Kabanata 11

11 2 0
                                    


Kabanata 11

Pagkaahon ko sa tubig ng pool ay mukha ni Paxy ang tumambad sa akin. Nakabusangot ito kaya nagtataka man ay hindi ko siya pinansin. Tumunog kasi ang phone ko at hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino ang caller at sinagot agad ito nang makuha ko ito mula sa pagkakalapag sa gilid ng pool.

"Hey," rinig kong sabi mula sa kabilang linya. Otomatikong napangiti ang maganda kong labi dahil sa boses na narinig.

"I miss you!" Sobra kong namiss si Kuya kaya sobra akong nai-excite sa muli niyang pagtawag. Mukha ring may chika ang damuho dahil dama ko sa boses nito ang excitement.

"I miss you too, baby. How are you? Doin' good? Bet you're all right sweetie. You should rest, at least." Mas napangiti ako dahil rinig ko ang sobrang concern nito. Gan'to talaga ang kuya ko, napaka-sweet. Hindi ko nga alam ba't walang pumapatol na babae dito e'.

"I'm doing great. Sa katunayan nga ay nandito ako sa Barcelona, and am taking my long vacay." Nakalimutan ko pala kasing magpaalam. Nasapo ko ang noo ko dahil pati sa medyo bruha kong nanay ay nakalimutan kong magpaalam. Gah. Pear should at least told mom about it. I wish she did dahil kung hindi, mag-aalala 'yon ng kabogabols.

"Barcelona? You mean the place where you bought your resort, 5 years ago?" Tumango-tango pa ako na kunwari'y nakikita ako nito.

"Yes, and I know how much you want to go here but sorry Kuya, I know you are too busy with your business there kaya you don't have time to visit me." Nagtatampo man ako pero hindi ko 'yon magagawa dahil alam ko na may sarili ding buhay ang kapatid ko. After all, he's 28 years old na at may mga gusto rin siyang gawin sa buhay kaya imbis na magtampo ay dapat, suportahan ko na lang siya.

"Who's busy? You are the one who's busy, baby. You didn't even have the time to check whether I'm free or nah? Nako. You should treat me 'pag uwi ko. Wait for me okay? I'll be there after two days." Wow. If ever, this will be his first time dito sa resort pero saan siya magsi-stay. Omg. I should ask Bernadette pero delikado si Kuya. Baka ma-love at first sight sa kaniya si Bernadette at painumin ng gayuma.

"Seriously? Aww, I'll wait you here, don't worry. Diretso ka na dito, 'kay? Siguraduhin mong may pasalubong ka sa akin, kundi, magtatampo ako nang sobra." Napanguso pa ako dahil mas naramdaman ko ang pagkamiss kay Kuya. Biruin mo ba naman, ilang taon na kaming hindi nagkikita at ngayon niya lang balak umuwi.

"Naman honey. Babalik na si Kuya and this time, I'll be staying for good." Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Pero naasar ako nang wala na akong marinig sa kabilang linya. I looked at my phone just to see it dead. Wala na namang buhay ang phone ko. Bwisit.

"So, may mag-aalaga na sa 'yo? Kailangan ko na ba mag-resign?" Oh, nandito pa pala ang hamog na ito.

"Nandito ka pa pala." Hindi ba siya umalis simula kanina? Nakinig lang ba siya sa pag-uusap namin ni Kuya? Hmm.

"Bakit ka magre-resign?" Dzuh. Anong problema nito? Kanina pa 'to.

"E' 'di ba, dadating na 'yong tumawag sa 'yo para alagaan ka at kung ano. Tss." Asar na asar oh.

"Anong problema mo?" Nagtataka lang ako kasi kanina pa 'yan.

"Hatinggabi na at nakababad ka pa rin diyan sa tubig. Kapag nagkasakit ka, sinong mag-aalaga sa 'yo? Walang iba, di ba? Ako lang. Kaya umahon ka na r'yan, kundi babatukan kita. Gabing-gabi na, saka mo pa naisipang maligo sa pool. Kanina kasing pinapaligo ka, ayaw mo. Tss." Tinapunan niya naman ako ng tuwalya sa mukha at pasalamat ako dahil nasalo ko 'to, kung hindi mababasa lang ang effort niya. Mababasa ang tuwalya, bobo ba siya? Basta na lang magtatapon e. At ang lakas ng apog ng hamog na 'yon ah. Nilayasan pa ako.

