Simula

112 10 8
                                    

Simula

Malimit nating isipin na napakawalang kuwenta ang mabuhay sa mundong punong-puno ng sakit, pighati, takot at pangamba. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na wala na ngang kuwenta mabuhay because of everything that happened to me, to my dad--- my family. Pero siguro mali ako. I was naive to know that life has its interesting part kung saan we will feel so much happines, joy, satisfaction, contentment--- name it all because we'll have it. Those kind of feeling na bawat isa ay gustong maramdaman dahil sa iba't ibang negativities that we are all facing in our lives.

My damned life was miserable. Sobrang sira ang buhay ko para sa akin pero dahil sa isang salitang 'halik' ay nabago ako nito. Nakakatawa sigurong isipin dahil napaka big deal at importante sa akin ng 'kiss'. Masiyado akong atat malaman kung ano 'yong feeling ng 'halik' because my best friend told me once, "A kiss is like a sprung moment; it changes eveything,"-- kaya hanggang ngayon, nandito pa rin ako. Hanggang ngayon, hinihintay ko 'yon.

Agad kong sinara ang librong binabasa ko at napatingin sa labas ng coffee shop. Nasa tabi kasi ako ng glass wall o kung anong 'kemerut' ang tawag dito at tanaw ko ang mga taong nagtatakbuhan na nakahawak sa ulo, mga taong nakapayong at naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan, gayundin ang mga taong walang pakialam kung mabasa man sila't may posibilidad na magkasakit matapos ng araw.

Napapailing na lamang ako sa daloy ng buhay ng tao. Pero hindi pa rin mawala sa utak ko kung bakit nga ba interesado pa akong mabuhay kung gan'to naman ang buhay ko. Masiyadong boring, walang thrill, at ang lungkot. Ang daloy ng buhay ng tao ay parang isang pasikat hanggang palubog na araw---- we don't know what may happen in a day. We could guess that it will rain or maybe not. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

Kinuha ko ang tasa ng kape sa mesa at humigop ng mainit-init pang kape. Nilasap ko ang sarap ng timpla ng Americano na hinain sa akin ng waiter at dinamdam ang init ng kape sa aking malambot na labi. Hindi ko tuloy maiwasan maisip kung gan'to ba ang pakiramdam 'pag hinahalikan, mainit-init sa labi.

"Masiyado sigurong masarap ang kape na iniinom mo, Cleo." Napalingon ako sa nakaupo sa harap ko. Masiyadong bastos ang kaibigan ko at walang pasintabing umupo sa harapan ko na akala niya'y walang nakaupo.

"Hindi ka man lang nagtanong kung may kasama ba ako o kung may nakaupo ba r'yan sa inuupuan mo," paismid kong sabi rito.

Agad siyang tumayo sa sinabi ko, "May kasama ka ba? Weh? Kailan ka pa nagkaroon ng kasama kung ako lang naman ang palagi mong gustong kasama?" gulat na gulat nitong sabi. Inirapan ko naman siya at pinagkrus ang aking mga braso.

"Iyon naman pala e'. Alam mo naman pala tapos naniwala ka pa sa akin. 'Yong totoo Pear, pinagtitripan mo ba ang sarili mo?" Hindi ko alam kung bakit may kaibigan ako na tulad ni Pear. Masiyado kasi siyang bobo para maging kaibigan ko. What a shame.

"Psh. Ano ba 'yan bakla, bibigyan pa naman kita ng fafa tapos ganiyan ka pa. Hmp, ayoko na nga," nagtatampo nitong sabi at padabog na umupo. Aba, may lakas pa ng loob ang senyorita. Akala mo naman ikinaganda niya.

"May tatay ako kaya hindi na kailangan na bigyan mo pa ako niyan. Alam mo namang wala akong balak at never akong magkakaroon ng 'sugar daddy'," ani ko rito. Bakit niya pa ba ako bibigyan ng papa? Wala ba akong papa? Nakakaloka. Nakakahiya talaga ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang isang 'to at balak pa akong bigyan ng 'papa'. Balak niya sigurong ibenta ang kidney ko kaya binebenta niya na rin ako sa kung sino-sino, para sa ticket concert ng mga paborito niyang K-Pop groups kaya gan'to niya na lang sabihang hinanapan niya ako ng papa.

"Ano ka ba, macho 'yon baks! Tapos may umiigting na panga. May six pack! Malalaking braso at malaking hotdog!" Nasapo ko ang noo ko sa narinig. Hindi ko maintindihan kung anong me'ron sa binanggit niya. Siguro ay nadala na siya sa mga binabasa niya at napapanood sa mga telenobela. O kaya'y nadala na rin siya sa kagustuhang magpakasal pero ni isa ay wala sa kaniyang gustong magpakasal dahil wala naman siyang nobyo.

Ano bang aasahan mo sa walang nobyong gustong makaranas ng kasal? Malamang wala 'di ba? Wala dahil wala naman siyang jowa. Kinuha ko muli ang librong hiniram ko rito sa coffee shop pero naalala kong may sasabihin nga pala ako kay Pear.

