Kabanata 32

12 1 0
                                    

Kabanata 32

It's been months since I left Manila. It's been months since umalis ako sa bahay nila mama at magpaalam para sundin ang gusto ni Tristan na dapat kong gawin. And it's been months since-

"Mommy! Daddy's here!" Napalingon ako sa batang sumigaw at hindi ko maiwasang mapangiti nang kasunod nga nito ang ama niya. Hay nako. Dali-daling tumatakbo ang bata at hindi ko inaasahang mapadadapa ito kaya naman ay nagulat ako. Buti na lamang ay malapit lang sa kaniya ang mama niya kaya ayan, kumpleto ulit sila. Sana all.

Haist. Hindi ko maiwasang mainggit. Ipagpatuloy ko ulit 'yong monologue ko kanina. And ayon nga, it's been months--- chars. It's only been three weeks and seven days, bale, one month since ang huli naming pagkikita ni Tristan. I was still here, waiting. Araw-araw akong umaasang darating na si Tristan pero palagi akong nabibigo.

Palubog na ang guwapong araw at masaya ko itong pinagmamasdan pero mas masaya sana kung katabi ko si Tristan habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Mas maganda sana ang moment habang nakasandal ako sa kaniya at sinasabi ko kung gaano ako kasayang kasama siya at kung gaano ko siya kamahal.

"Mas magandang pagmasdan ang araw habang umiinom ng mainit na kape." Napatingin ako sa nagsalita dahil parang narinig ko na ang linyang iyan from someone. From someone I love,

From Tristan.

Ngumiti ito kaya ngumiti rin ako nang bahagya at kinuha ang inaabot nitong cup of coffee. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinagmasdan siyang umupo sa tabi ko. Nakatingin siya sa tanawing nasa harapan namin at hinahayaan niya lang akong pagmasdan ang perpektong korte ng mukha niya.

Ang mapupula niyang labi, mahahabang lashes, medyo magulong buhok at matangos na ilong. Luh. Ngayon ko lang na-mention ang ilong niya ah? Gah. Sobra kasi akong nagfocus sa labi niya.

"Ang guwapo ko noh?" Humarap ito sa akin at ngumisi. Nilapag ko ang kape sa buhangin at kinuha ko rin ang hawak niyang kape. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. Alam kong pinagmamasdan niya lang ako pero kasi e', malay mo, nananaginip lang ako 'di ba? Tapos imagination lang pala ito tapos malalaman ko patay na si Tristan. Nako.

Nabatukan ko ang sarili ko dahil sa iniisip ko na ikinagulat niya naman. Hinawakan niya ang parte ng ulo ko na binatukan ko at nag-aalalang napatingin dito.

"Baby, what are you doing? Ganiyan ba ang ginawa mo sa tagal nang pagkawala ko? Sinasaktan mo ang sarili mo?" Napanganga ako sa narinig kaya dinamba ko ng yakap si Tristan na dahilan para mapahiga siya at madaganan ko siya. Wala na akong pake kung makita ako ng mga batang nandito, basta sobrang saya ko lang.

"Baby! Nandito ka na!" I exclaimed. Agad kong hinalikan ang buong mukha ni Tristan na ikinatawa niya naman. Medyo na-out of balance ako kaya ang nangyari ay nahulog ako sa tabi niya pero dahil sa nakayakap siya sa akin ay nagpagulong-gulong kami hanggang pareho kaming mabasa dahil natatamaan na kami ng alon pero wala akong pakealam sa alon. I just giggled while hugging my boyfriend.

"Damn baby, I missed you so much," sabi niya at parang hindi pa makapaniwalang magkayakap kami ngayon at nakapatong ako sa kaniya. Tumayo agad ako nang may maalala ako.

"Oo nga pala! Pax Tristan Mendiola!" sigaw ko sa kaniya. Dinuro ko pa siya kaya nagtataka siyang napatingin sa akin at umupo mula sa pagkakahiga sa buhanginan.

"B-Bakit?" Para siyang kinabahan bigla. Psh. Ang dami niyang kasalanan pero nevermind those. What is more important ngayon ay ang present--- hah? Ano sinasabi ko? Basta 'yan.

Napangisi ako kaya I stretched my hand out na parang may hinihingi from him. Gulong-gulo pa siya sa actions ko.

"Ano?" tanong pa niya.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now