Problema no'n? Psh.

Napailing na lang ako dahil ayokong bigyan ng malisya ang pinakita ni Paxy. Para kasi siyang timang at nakakaasar siya. Pero infairness, he cares.

----

Nagsisisi na ata ako sa ginawa ko kagabi dahil nagising ako na mabigat ang ulo at sobrang nahihilo. Wow. Pinagdasal siguro ng hamog na may mapupulang labi ang kalusugan ko at ngayon ay tinamaan ako ng lagnat, sipon at ubo. Sh*t. Bukas na darating si Kuya, tapos gan'to pa ang nangyari?

Tinawagan ko agad si Pear dahil alam kong magaling 'yon magkunwari. Magkunwaring ayos lang siya kahit hindi naman. Boom! Pero seryoso, kailangan ko si Pear ngayon para malaman kung anong dapat kong gawin para kunwari wala akong lagnat dahil kung hindi, babatukan ako no'n ni Paxy at baka itapon niya pa ako sa dagat.

"Hoy bobits!" Agad kong bungad dito. Hindi ko naman siya namiss pero tinawagan ko lang siya dahil may kailangan ako. Gano'n naman kapag kaibigan e', lalapit lang kapag may kailangan. Another boom! Kunyat sa akin 'yong ganiyan. Kunwari lang na hindi ko namiss ang bobitang ito. Kailangan ko lang magkunwari dahil ayaw kong makarinig ng sigaw over the phone and isa pa, baka lumaki lang ang ulo ng lola mo.

"Oh? Akala ko wala ka ng pake sa akin e'. May balak ka pa palang magparamdam." Aba, gaga 'to ah. Akala mo kung sino. Kapag siya nga ang may kailangan, lakas makapilit e.

"Sapakin kita diyan, tamo. May itatanong lang e', akala mo naman sobrang mahal ng oras mo." Psh. Anong nangyari sa babaeng 'to? Ilang chapters lang nagdaan, parang may mga nagbago na ah.

"Ihhhh. Sorry naman baks! Busy kasi sa shop ngayon e', lams mo na, kailangan ko rin mag-ayos ng mga bulaklak lalo pa't may magdidilig na sa aking mga tanim at sa aking culliflower." What the f was that. Anong culliflower? Kadiri naman.

"Alam kong balak mo magkuwento but I just want to ask one thing." Tumingin pa ako sa may labas ng room ko dahil glass naman ang wall nito. Mahirap na, baka nakasilip si Paxy at marinig ako.

"Paano magkunwaring walang sakit?" mahina kong tanong dito. Mabuti na ang nag-iingat kaysa hindi. Ayaw kong mabatukan dahil baka mawalan ako ng ulo.

"Magkunwaring walang sakit? 'Yon lang pala e----- ANO?! MAY SAKIT KA?! ANONG GINAGAWA MO SA BUHAY MO CLEOPATRA, HAH!? HINDI KA PUMUNTA DIYAN PARA MAGKASAKIT! HINDI MO BA INAALAGAAN ANG SARILI MO?!" This is what I hate about Pear. Akala mo naman mamamatay na ako. Mas nakakamatay marinig ang boses niya na gan'to e, hindi niya ba alam 'yon?

"Psh. I'm fine. I was just asking for emergency purposes only," kalma kong sabi dito. Ayokong iparinig sa kaniya ang pinipigilan kong ubo at kahit kadiri ay talagang ayaw kong marinig niya ang kahit anong tunog ng lalamunan ko.

"Hay nako, siguraduhin mo lang ah, pero about diyan... Kung anong emergency man 'yan. 'Wag kang hihiga maghapon sa kama mo at indahin mo ang sakit. Madali lang 'yan. Kaya mo na 'yan, sige na, busy ako sobra." Hindi pa man ako nagsasalita ay pinatayan na ako agad nito ng tawag. Walang hiya ang babaeng 'to. Tamo, hindi ko siya bibigyan ng pasalubong pag-uwi ko. Marami pa naman ditong keychains, hmp.

Pero ano na nga bang gagawin ko? What a shame. Wala pa akong dalang gamot. Bwiset, baka asarin lang ako ni Paxy.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now