Chapter 13

115 5 32
                                        

Hindi ko alam kung anong klase ng ekspresyon ang pinapakita ko habang kausap si Manong Julio. Hindi ako mapakali hanggang sa umalis si Marceu sa kusina. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Pasalamat na lamang at mukhang wala namang nakita si Manong sa ginagawa namin ni Marceu kanina.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na ito at maggugupit pa siya ng mga damo sa garden. Napagpasyahan ko ring maligo na at kailangan na naming umalis. Nauna na sa akin si Marceu na ngayon ay nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro tungkol sa Neurosurgery. He's wearing a navy blue sweaters, trousers and a white sneakers. He's also wearing an eyeglasses, nakakunot ang noo nito habang nagbabasa ngunit sinundan niya ako ng tingin nang dumaan ako sa gilid niya. Natawa ako nang narinig kong pasipol-sipol siya habang nagbabasa.

Binilisan ko ang pagligo dahil alam kong matatagalan ako sa pag-aayos. Tutal ay naghalf-bath na ako pagkagising ko. I sat down on my vanity table after I finished wearing my cedar ribbed long sleeve sweater dress. I paired it with my black chelsea boots. Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakonsumo ko sa paglalagay ng make-up ngunit alam kong nagtagal ako. Nakakapagtaka ring hindi pa umaakyat si Marceu rito para sunduin ako. Of course I'm not doing it on purpose, I just figured that he must be annoyed that I'm taking my time too long.

Bumaba na ako nang matapos ako. Tumayo agad si Marceu nang lumapit ako sa kaniya. Kinuha niya ang bag ko para siya ang magdala noon habang ang kaniyang bag ay bitbit niya. His other hand reached for mine, and I gladly obliged. Lumabas na kami ng bahay.

Nagpaalam ako kay Manong Julio nang makita ko siya sa may gazeebo na nangpapahinga. Kumaway ito sa amin at nakangiti kaming tinatanaw habang papasok kami sa kotse. Nang masiguro ni Marceu na nailagay ko na ang aking seatbelt ay pinaandar niya na ito.

"Where exactly are we going?" Tanong ko nang makalabas kami sa gate.

He is staring at the road intently but he managed to take a quick glance on me. "On my Uncle's farm. He moved here from France 2 years ago."

Tumango ako. I was about to turn my head to watch the sceneries but his swollen hand got my attention. Kinuha ko ang kamay niya nang ibinaba niya ito. Nagulat ito sa ginawa ko ngunit hindi naman siya nagreklamo kaya ipinagpatuloy ko ang pagsuri sa kaniyang kamay.

"Did you got hurt when you caught the ball? Your hand is swelling!"

Dahil sa sinabi ko ay napatingin siya sa kaniyang kamay. He shook his head and smiled a little. But when he noticed that I won't fall for that gesture, he took a deep breathe before facing me.

"I didn't notice it yesterday. All I know is that it hurts, but I can still manage the pain."

Gosh. Ano kayang gagawin niya kung hindi ko napuna iyon? Malamang ay papabayaan niya lang ito.

"We should pull over. We're still in the city, I'm sure there's a drugstore nearby." Sabi ko kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod. Tinuro ko ang isang drugstore at ni-park ni Marceu ang kotse. Hindi pa rin matanggal ang mga mata ko sa kaniyang kamay. I am bothered by the swelling. It seems like he's not fine. Even if I am overreacting, I still cannot help but worry at his condition.

He's just walking calmly behind me. Ako naman ay dire-diretso sa hallway ng mga medicine para maghanap ng bandage at ice pack. Sa gamot naman, kailangan ko pang pumunta sa counter para doon mismo bumili. Nagpresinta si Marceu na siya na ang bibili ng gamot. When he noticed that I'm still looking at his hand, he laughed and wiggled my hair like I am a child. Nilingon ko ang mga mga babae sa gilid namin na pasulyap sulyap sa aming dalawa. I know that look because I once did that.

Akala siguro nila magkapatid kaming dalawa.

Hinila ko na palayo si Marceu roon. Saka lang kami maghiwalay nang makarating kami sa counter. Mabuti na lamang at wala masyadong tao kaya nakabalik agad kami sa kotse.

Limerence (Dauntless Series #2)Where stories live. Discover now