Chapter 7

130 7 28
                                        

Pagkatapos ng tawag ni Kennedy ay hindi na ito umulit pa kaya nalagay na sa tahimik ag buhay ko. Or at least. Nanatili lang ako sa staff room kasama si Marceu. Hindi naman niya pinapakita sa akin na naiilang siya na narito pa ako habang kumakain siya dahil dinadaldal niya pa nga ako. Pakiramdam ko mas lalong lumalalim ang relasyon namin sa tuwing nagkikita kami. Hindi tulad noong dati na parang hindi kami magkakilala man lang.

"Wala ba talaga sa plano mo ang magdoktor?" Tanong niya bago uminom sa kaniyang kape. Umiling ako. "Well, it's understandable. Even I, if not for my Mother's wish to see me in a white coat, I would drop out of Med School right away. Everybody can dream of being a doctor, but not everybody can be one. It requires determination and courage."

Tumango ako. Kaya kahit ano pang pang-uudyok sa akin ng mga kamag-anak ko na sumunod sa yapak ng mga magulang ko, hindi ako nakinig dahil hindi mo mahahanap sa sarili ko ang mga katangian na nabanggit ni Marceu.

Pagkatapos kumain ni Marceu ay tinawag na siya sa Emergency Room kaya sumabay na ako sa kaniya palabas. Balak niya pa sanang ihatid ako sa lobby ngunit humindi na ako. Paglabas namin sa elevator ay natanaw namin ang iilang ambulansya sa labas. May mga taong nakikitingin din mula sa lobby para malaman kung ang nangyari. Nilingon ko si Marceu na nakatingin sa kaniyang cellphone. Nang matapos siya roon ay tiningnan niya ako.

"Code Blue. To the Emergency Room at the ground floor."

It was announced twice. I even saw other doctors who were probably a NS running towards the ER. Tumango ako kay Marceu at inginuso ang hallway. "Sige na. Kailangan ka nila roon."

"Salamat. I'll text you when I'm done." Sabi niya bago tumakbo patungo sa ER.

Ako naman ay naglakad patungo sa valet parking kung saan naroon ang kotse ni Mama. Paglabas ko ay kumabog nang malakas ang dibdib ko nang matanaw ang mga pasyente na puro duguan. Mapabata man o matanda. May dalawang matanda sa gilid ko na nag-uusap kaya nalaman ko kung ano ang sanhi ng aksidente.

There's a rear-end collision not far for the hospital. Nawalan ng preno ang sasakyan ng naunang nabangga sa expressway. Mga lima ang dinala rito, at ang ilan ay hindi pa narerescue.

"Saoirse!"

Lumingon ako nang narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Mama na tumakbo patungo sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita siyang namumutla at halos mahimatay na nang makalapit sa akin. Inalalayan ko siya para makatayo ng maayos.

"What are you doing here, Mom? What's happening?"

"Your brother had an accident! They said they brought him here so I came over. I hope it's nothing serious." Naiiyak na sinabi ni Mama. Hinagod ko ang kaniyang likod para aluhin siya. Pumasok kami sa loob at dumiretso sa lobby.

Habang papalapit sa ER ay mas lalong lumalakas ang pagkabog ng aking dibdib. Kinakabahan ako. Kaya pala parang may umuudyok sa aking tumingin sa mga ambulansya sa labas. Isa pala sa mga pasyente ang Kuya ko.

Pagdating namin sa labas ng ER ay naroon nakatayo si Marceu. Lumapit kaagad si Mama nang makita niya ito. Nang makalapit ako at hindi sinasadyang sumilip sa loob ay halos mawalan ako ng salita. Pinagmasdan ko ang mga pasyenteng kung hindi may iniindang masakit ay nag-aagaw buhay naman. Ang mga nurse at doktor ay hindi malaman kung sino ang uunahin. Habang ang kani-kaniyang pamilya ng bawat pasyente ay narito kasama namin. Tulad ni Mama ay umiiyak ang mga ito dahil sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

"Is my son alright? Did you run a test on him? CT Scan? X-ray?" Natatarantang tanong ni Mama.

"Seamus' vitals are stable, Auntie. However, when he was admitted to the ER, he said there's a tingling sensation on his shoulders. He cannot move his arms because it's weak and the pain is radiating to his hands down to his fingers. It seems like it's Cervical Herniated Disc. For now, we're waiting for the result of his CT Scan so we can make a diagnosis. But Dr. Padrique and I are thinking the same. Other than that, the accident causes no external or internal damage on his body." Pagpapaliwanag ni Marceu. Nagkatinginan kami ni Marceu. He smiled at me, saying that it's alright, that everything's fine, Seamus will recover quickly. I have to admit that it consoled me a bit.

Limerence (Dauntless Series #2)Where stories live. Discover now