"Nga pala," panimula ko.

"Ano?" Biglang kuminang ang mata niya't excited sa sasabihin ko. "May boyfriend ka na!? Omg! Ba't hindi mo agad sinabi baks! Ayan tuloy! Sige na nga, cancel ko na 'tong si fafa kulisap. Haist. Nakakapanghinayang ang abs. Nakakainis." Napairap na lang ako sa kawalan. Baka bigla kong makalimutan na kaibigan ko ang kausap ko at batukan ito nang sobrang lakas na tipong maaalis ang ulo niyang walang laman.

"Ikaw na ako, sige." Tss. What a shame.

"Ito naman, nagbibiro lang e'. Atsaka alam ko naman walang papatol sa 'yo dahil sa sobrang sungit mo. Mukha ka kasing menopausal. Biruin mo, ang tanda tanda mo na pero dalaga ka pa rin hahahaha. Matandang dalaga," tawang tawa na sabi niya. Mas lalong naasar ang kilay ko at hindi ko na maiwasang mapakunot ng noo.

This is what I hate the most. Being called 'matandang dalaga' because until now, I haven't been in a relationship yet. Natapos ko na't lahat ang pag-aaral ko, nakapagtrabaho na't nagmamanage ng kumpanya ng tatay ko pero hanggang ngayon, wala pa rin akong nagiging nobyo.

Kaya nga't gusto kong malaman man lang kung ano ang pakiramdam ng 'halik' dahil ayon sa magaling kong kaibigan na si Pear ay hindi lang daw iyon normal na paglapat ng labi ng 'dalawang taong nagmamahalan'. Isa raw iyong experience na sa pagiging tao mo lang malalasap.

Pero bakit nga ba't napakahayop ng kaibigan ko? What a shame. Siguro kaya pareho kaming wala pang 'first kiss' dahil hayop kami? Sa pagiging tao lang daw malalasap 'yon eh. Psh.

"Para namang may nobyo ang isa diyan at napakalakas mang-asar. Ni isa ngang manliligaw, wala. Kaya siguro natutuyo ang mga bulaklak sa shop niya kasi----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang putulin 'yon ni Pear. "Kasi?" Atat na atat ang mga mata niya at inaabangan ang sasabihin ko. Napangisi na lang ako.

"Kasi walang nagdidilig sa inyo ng mga bulaklak mo. Damay-damay 'yon. Ikaw at ang mga bulaklak mo ay nalalanta't natutuyo. Nakakaawa." Mas lumaki ang ngisi ko nang mapanguso ang bibe.

"Ano na ba kasing sasabihin mo? Hmp. Hindi na lang kasi sabihin nang diretso para matapos na 'to at nang makapag-asawa na 'ko." Otomatikong napataas ang kaliwa kong kilay at agad siyang inismiran. Akala niya siguro'y madali lang mag-asawa. E' ang magkaroon nga ng nobyo'y nahihirapan siya, asawa pa kaya.

Hindi ko na lang pinansin at ngumiti nang pilit, "I'll be resting now,"

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "Ano?! Mamamatay ka na!?" Hindi pa nga tapos ang sasabihin ko ay agad na naman siyang umepal.

"I'll be resting now from my work. It's time to give myself a rest after everything that I've done. This is the time para lumandi, at magkajowa. I don't want to be dead without even knowing what is the feeling being kissed. I want to know bago man lang mamatay kung ano pa ba ang dapat kong ma-accomplish sa buhay ko. After all, I have everything. I have degrees, money, car, house and all pero I still feel empty. Kaya ngayon, gusto kong malaman kung ano pa ang kulang. Gusto kong maramdaman kung ano ba 'yon." Humigop ako ng kape ko't ngumiti nang matamis sa kaibigan kong nakanganga sa harap ko.

"Pupunta ako sa lugar kung saan sisiguraduhin ko na may makukuha ako. I'll be gone for good, Pear my friend. Magpapahinga ako at dadalhin ang sarili ko sa isang lugar para malaman ang mga kulang sa akin." Mas napangiti ako nang unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ng kaibigan ko.

"At last! Napag-isip isip mo nang magpahinga! Nako. Sa dalamwampu't anim na taon mong pagkabuhay, ngayon ka lang nakagawa ng tamang desisyon para sa sarili mo. Mabuti naman." Natawa na lang ako sa sinabi ni Pear.

I made a name in business world. I made my name be known to every businessmen in the business world para malaman nila kung gaano ako kagaling. I've managed to bring the Guevarra Group of Companies to the top. I've made myself and dad happy yet it still feels empty. I thought that having money would make me 'that' happy. Akala ko rin na ang pagkakaroon ng sariling lupa, resort, or kung ano pa ay sapat na para mabubay pero kulang pa rin pala. Kulang pa rin at I want to know what's that 'thing' that makes it all feel empty and worthless.

Napangisi na lamang ako sa sarili ko. Cleopatra Guevarra, the 'never been kissed' CEO of Guevarra Group of Companies, will take a step for my piqued interest.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now