Kabanata 15

9 1 0
                                    

Kabanata 15

Dalawang oras na siguro kaming nasa kahabaan ng EDSA ni Kuya dahil hindi man lang dumadaloy ang mga sasakyan dito. Sobrang traffic. What the hell. Anong oras pa ba kami makakauwi? Miss ko na ang lambot ng kama ko sa condo at gusto ko nang batukan si mom at si Pear. Kamusta na kaya ang kumpanya? Baka nalulunod na ang kumpanya ko at hindi na makaahon. Gah. Nakakatakot pa naman si Pear. Ilang negosyo na kasi ang tinayo niya pero lahat 'yon ay na-lugi at na-bankrupt dahil sa kabobohan niya.

But honestly, Pear is not that bobo naman talaga. Iba lang naman kasi ang pinag-aralan niya sa pinupursue niya ngayon. She's not into business. She was a model nga e' pero hindi ko maintindihan dito sa babaeng 'to kung bakit huminto sa modelling at nag-negosyo na lang. Na-bored ata at gustong ma-stress. Napaka-walastik. Kung ako sa kaniya, magmo-model na lang ako para hindi sayang ang kagandahan ko, pero nah, ayokong ngumingiti o nagsusungit sa harap ng camera, hindi dahil wala akong tiwala sa kagandahan ko pero dahil hindi ako nababagay sa ganoong uri ng kaechosan.

Bilib naman ako sa mga models e' kasi nagagawa nilang magsuot ng kung ano-ano tapos mag-pose ng kung ano-ano tapos ayon pero still, mas bagay sa akin ang nagmamanage ng kumpanya. Ay, ewan ko sa sarili ko. Masiyado akong nag-iisip isip ng kung ano-ano. Ayaw ko lang naman kasing maisip si Tris---Trisha na secretary ni kuya sa States. Tama. Sino ba 'yon? Dzuh, wala akong kilalang Trisha.

"Kuya? Trisha ba pangalan ng secretary mo sa States?" Lumingon naman sa akin si Kuya at tumingin na para akong nasaniban. Dzuh, nagtatanong lang e'.

"Baliw ka ba honey? Dahil ba 'yan sa nainom mong tubig matapos mong palubugin 'yong sinasakyan nating bangka kahapon? Atsaka, wala akong secretary. Kailan pa ako nagkaroon ng secretary?" Psh. Nagtatanong lang e', kailangan pa bang ungkatin ang nakaraan? Pero at least, wala siyang secretary na Trisha ang pangalan hehe. Sa utak ko lang 'yon. Pero ayon nga, lumubog 'yong bangka kasi tinuruan ako ni Tristan palubugin yon. Sabi niya---- sabi ko naman sino si Tristan. Tristan? Tristan Thompson? Char.

Kung ano anong walang kwenta ang naiisip ko. Mababaliw lang ako sa ginagawa ko.

Umalis na ako sa Barcelona at walanjo dahil nakalimutan kong magpaalam kay Bernadette. Hmp. Busy kasi ang gaga kahapon sa pakikipag-chismisan sa isang kano. Mas masarap pa naman siguro ang Americano na paborito kong kape kaysa sa kanong iyon. Chars. Hinayaan ko na lang si Bernadette dahil minsan lang naman 'yon lumandi.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang umandar muli ang sasakyan. Medj hindi na traffic. Charot lang ulit. Natigil na naman kasi ang kotse ni Kuya. Stack na naman kami. Ang galing-galing. Ano ba ang dapat solusyon para hindi na traffic dito? A. Sirain ang mga sasakyan para mabawasan man lang? B. Pagbabawalan na magbenta ng kotse ang mga nagbebenta nito. Or c, i-ban ang lahat ng sasakyan--- Char. Nababaliw lang ako. Tama. Nababaliw kay Tris,

"---tan..." Omg. Ilang beses pa akong nagpakurap-kurap at sinigurado kung namamalik-mata lang ako pero nasa harap ko ngayon si Tristan, I mean, nasa tabi ng kotse ni Kuya at nagda-drive ng isang black Porsche 911. Nakangisi itong nakatingin sa harap ng daan at may hikaw sa kaliwang tainga niya. He looks hot while biting his lips, at hindi ko na siya natitigan pa nang matagal, nang lumiko na si Kuya dahil malapit na kami sa unit ko.

"Hey, ayos ka lang? Ang tahimik mo." Hindi ko pinansin si Kuya dahil inaalala ko si Tristan. Alam kong siya 'yon pero charot, hindi pala ako sigurado. Para kasing ibang tao 'yong nakita ko at malayo sa Tristan na nakilala ko sa beach. Though, ang kilala kong Tristan ay may butas sa kaliwang tainga, pero wala siyang hikaw.

