Kabanata 12

15 3 0
                                    

Kabanata 12

Kanina ko pa gustong matumba at kanina ko pa rin pinipilit ang sarili ko. Hindi ko alam kung napapansin 'yon ni Paxy pero ang mahalaga ay hindi niya hinahawakan ang kamay ko, dahil kung hindi, malalaman niya na may problema ako, at mararamdaman niya kung gaano kainit ang katawan ko.

"'Di ba paborito mo 'to? Bakit hindi ka kumakain?" Kahit luto pa ni Bernadette ang spaghetti na nasa harap ko ay parang gusto kong masuka. Gusto ko man kumain ay nahihilo ako at hindi ko kaya. What a shame. Kasalanan ni Paxy ito eh. Dapat hindi na siya nagsalita ng kung ano kagabi. Tingnan mo ngayon, sobrang taas ng lagnat ko at parang any time soon, matutumba ako sa harap niya.

"Ah, diet ako." Sinungaling. Kahit sabihin mong diet ka, kung kilala ka ng nasa harap mo, aba hindi ka makakalusot.

"Kailan ka pa nagkaroon ng 'diet' sa utak mo?" See?  Buwan na ang nakalipas at halos kami lang palagi ang magkasama, kaya malamang, alam niya kung ano ako. Dzuh. Sa loob ng isangbuwan na 'yon e' puro ako lang naman ang topic namin kaya sinong hindi ako makikilala? Psh. Niloloko ko na naman ang sarili ko.

"Hmm, wala akong gana. Tama. Ayokong kumain kasi----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang putulin ito ni Paxy.

"Kasi may lagnat ka?" Omg. Bawal niyang malaman. Ayokong mabatukan o makaltukan o kahit makunyatan, kung magkakaiba man ang meaning no'n.

"Wala ah! Dzuh, malakas ako noh!" Kaya bago pa man siya magduda ay sumubo na ako ng spaghetti. Sh*t. Ayokong sumuka pero pinilit kong inubos ang pagkain ko at ininom ang isang basong tubig sa harap ko.

Nakatingin lang sa akin si Paxy kaya pilit akong ngumiti. "Bakit?" Umiling naman ito sa tanong ko kaya ngumiti ako nang malawak para hindi niya mapansin na nasusuka na ako at gusto ko na tumuloy sa CR, ngayon mismo.

"Ihi lang ako," excuse ko dito at nagmamadaling umalis sa harap niya. Patakbo pa akong pumunta sa CR at nang makapasok ako ay iniharap ko ang sarili ko sa lababo at inilabas ang kung anong kailangan kong ilabas mula sa bibig ko. What a shame. Dapat hindi na ako nagkunwaring walang sakit e', para hindi ako nahihirapan ngayon.

Suka lang ako nang suka at napapatingin na sa akin ang mga taong labas pasok sa CR pero wala akong pake.

Matapos kong sumuka ay naghilamos ako at nanghihina akong napaupo. Nanghihina rin ang mga tuhod ko at gusto ko nang mahimatay. Ito na, pipikit na ako at bigla na lang magba-block out ang lahat.

TRISTAN'S POV,

Tama nga ako. May sakit na ang babaeng Guevarra na ito. Tss. Akala mo kung sinong malakas ang resistensiya e, napakahina naman. Feeling strong amp, ngayon mahihimatay. Hay nako.

Buti na lang sinundan ko kanina si Cleopatra papunta sa CR dahil kung hindi, hanggang ngayon ay nakaratay pa rin siya sa sahig ng CR. Agad ko siyang dinala dito sa kuwarto niya dahil sobrang taas ng lagnat niya. Humingi rin ako kay Bernadette ng bimpo at maligamgam na tubig para mapunasan ko ang pusa kong ito.

Kawawa naman.

"Bakit ba nagkasakit 'yan? Hay nako. May ginawa na naman atang kabalastugan," sabi ng gigil na si Bernadette na nakatayo ngayon sa harap ko. Nakaupo kasi ako sa tabi ni Cleopatra habang natutulog ito.

"Kulit e'. Hatinggabi na, naliligo pa sa pool. Nalamigan ata," sabi ko na lang. Baliw kasi. Sobrang baliw. Akala niya walang nag-aalala sa kaniya. Hindi niya ba ako nakikita? Bwisit.

Pero bakit ba ako magagalit? Siya naman ang may gusto nito.

"Nako Pax, buti na lang nandito ka. O'siya, mauna muna ako sa baba, ikaw na bahala dito. Palitan mo na lang yan ng damit at pangbaba. Kailangan ko asikasuhin 'yong resort e'." What the f. Don't tell me, hahayaan niya akong bihisan ito?

