Chapter 4

125 7 36
                                        

Ngayon ko lang napagtanto ang mga pinaggagawa ko kagabi. Pwede kong sabihing nadala lamang ako dahil sa takot, ngunit ngayong wala na ako sa kapahamakan ay hindi ko alam kung may lakas pa ako ng loob na harapin siya. Para bang lahat ng pinagplanuhan ko para mapasaakin siya ay itinapon ko upang isalba ang sarili ko.

Inihatid ako ni Marceu pauwi kahit na nagpupumilit akong bumalik sa loob ng bar dahil hindi ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko. Dahil sa pagod at pagkabigla ay si Marceu na ang nagdrive ng kotse. Tahimik lamang ako sa front seat habang nakasandal ang aking ulo sa bintana. Kaya lang ay bigla kong naalala iyong ginawa namin kanina dahil wala sa sarili kong hinawakan ang labi ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nagpanggap na tulog para hindi ako kausapin ni Marceu.

"Ayos ka na ba?"

Pasimple kong binuksan ang kaliwa kong mata para sulyapan siya, ngunit sa gulat ko ay nakatingin na pala siya sa akin kaya tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata at umupo ng maayos. Tumango ako sa kaniya.

"H-hindi ka ba magtatanong tungkol sa nangyari?" Baka lang naman gusto niyang malaman, handa naman akong magpaliwanag. Ayoko lang unahan dahil baka sabihin niyang hindi naman siya nagtatanong pero nagpapaliwanag ako.

Nagtagal ang tingin niya sa akin, at ako ay nakatitig lamang sa kaniyang mga labi. His lips looks so soft and tender but in reality, it was rough. Or it's just because of the kiss that he made me experience. May kung ano sa akin na nagtutulak na ulitin ang nangyari pero pinigilan ko ang sarili ko. Lumayo ako sa kaniya.

"Sorry..."

"Why are you saying sorry?"

Yumuko ako. "Dinamay pa kita sa gulong pinasok ko. Tapos hinalikan pa kita ng walang permiso. Mukha ring may party kang pupuntahan pero hindi ka na natuloy nang dahil sa akin. I understand if you're mad at me."

Nakita kong bumulong siya sa gilid. Tatanungin ko sana siya kung ano iyon ngunit naistorbo ko dahil sa isang kotse sa likuran namin na panay ang busina. Para sa amin iyon. Hindi namin namalayan na kami pa ang naging dahilan ng traffic.

"It's my responsibility to keep you safe as your parents told me to take care of you," nilingon ko siya dahil doon. Huminga siya ng malalim. "As per the party, don't worry about it. It's just a gathering for the newest residents in our department. Babalik ako kapag naihatid na kita. You don't have to feel sorry."

Mukha namang totoo ang sinasabi niya dahil kahit papaano ay gumaan na ang loob ko. Saka ko rin namalayan na nasa tapat na kami ng bahay namin. Lumabas na ako ng sasakyan pagkatapos niyang magpark. Umikot si Marceu galing sa driver's seat patungo sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway.

"Salamat ulit. Ang dami ko nang utang na loob sa'yo," nakayuko kong sinabi.

Narinig ko siyang tumawa. Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya kaya nagmamadali kong binuksan ang gate.

"Your offer... is it still valid? I'm talking about the dinner you mentioned last time."

Agad akong napalingon dahil sa sinabi niya. Sumandal siya sa kotse at inilagay ang kaniyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon. The lights coming from the street light not far from us illuminate his face. Ang misteryoso niyang mukha ay mas lalo pang naging misteryoso dahil doon.

Tumango ako sa kaniya.

"You can make up with it if you really feel sorry for what happened. I don't have a night shift starting tomorrow until the end of the week," lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "You can call me anytime."

Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya. Kahit pa noong may dumaang taxi at pinara niya iyon, nakatulala lamang ako hanggang sa makaalis siya. My heart is pounding so hard that I thought it would come out of my ribcage.

Limerence (Dauntless Series #2)Where stories live. Discover now