"Nag-chat si Ken sa GC, sagot niya raw ang mga alak basta pupunta tayo."
Iyon ang pambungad ko kila Guia at Verona nang magkita-kita kami sa cafe na madalas naming pagtambayan. Tulad ng dati ay nginiwian lamang nila ako parehas. Ayaw na ayaw nilang umiinom ngunit minsan ay napipilit ko naman sila. Lalo pa kapag kinokonsensya ko sila. Si Verona ay sumasama sa akin magbar ngunit cocktail drinks at San Mig lang ang iniinom niya. Hindi siya pwede sa hard drinks. Si Guia ang mahirap ayain. Kapag ayaw niya ay hindi talaga siya sasama kahit anong pagpipilit pa ang gawin. Minsan ay pinapatay niya pa ang cellphone niya para lang hindi namin siya matawagan.
Nagmumukha tuloy akong bad influence sa kanila. Pero hindi naman masamang magsaya paminsan-minsan.
"Pinapasabi niya rin na nagyaya pa siya ng mga kaibigan niya. Puro gwapo ang mga iyon. Marami kayong mapagpipilian!"
"Huwag na!" Si Verona ay agad na tumutol. Nilingon ko si Guia na nakasimangot sa akin. Naiilang akong ngumiti sa kaniya.
"Sige na, please? Promise, iinom lang tayo. Kung gusto niyo hihiwalay tayo ng table sa kanila, 'yung tayong tatlo lang."
Gusto kong makalimutan ang nangyari noong linggo kahit pansamantala lang. Alam ko namang hindi ko maibabaon sa lupa ang sarili ko. Baka sa alak ay posible.
Nakwento ko sa mga kaibigan ko ang nangyari ngunit hindi naman ganoon kadetalyado. Hindi ko rin pinangalanan sa kanila si Marceu. Nang sinabi ko ang totoong dahilan kung bakit ako hayok na hayok sa alak ngayon, tuluyan na silang bumigay. Kung alam ko lang na iyon ang weak spot nila, kanina ko pa sana ginamit.
Iniiwasan kong hawakan ang cellphone ko pwera lang kapag may importanteng bagay na gagawin. Alam ko kasing hindi ko mapipigilan ang sarili kong hindi i-text si Marceu para humingi ng tawad.
"Nagkabalikan na ba kayo ni Kennedy?" Sumulyap ako kay Verona na nasa backseat mula sa rearview mirror matapos niyang sabihin iyon. Natawa ako at umiling.
"Imposible. Ano ka ba, Sheena, walang mag-ex na nananatiling magkaibigan pagkatapos maghiwalay. It's either you'll remove each other from your lives or you'll reconcile." Si Guia naman na seryosong nakatingin sa labas. Nang lumabas ang kulay pula sa traffic lights ay saka ko sila tuluyang nilingon.
"Coming from you na nambblock ng ex, Guia." Dahil sa sinabi ko ay nagtawanan kami ni Verona habang si Guia ay mas lalong lumukot ang mukha. "Pero seryoso, hindi kami naghiwalay ni Ken dahil sa third party o ano. We're still young that time and I thought I can't be the perfect girlfriend that he wants. Naiintindihan niya iyon at hinayaan niya ako sa gusto ko."
"Hindi ka niya hinabol man lang?"
Umiling ako. Nang mag-go na ay nagpatuloy na ako sa pagddrive patungo sa Bank Bar. Dahil matagal na nagdismiss ang Prof. ko sa Mass Media and Society kaya late na kaming nakarating. Pinauna ko sila Guia at Verona sa paglalakad dahil halata sa mga mukha nila na may balak silang umatras. Wala silang nagawa dahil nakabantay ako sa likuran nila.
Nang makarating kami sa second floor kung saan naroon ang mga kaibigan namin magmula pa noong highschool ay agad na umingay sa paligid. Agad kaming inabutan ni Ken ng tig-iisang shot glass bilang welcoming drink. Nang malasahan ko ang Absolut ay napangiwi ako ngunit hindi na nagreklamo. Tumawa si Ken habang pinapanood akong lumagok ng alak na binigay niya at nang matapos ay lumapit siya sa akin para akbayan ako. Hindi ako nagreklamo roon ngunit agad naman kaming inulan ng pang-aasar.
"Comeback! Comeback! Comeback!" They chanted. Nakisali pa sila Verona at Guia.
"Ang bobo ni Kennedy, pinakawalan pa si Sheena! Sa dami ng nagkakandarapa riyan ikaw lang ang maswerteng nanalo, tapos maghihiwalay lang kayo. Bobo!" Sabi ni Benedict, ang best friend ni Ken. Binatukan ito ni Ken ngunit pareho lamang silang natawa.
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
RomansaSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...
