Kabanata 5

26 4 0
                                    

Kabanata 5

Kanina ko pa napapansin ang nagkikislapang mga mata ni Tristan habang patuloy sa pagkain. Parang sarap na sarap ito sa kinakain niya. What a shame. Kaharap niya ako, at siguro, ako ang iniisip niya habang kinakain ang nakahandang pananghalian na niluto ni Bernadette para sa amin. Tama, pinagnanasahan niya ako.

Nabatukan ko ang sarili dahil sa iniisip. Nakita ko naman na bahagyang nagulat si Tristan sa ginawa ko kaya ngumiti na lang ako nang pilit. Kaasar. Ba't ba gan'to ang pag-iisip ko? Kung nandito si Pear ay kanina pa nanlalaki ang mata no'n at magwawala na naman sa mga biglaan kong aksyon. Ramdam ko rin kasi na may iba sa akin this past few days. Ilang araw na ba ang nakakalipas? At itong si Tristan ay feeling close talaga.

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, at kanina ka pa nakatingin sa akin. Tikman mo naman 'yong niluto ni Bernadette, sobrang sarap," ani nito habang hindi nakatingin sa akin at patuloy pa rin ang kain. Mabilaukan sana.

"I know Bernadette is a good cook at hindi na nakakagulat 'yon pero nagugulat pa rin ako sa 'yo kasi napakalakas mong kumain kapag si Bernadette ang nagluluto," medyo mahaba kong litanya dito. From the past days na magkasama kami ay napansin ko talagang malakas siyang kumain kapag si Bernadette ang nagluluto. Kapag naghahain na ng pagkain ang waiters para sa amin ay tinatanong niya pa talaga kung sinong nagluluto ng pagkain. Hindi ko alam ang dahilan pero naaasar ako.

"Alam mo kasi, gusto ng mga lalaki ang mga babaeng magaling magluto," sabi niya sa akin at ngumiti. Binaba niya pa ang chicken na nilalamutak niya kanina.

"Kapag kumakain ako ng luto ni Bernadette, naaalala ko ang nanay ko. Ang galing niya rin kasi magluto. Hindi ko pinapalampas ang bawat lutuin ni mama na hinahanda sa hapag kapag alam kong siya ang nagluluto. Siya ang palaging dahilan ng pag-uwi ko nang maaga sa bahay galing sa klase kasi ayokong ma-miss ang panggabihan na hindi ako nakakakain ng luto ni mama. Siya rin ang dahilan ng paggising ko nang maaga sa umaga kasi alam kong masarap na naman ang pagkain na nakahanda sa mesa. Ang mga luto ni mama ang bumubuklod sa pamilya ko at parang may magic ang mga ito dahil buo kami kapag kakain na," nang sabihin 'yon ni Tristan ay bahagya siyang ngumiti nang pilit. Parang may dinadamdam siya sa kaloob-looban niya na kahit kanino ay hindi niya masabi-sabi.

Napailing ako nang bahagya. Parang ang saya no'n ah, pero pa'no 'yong mga lumaking walang mama? Siguro, nakakainggit 'yon. Sobra.

"Akala ko hindi na matatapos 'yon. Labing pito pa lang ako noon at sabi ko kay mama, wala na akong mahahanap na tulad niya. Tinatawanan pa niya ako noon kasi baka raw batukan ako ni papa sa mga pinagsasasabi ko." Nakatitig lang ako kay Tristan at nakikinig. Ayaw ko muna siyang medyo barahin kasi oras niya para mag-senti ngayon.

"Totoo naman kasi. Si mama lang ang pinakamamahal kong mama at ayoko na sa iba. Palagi niyang sinasabi na maghanap daw ako ng babae na papakainin ako ng masasarap na pagkaing paborito ko, babaeng mamahalin ako kung ano ako, babaeng tatanggap sa akin ng buong-buo at babaeng hindi magsasawang mahalin ako." Ang lungkot ng tono ng boses ni Tristan at kita kong namumula na ang mga mata niya. Pinipigilan niya lang na umiyak sa harapan ko. Napakatapang naman ng taong 'to, aba. Hindi lang mapula ang labi.

"Pero gumuho 'yong mundo ko nang may tumawag sa akin habang nasa daan ako pauwi. Kailangan ko raw pumunta sa hospital, kaya sobra akong nagmadali. Nagmadali ako para lang abutan si papa at mama na nakahimlay. Kahit nagmadali ako, huli pa rin ako. Pagdating ko sa hospital, wala nang buhay ang mga magulang ko," medyo piyok pa na sabi ni Tristan.