Malamang ay nagsuot na siya ng hikaw nang iwan niya ako,

Pero kasi, he's wearing a hot white tees at medyo hindi ko na napansin kung ano ba 'yon or nah. Dzuh. Ang pagbit niya ng kaniyang lip ang nakapukaw sa atensyon ko sa oras na 'yon. What a shame. Nasobrahan ata ako sa kakatitig at kakaisip kay Tristan kaya hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin siya sa kung saan.

Naalala ko nga no'ng nagbabiyahe kami pauwi ni Kuya. Dumaan kami sa Polangui to buy some snacks, tapos akala ko, siya 'yong nagtitinda ng taho, hindi pala.

"Pfft..." Gusto kong magpigil ng tawa. Naalala ko na naman kasi. Bagay pala kay Tristan na magbenta ng taho. What a shame. I mean, alam kong magandang pagkakitaan 'yon dahil maraming gusto ng taho, pero si Tristan kasi, if ever magbebenta siya no'n, tatawagin ko siyang 'hamog na mangtataho'.

"Crazy..." Nalingon ko si Kuya nang marinig ko itong magsalita. Sinong baliw? Siya? Aba, alam ko namang baliw siya at tanggap ko siya.

"Kuya, baliw ka talaga. At ayos lang 'yan, tanggap kita okay?" Napailing naman ito sa sinabi ko.

"Ikaw ang tinutukoy ko sis. Nabaliw ka na ata dahil sa tubig dagat. Nako, you need to get back to work agad-agad para maging maayos na ang condition mo. Hindi na ako natutuwa sa bigla-bigla mong pagtawa. Para kang possessed," medyo mahabang litanya ni Kuya. Napanguso na lang ako. Hindi naman ako tumatawang mag-isa e'. Atsaka kung oo man, hindi ko naman 'yon kasalanan. Kasalanan 'yon ni Tristan!

Tristan na naman. Haist. Baliw na ako kay Tristan, seryoso.

"We're here." Napangiti naman ako. At last! Makakatulog na ako nang mahimbing without thinking who Pax Tristan is.

"Pero wait sis, let's talk first. I just want to ask you. I was quite disturbed of your sudden change of attitude kaya iniisip ko kung possessed ka ba or hindi ikaw ang kapatid ko," seryosong sabi ni Kuya kaya napatingin ako dito.

"What are you talking about?" I hissed. Oo, inaamin ko naman na baliw ako pero mas baliw pa ata ang kapatid ko to think that I'm really possessed. Gusto niya bang pag-tripan ko siya?

"Sa buong biyahe natin, natatakot ako. Bigla-bigla ka kasing matatawa, mananahimik, ngingiti tapos tatawa ulit. You think, you don't have any problem? Are you all right li'l sis? Alam mo namang you can always tell me what bothers you. Ayokong magkaroon ng baliw na kapatid but I'll accept you," madamdaming sabi ni Kuya kaya natawa na lang ako.

"Look who's crazy," naiiling na sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya and,

"Kuya, you don't have to worry that much about me. Maybe, I was just stressed because again, I am here in Manila and I'll be working my ass off. And maybe, just maybe, I left my soul in Barcelona. Manila is so different from that place that's why it felt different. Manila doesn't even felt home. It's strange but I'm good," I seriously said and gave him a reassuring smile.

He's getting older and worrying too much. Baka siya pa ang mas mabaliw sa akin kahit baliw na ako.

"You sure? I was just afraid kasi baka---"

"Ops. No, easy Kuya. Ayos lang ako. Lalabas na ak oat didiretso sa room ko para magpahinga. Kailangan kong magpahinga dahil bukas, balik trabaho na." Tumango lang siya kaya lumabas na nga ako.

Tomorrow is the day. Baka marami na namang nag-aabang sa akin kaya kailangan kong mag-rest nang mahaba para harapin ang hamon ng buhay sa akin. Chars. Nakauwi na ako! Pero... Basta, tutulog na lang ako.



---

Author's Note:

I'm not pretty sure how many chapters I'll be posting today dahil ubos na load ko. I am not also sure kung kailan ulit ako magkakaload kaya baka, kung sakali man, na magkaload ulit ako, baka tapos ko na ito and yes, kumpleto na ito HAHAHAHAHAHA.

Ay ewan, ang bilis ko mag-update. Parang gusto ko ang taho ni Tristan yawa!!!

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now