"Ako magbibihis kay Cleo?" gulat kong tanong dito.

"Oo. Kaya mo na 'yan Pax, alam kong magaling ka diyan," sabi pa ni Bernadette atsaka kumindat. Aba. Alam ko naman na magaling ako rito pero hindi niya ba ako kilala? Paano kung makaramdam ako ng init at hindi ko sinasadyang matusok si Cleo ng ano ko, may magagawa ba siya?

Oh mamon, isang buwan na akong pahinga, hindi ba 'yon alam ni Bernadette? Sh*t.

At dahil malaki ang respeto ko sa pusang mahimbing na natutulog sa tabi ko ay hindi ko siya binihisan at, pinunasan ko lang siya ng bimpong basa.

Habang nakatitig ako sa mukha niya ay hindi na naman matigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung may sakit na ako dahil sa pamamalagi ko rito o dahil may nararamdaman na ako para kay Cleopatra.

Syempre, para sa akin, imposible ang naiisip ko. I was just thinking this dahil malayo ako sa Manila at wala akong mapagtuunan ng pansin. Damn it. Dapat makauwi na ako sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi, mababaliw ako rito sa walang kuwentang lugar na 'to.

Sakto namang tumunog ang phone ko kaya napangisi na lang ako. Biruin mo nga naman oo, umaayon sa akin ang panahon.

"Hey," bati ko kay Kuya matapos kong sagutin ang tawag niya.

"Bro, uwi ka na. Nakakapagod magbantay sa bar mo. I hate it." Natawa na lang ako sa narinig ko.

"The very good boss is losing his patience," pang-aasar ko dito. Wala siyang magagawa e'. He planned this kaya dapat ay sumunod siya sa usapan namin.

"F*ck you," asar na sabi nito. Halatang asar na asar.

"Easy bro. I know something happened to you pero ayoko na magtanong at ayokong madamay. Kung gusto mo na ako umuwi, uuwi na 'ko at this moment. Ayoko na rin sa pinapagawa mo e'. Nakakapagod si Guevarra." Natawa naman si Kuya sa sinabi ko.

"Akala ko ba magaling ka sa babae?" Siya naman itong nang-aasar.

"Oo, pero I doubt kung babae ba ito. Hindi man lang tablan sa charms ko." Nakakaasar e'.

"Ayan na siguro ang magdadala ng havoc at chaos sa buhay mo bro. Remember what mom told you? Siya na 'yan hahaha." Nakakabwisit talaga ang kapatid ko, sarap patayin.

"F*ck you. Abangan mo 'ko bukas sa office mo at babatukan kita, Kuya." Natatawa na lang ako. Kahit kailan talaga, napakakulit ng Kuya ko. Hindi ko nga alam kung bakit wala itong pinapatulan e'. Halos siya na ang nilalandi ng mga babaeng nasa paligid niya at taga-abang na lang siya. Tss. Kung ako 'yon, I'll grab them all. Sayang naman.

"Okay, see you tomorrow." Agad kong pinatay ang tawag at napangisi na lang. Tiningnan ko muli ang mahimbing na natutulog na si Cleopatra at mas lalo akong napangisi.

Hindi pa rin ako makapaniwalang virgin pa ang labi ng magandang babaeng ito at never pa siyang nagkaroon ng boyfriend. Sheyt. Paano niya 'yon naatim? Hmm, nakawan ko kaya ng halik?

Natatawa na lang ako sa balak ko, at ginawa ko nga. I kissed her forehead.

Ayokong masira ang pinakaiingatan niya. I know how badass I am, pero nakadepende 'yon sa tao. This time, ayokong maging badass kay Guevarra. She's so precious and I know that her 'first kiss' is also precious. Alam kong hindi siya makakapayag na mahalikan ang tulad ko.

This may sound crazy, pero sorry Cleopatra. My job is done already. Tapos na ako, and sana hindi na tayo magkita pa. Ayokong matupad ang sinabi ni mama, and of all the girls out there, ayokong ikaw ang magiging karma ko.

Not you, Cleopatra Guevarra. Not the one who showed me what love is.





---

Author's Note:

Wow. I never thought I'll be doing this one. I just made 8 chapters today and I was so happy. I wish, mapagpatuloy ko ito at hindi ito isang ningas cogon.

I'll update again tomorrow at kung may violent reactions kayo or kung ano, you can always tell me! Hindi po ako nangangain ng tao pero si Pax, p'wede kong kainin. Char.

I love you, one two and three. I mean, hi! I love you all.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now