Lying down beside him, I still can't believe that we did 'it'. I am still sore down there but I can manage the pain. Pinili ko lamang na manatili sa tabi niya dahil gusto ko siyang pagmasdan habang mapayapang natutulog.
The sun has risen and it's time for breakfast, but I don't know what to prepare for I am not fond of cooking. This is why I should always help my Mom whenever she's cooking so I can learn from her. Kawawa naman ako sa susunod kung hindi ako maalam sa mga gawaing bahay. Ayoko namang mabuhay na puro processed and delivery foods ang kinakain lalo na kapag napagdesisyunan kong bumukod sa bahay. I wanted to do it for such a long time, only that my parents won't let me.
Nang mapagtanto kong mamaya pa magigising si Marceu ay tumayo na ako at naghilamos. Sinuot kong muli ang night dress ko. Ang mga damit ko ay nasa ibaba pa. I wonder if they're dry already. I still need to get my bag on Marceu's car. Pero ayokong lumabas ng bahay na ganito ang suot ko. Baka may makakitang ibang tao at iba ang isipin. Alam mo naman ang isip ng mga tao.
Laking tuwa ko nang tuyo na ang mga ito. Kinuha ko iyon at pumasok sa powder room para magbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay dala ang susi ng kotse ni Marceu. Habang naglalakad ay abala naman ako sa pagtingin ng mga pagkain na oorderin ko.
Saktong pagbukas ko ng trunk ay tumunog ang cellphone ko. Unti-unti akong napangiti nang makitang si Marceu ang tumatawag. Sinagot ko iyon.
"Where are you?" His voice sounded worried and afraid. What is he thinking?
Kumunot ang noo ko. "On your car? Why? Is there something wrong?"
Narinig ko ang mabibigat niyang paghinga sa kabilang linya. Seryoso ba siya? Kung umasta siya ay para bang nawawala ako. O talagang iniisip niya na tinakasan ko siya matapos ang nangyari kagabi? Paano ako makakatakas agad kung pa-ika ika ako maglakad? Baka hindi pa ako nakakaabot sa gate ay mahuhuli niya na kaagad ako.
"Nothing," he said before hanging up. I shrugged. Kinuha ko ang mga bag namin at maglalakad na sana pabalik pagkatapos kong i-lock ang kotse ni Marceu ngunit namataan ko naman siyang nasa labas na pala ng bahay at naglalakad papalapit sa akin. I crossed my arms while I wait for him to come closer.
"Were you worried that I might've run away?" I said in a teasing tone.
Nanlaki ang mga mata niya at gulat akong binalingan. Umawang ang kaniyang bibig kaya mas lalo akong natawa. He's so cute! Kaya lang ay nagsisimula na siyang maging clingy.
"Stop it, Saoirse. Hindi iyon ang iniisip ko."
"Kung gayon, ano? Share mo naman sa akin." Pangungulit ko pa.
Napailing na lamang siya at kinuha ang bag ko. Isinukbit niya iyon sa kanang balikat at ang kaniyang kaliwang kamay ay kinuha ang kamay ko. I suppressed a smile. My heart is pounding real hard even in the simplest things he's doing.
Pagpasok namin sa loob ay ako na mismo ang bumitiw sa paghahawak-kamay namin. Alam ko dahil kung hindi ko iyon ginawa ay baka ganoon pa rin ang gagawin namin kahit nasa loob na kami. Ayokong pati sa pagkain ay magkahawak-kamay kami. Natawa si Marceu at nailing bago umakyat muli sa taas.
Kinuha kong muli ang cellphone ko at nag-order ng makakain namin. Hindi nagtagal ay bumaba na rin si Marceu. Dumiretso siya sa nook kung saan ako nag-aayos ng mga plato at tumulong sa akin. Halos akuin niya na ang mga ginagawa ko. Kulang na lang ay utusan niya akong maupo na lamang at siya na ang bahala sa mga gagawin. Siyempre hindi ako pumayag. Ayoko namang magpakasarap sa isang sulok habang siya ay abala sa ginagawa na dapat ay para sa akin.
Sabay kaming lumingon sa pinto nang tumunog ang doorbell. Si Marceu ang nagpresinta na lumabas. I wonder if the food is here.
Nang pabalik na ako sa nook para ilapag ang mga brewed coffee ay saktong pagbalik ni Marceu dala ang mga paperbag na may tatak na Pancake House. Mas lalong kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko ang bango ng mga pagkain.
YOU ARE READING
Limerence (Dauntless Series #2)
Roman d'amourSaoirse's heart goes weak and fragile, especially when someone caught her attention. This leads to too many heartbreaks. She gets whatever she wants, except for one thing. She has been crushing on Marceu since forever. For her, he was the perfect g...