"Nang malaman ko 'yon, umalis ako sa bahay. Gusto kong patayin ang dahilan kung bakit wala na ang mga magulang ko, gusto kong mawala na rin sa mundo ang dahilan kung bakit iniwan na ako ng mga magulang ko. Dahil sa kanila, hindi na ako masiyadong umuuwi sa bahay. Sobrang sakit e'. Sobrang hapdi sa puso. 'Yong mga pinakamamahal mong tao sa buhay mo, iiwan ka, iniwan ka na. Alam mo 'yon? Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Palagi kaming nag-aaway ni Kuya at palagi naman akong napapagalitan ni Lolo. Sila na lang 'yong natitira sa akin pero ayoko. Ayoko sa kanila kasi sila mama at papa lang ang buhay ko, kaya lang ang pinakamasakit, para akong kinuhanan ng buhay kahit buhay pa ako. Parang inalis 'yong karapatan kong maging masaya nang mamatay si mama at papa." Alam kong masakit. Ramdam kong masakit kasi kahit ako, nasasaktan ako. Ngayon lang kasi ako nakakita ng lalaking umiiyak at sobrang sakit pala sa dibdib.

"Kaya kapag natitikman ko ang luto ni Bernadette, sobrang saya ko. Feeling ko kasi, si mama ang nagluluto. Feeling ko, kasama ko lang si mama." Ngumiti siya nang pilit, ulit, at pinunasan ang uhog niya. Chos. Wala siyang uhog. Sayang, gusto ko pa naman makakita ng guwapong uhugin.

"Ano ka ba naman, live your life to the fullest lang. Kaloka. Hindi lang naman ikaw 'yong nawalan haha. Hindi lang ikaw ang nabubuhay sa mundo na walang magulang. Atsaka dapat, tanggapin mo. Tanggapin natin. Tanggapin na temporary lang ang lahat. Temporary lang ang buhay na me'ron tayo, kaya habang may buhay pa tayo, gawin natin lahat ng gusto nating gawin. Gawin natin ang mga dapat nating gawin. We should not just live. Matuto rin tayo at maging masaya. 'Yan 'yong tinuro sa akin ni dad at hindi ko 'yon makakalimutan," nakangiti kong sabi. Tumango lang si Tristan at kumain na ulit. Hindi ko kasi alam ang dapat kong sabihin dahil alam ko kung gaano kasakit mawalan ng magulang.

Napahinga na lang ako nang maluwag. Gusto ko biglang mag-aral kung paano magluto. Bigla na lang pumasok sa isip ko na gusto kong lutuan ng masasarap na pagkain ang lalaking nasa harap ko.

"Uh, Tristan?" Lumingon ito sa akin at ngumiti, ulit. Hindi niya ba alam na illegal ang ginagawa niya? Para kasi akong natutunaw sa bawat ngiti na ibinibigay niya sa akin kaya naaasar ako.

"Bakit?" tanong nito kaya kahit nahihiya ay sinabi ko na ang gusto kong itanong. "Anong paborito mong pagkain?" Natawa naman siya sa tanong ko. Para tuloy akong napahiya sa ginawa niya. Ano bang nakakatawa? Tss.

"Nevermind, 'wag mo na sagutin." Nakakaasar naman. Sasabunutan ko mamaya si Bernadette. Siya ang may kasalanan nito. Hindi na ako kakain dito at magluluto na lang para sa sarili ko! Hmp.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at nagkunwaring hindi big deal sa akin ang tawanan ako ni Tristan. Siya na nga itong iniisip ko tapos--- what? Sinong iniisip ko? Takte, wala. Wala akong iniisip.

"Paborito ko ang tortang talong at adobong natural. Well, marami akong paborito. Gusto ko rin ng caldereta na maraming pinya at sinigang na maraming kangkong." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tristan. Madali lang naman kasing sagutin ang tanong ko, tatawanan pa ako.

"Wala akong pakialam." Sige Cleopatra, sino ang niloko mo? Ikaw itong magtatanong-tanong tapos sasabihin mong wala kang pakialam? Nakakaloka. Dapat pala pinakinggan ko ang sinabi ni dad dati na mag-aral akong magluto dahil kung hindi, magsisisi ako. Ngayon, pinagsisisihan ko na. Gusto ko nang matutong magluto para sa sarili ko, tama. Walang malisya. Para sa sarili ko. Gusto kong paglutuan ang sarili ko para mabuhay ako nang hindi na kailangan si Bernadette.

Makikita ng Bernadette na 'yan, sa susunod magaling na ako magluto. Akala niya. Tss.

Pero paano ba magluto?

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now