Kabanata 9

14 3 0
                                    

Kabanata 9

Kanina pa ako tawa nang tawa dahil sa kabobohan ni Tristan. Hindi ko naman alam na gan'to pala siya kabaliw. Pilit kasi siyang nagsu-surfing sa dagat kahit hindi naman malakas ang alon kaya ang ending, bumabalik siya sa dalampasigan at nahuhulog sa surfboard. Naiiling na lang ako. Nagpupumilit kasi ang loko, akala mo naman ay marunong.

"Malunod ka sana!" sigaw ko rito nang mahulog muli ito. Nababaliw na naman ako. Paano ba siya malulunod kung mababaw lang ang tubig sa parte, kung saan siya nahuhulog?

Pagkagising namin kanina sa kubo niya ay bumalik lang kami sa rest house para kumain. Pinaglutuan niya nga ako e' at hindi ko inakalang marunong pala siya magluto. Biniro ko pa siya na p'wede na siyang mag-asawa pero ang sagot niya lang sa akin,

"Gusto mo na ba?"

Kaya kahit gaano ko siya kagustong batukan kanina ay hindi ko magawa. Mas nauna ang kilig ko at hiya. Feeling jowa ang ulupong e' hindi nga kami close.

"Hoy! Pusa ko! Punta ka rito, dali!" Napairap na lang ako sa lakas ng boses ni lalaking may mapulang labi. Hindi ko siya pinansin at naupo na lang sa buhangin.

Medyo malayo kasi ako sa kaniya. Alas kwatro na ng hapon kaya masarap nang maglaro sa tubig. Masarap na maligo pero mas masarap ako. Nakita ko na binitbit ni Tristan ang surfboard niya at lumapit sa akin,

"Ayaw mo ba akong kasama?" nakangusong sabi nito sa akin nang makalapit siya. Umupo pa siya sa tabi ko kaya umiwas ako ng tingin at tumingin na lang sa dagat. Nakasuot lang ako ng shorts at manipis na damit ngayon. Gusto ko sanang mag-two piece pero mamayang gabi ko pa balak maligo kaya naman hindi ko muna inalis ang damit ko at ang short ko.

"Cleo ko..." Tingnan mo 'to. Balak ata akong sanayin sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Gusto ko man mailang pero hindi ko naman magawa. Gustong-gusto ko kasi ang pagtawag niya sa akin. He's making me feel that I'm his. He makes me feel at ease.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero ayoko naman agad mag-invest ng feelings ko. Ayoko dahil wala pa akong karanasan. Baka maging kawawa ako at baka ako lang pala ang nakakaramdam nito kaya nakakatakot.

Love isn't perfect. Hindi pa man ako nagkaroon ng karelasyon noon, o hindi ko pa man alam kung ano ang pakiramdam ng inlove pero alam ko na may kasama ito palaging pain. Para itong sapatos, hindi lang isa, kundi dalawa. Ang love daw ang nakakatakot sa lahat. It will let you feel 'yong mga never mo pang naramdaman sa buong buhay mo. May nababaliw, namamatay at me'ron ding natakot nang mag-commit dahil nagkaroon na ng phobia. Siguro naman ay imposibleng humantong ako sa ganoong sitwasyon pero nakakatakot pa rin. Ang iba, nagiging selfish. Ang iba naman, nagiging selfless.

"Pusa." Nilingon ko si Tristan nang muli kong marinig ang pagtawag nito. Nakangiti ito sa akin kaya umiwas muli ako ng tingin. What a shame. Isa akong magaling na businesswoman at mataas ang tingin ko sa sarili ko, meaning, wala akong hiya. Pero hindi ko maintindihan dahil pagdating kay Tristan ay para akong papel na natitiklop gamit ang mga ngiti niya. Natitiklop ba ang papel na mag-isa?

Ako lang naman siguro ang nakakaramdam nito dahil hindi naman siya nao-awkward sa akin. Para siyang sanay sa babae at walang hirap sa kaniya na makasama ako without falling. Sht. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Akala ko'y wala nang mas mahirap pa sa pagmanage ng company, pero me'ron pa pala.

"Kanina ka pa tahimik."

