoble ang pangamba ko. Bakit pa kasi siya nanatili rito habang natutulog ako? Ayoko sanang magreklamo pero nahihiya talaga ako na baka totoo nga 'yung mga naiisip ko. Napahilamos ako ng mukha ko.

"You're still... here." pagpuna ko. Tumango siya.

"I have to watch you closely to see if there's no complication from the surgery."

"My head always ache whenever I'm breathing deeply but it's tolerable now. I always sleep, though."

"That's great," he parted the hair that covered my face. He tucked it behind my ears. "Can I see your incision? The stitches must've fallen out now but I just have to make sure."

Tumango ako. Tumayo siya at mas lumapit pa sa akin. Biglang bumukas ang pintuan at alam ko na kung sino iyon. Sa lakas ba naman ng boses ni Eli, sino ang hindi makakakilala roon?

"What are you doing on Nana's head, Tito Marceu?" Inosente niyang tanong habang nakatayo sa paanan ng kama. Marceu chuckled.

"I'm checking her wound, baby. You wanna see it?"

Agad itong tumango. Kinarga siya ni Marceu at agad itong natahimik nang makita ang sugat ko. It was like she saw something in there that prevented her from talking. Or maybe she got scared of what my wound looks like.

"That's a long scar! But why does Nana's hair missing on that part?"

"We shaved it so we can go inside her brain to remove the thing that's hurting Nana."

Bumaba na si Eli. She stared at me for a moment before lifting her head to Marceu. I wonder what she's thinking.

"That means you're a superhero, Tito Marceu! You saved Nana's life!"

"Well, you can say that..."

Nagtawanan kaming dalawa nang umalis ito at inanunsyo sa lahat ang bagay na nasaksihan niya. Napailing si Marceu at bumalik na sa paggamot ng sugat ko.

"Eliana is a bright kid. I wouldn't be surprised if one day she's going to decide on pursuing Medicine too."

"Yeah. And I'm willing to mentor her."

I fell silent. Wala na akong masabi kahit na gusto kong may mapag-usapan pa kami. Nang matapos siya sa paglalagay ng bandage ay naupo itong muli sa gilid ko. His eyes found mine. He opened his mouth to probably say something but a knock on the door disturbed us. It was Guia and Manilka, both peeking at the doorway. The latter smiled apologetically at us. I don't mean to sound rude but she should, for they ruined my precious moment with her brother.

"We're going home now." Manilka said while walking towards us. They both kissed my cheeks.

"Maayos na ang kotse mo?" si Marceu habang sinusundan ng tingin ang kaniyang kapatid.

"Yup! Kakakuha ko lang ngayon. Send ko na lang 'yung inutang ko sa account mo. Thank you, Kuya!"

Matapos tapikin ni Manilka ang likod ng kapatid niya ay nauna na itong lumabas. Nagpaalam si Guia at nangakong bibisitahin akong muli. Kumaway ako sa kaniya bago nilingon ang labas kung saan naroon si Manilka at Seamus na nag-uusap. Mukhang nagtatalo ang dalawa ngunit pinagtatawanan lamang ni Manilka ang kapatid ko. Sabay silang lumingon nang bumukas ang front door. Nang makalapit si Guia sa kanila ay agad na kinuha ni Manilka ang kamay nito at pinakita kay Seamus. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Kuya dahil nagmartsa na ito papasok.

Limerence (Dauntless Series #2)Where stories live. Discover now