"Ano bang gusto mong gawin?" Inalis ko ang lahat ng nasa isip ko at pilit ngumiti. Ayokong malaman ni Tristan kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko sa mga oras na 'to. Ayokong mapahiya sa mga mata niya at ayokong magmukhang inlove sa kaniya, samantalang boss ang tingin niya sa akin dahil sinusuwelduhan lamang siya ni Bernadette para bantayan ako.

"Nakasakay ka na ba sa bangka?" tanong nito sa akin.

Walang hiya talaga ang lalaking ito. Sa tuwing magtatanong ako nang matinong tanong, sasagutin niya rin ako ng tanong. Wala na bang magiging maayos sa buhay ni Tristan?

"Hindi pa, at wala akong balak sumakay." Napailing naman siya saka tumayo at hinila ako. Hinila niya ulit ako. Palagi niya na lang akong hinihila, pero this time, hinila niya akong patayo kaya nauntog ako sa dibdib niya.

Sht, ang tigas.

"Pasensiya, pero hindi ka magiging masaya sa pagsi-stay dito kung hindi mo mararanasang sumakay sa bangka," bulong nito sa tainga ko. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko kaya wala na akong masabi. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin dahil napakalapit ng mukha ko sa dibdib niya. Ang tangkad kaya ng lalaking ito. At isa pa, nakahawak ang kanan niyang kamay sa likod ko habang sa braso naman ang kaliwa kaya sobrang kumakabog ang puso ko sa mga oras na 'to.

"This time Cleo, you can't just say no." Hindi pa man ako nakakapag-move on sa way ng hawak sa akin ni Tristan at ang pagbulong-bulong niya sa akin ay agad niya na akong kinarga na parang sako. Wala akong lakas sumigaw at lalo na ang pumalag dahil hawak ko ang dibdib ko sa mga oras na ito. Para kasing lalabas ang puso ko at papasok sa puso ni Tristan. Shoot. Sobra akong mababaliw.

---

Nakasakay na ako't lahat dito sa bangka pero hindi ko pa rin magawang tingnan si Tristan. Nakakaasar. Binagsak niya kasi ako sa loob ng bangka with feelings. Charot. Wala naman siyang feelings for me.

Pero honestly, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kinakabahan ako and at the same time, natatakot. Nakasuot naman ako ng life jacket pero hindi ang dagat ang dahilan ng takot ko. At this moment, kay Tristan ako natatakot.

Natatakot ako sa paraan ng pakikisama niya sa akin. Natatakot ako kasi lalo akong nahuhulog. Natatakot kasi sobrang lapit niya sa akin at mas nahuhulog ako. Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin, ang pag-ngiti niya, pati na rin ang pagtingin niya na parang nilulunod niya ako sa kailaliman niya at ayaw niya akong umahon.

"Natatakot ka ba?" Tumigil si Tristan sa pagsagwan at tumingin sa akin.

No, please, h'wag kang tumingin.

Oo, natatakot ako sa 'yo, pero sa dagat? --"Hindi naman kahit first time ko ito," medyo kunwari'y panatag kong sagot. Nababaliw ako kapag siya ang nagtatanong. Hindi ko alam ang dapat isagot at kung paano ako dapat sumagot. Basta, gusto kong maging perfect sa harap niya at naaasar ako.

Ilang weeks pa nga lang ulit kaming magkasama? Two weeks pa lang.

Wala naman sigurong masama na mahulog sa maliit na panahon 'di ba? Sabi nga ni Pear, ang iba raw, dalawang araw pa lang magkilala sa internet, nagki-claim nang mahal na mahal nila ang isa't isa. Ako pa kaya? Ako pang ilang weeks na kasama si Tristan?

"Gusto mo na ba bumalik?" nag-aalalang tanong nito kaya hindi ko maiwasang huminga nang malalim.

Sinong hindi mahuhulog? What a shame.

"No, pero may tanong ako." Tumingin ako kay Tristan at tinitigan siya tulad ng paraan niya ng pagtitig sa akin. Nakaka-proud ang isang tinuro sa akin ng ama ko. 'Wag akong magpapatalo and this time, I'll be using what he had taught me.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now