Kabanata 3
Maaga nga akong nagising to watch the sun, rise. I know I'm a damned woman whom never been kissed but I love how the sun rises and sets. Wala mang koneksyon ang sinabi ko but I love how the sun gives hope sa bawat tao that there's always a bright start in a bad day we could have after it starts to rise. I mean, it starts the mood. Sunrise can give me a vibe that excites my whole system to also rise. Siguro'y marami ang may gusto sa buwan at mga bituin pero mas gusto ko ang araw. It gives me light, hope, and warmth. It shelters the whole me. It comforts me, and tells me that it's good to start a day with a bright start watching sunrise.
Kinuha ko ang aking phone sa pocket ng shorts ko and captured the moment. This is my second day here at hindi ako nabuburyo man lang. Gusto kong magtrabaho pero gusto ko ring pasayahin muna ang sarili ko. Pero posible bang maging masaya nang mag-isa? Is it possible to be happy, alone? Hmp, tinagalog ko lang.
Nakagat ko ang ibabang labi nang maalala ko ang mga magulang ko. My dad told me that when the day comes that I'll be making a decision for myself, I should always choose what my heart wants me to. Sinabi niya sa akin that heart always beats for the best. The heart beats for someone you'll be happy with. The heart will decide kung ano ang para sa 'yo at kanino ka magiging masaya. Pero after ng nangyari, hindi ko alam kung tama pa ba 'yon.
Nagduda ako sa mga sinabi ni dad when he send my mom an annulment paper. Gusto niyang maghiwalay sila dahil hindi na raw siya masaya. Gusto niyang maghiwalay sila dahil pagod na siya. Noong araw na 'yon, he chose na sundin ang utak niya at hindi ang puso niya. Pinili niyang masaktan sila pareho ni mom, gayundin ang saktan kaming mga anak niya. Pinili niya ang desisyong hindi pinili ng puso niya. Pinili niya ang desisyong sinisigaw ng isip niya because that's the right thing to do. For him, it's the right decision he had made.
My mom didn't signed the papers. Hinayaan niyang iwan kami ni dad without signing the papers. Nalaman ko na lamang na sa hospital pala namamalagi ang tatay ko and tried to face lots of medical treatments para sa sakit niya pero hindi na niya kinaya. Sinukuan siya ng katawan niya. Doon ko lang nalaman na those papers were all fake. He just made it para hindi kami mag-alala sa kaniya. He made it like he doesn't have family. He decided it on his own not knowing na sobra kaming masasaktan dito. He was so selfish at ayaw ko siyang gayahin.
Ang utak natin ang pumipili kung ano ang tama pero ang puso natin ang pumipili ng bagay para sa ikasasaya natin. From what happened, I know my father chose what his mind was telling him to do without thinking the consequences after. If maybe he chose his heart to decide, wala ako rito sa tabi ng dagat. Siguro'y kasama ko siya and we're laughing out loud together. But what happened, already happened.
My beloved father told me rin na ang mga nangyari na ay hindi na p'wedeng balikan. Ang nga nangyari ay already destined na mangyari. Pero kung gusto natin na may mabago sa tadhana natin then, we should decide to choose what's right, trust and concede whatever may happen.
"Masarap ang mainit na kape habang nakatanaw sa ganda ng pagsikat ng araw." May naglapag ng isang latte na may hugis araw na design sa ibabaw at inilapit sa akin. Napatingin naman ako rito, just to see the guy from kahapon. Ang lalaking may mapupulang labi.
"Mas masarap sana kung Americano ito at hindi isang latte," ani ko at tumingin muli sa labas kung saan nakaharap ang pagsikat ng araw. Nasa loob ako ng restaurant ni Bernadette dito sa resort ko at napakaganda ng view nito dahil tanaw mula rito ang napakagandang kulay bughaw na tubig dagat, gayundin ang mapuputing pinong buhangin nito at ang malalakas na alon. Pero ang perfect sa lahat ay ang guwapong haring araw. Naks. Gwapo ang haring araw, tulad ng lalaki sa harap ko. What a shame.
"Tumikim ka rin ng iba, sigurado, masasarapan ka." Hindi ko alam kung ako lang ba 'yon o may iba pang meaning ang sinabi niya pero hinigop ko ang binigay niyang kape,
"Stick to one kasi ako. Isa lang ang gusto ko. Ayaw ko sa iba kasi para sa akin, para lang ako sa isa." Tumingin ako rito nang mapansin kong hindi siya nagsalita. Nahuli ko itong nakatanaw sa may dagat. Akala ko tuloy ay mahuhuli ko siyang nakatitig sa akin, sayang naman.
"Ang pagiging stick to one, ay ang dapat maging dahilan ng pagtikim mo ng iba pa. Hindi para sa 'yo pero para sa 'the one' na sinasabi mo. It's like tasting his world while he taste yours. You'll eventually know what does it mean kapag natikman mo ang latte na paborito ko." Hindi ako umimik at napabusangot nang ibaba niya ang kape niya sa lamesa. Nakita ko kasing ang paborito kong Americano ang kape niya. Halata naman na pinagpalit niya ang kape namin pero hindi ko na lang pinansin. Naalala ko kasing hindi ko naman siya kilala pero nilibre niya ako ng paborito niya 'raw' kamong latte. Pero bakit Americano ang order niya? Ah, baka nagtanong siya kay Bernadette.
Pero, magkakilala ba sila? Eh. Oh well, wala akong pake.
"Naiintindihan ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ka nandito," ani ko rito. He was busy looking outside kaya malaya kong natititigan ang perfect side-view na me'ron siya. Unang beses kong may titigan kaya hindi ko alam kung masiyado akong halata o masiyadong nakakailang ang ginagawa ko.
"Nandito ako para titigan mo. Ang guwapo ko noh?" Napaiwas naman ako ng tingin nang ibaling niya sa akin ang tingin niya't tuksuhin ako. Nakakaasar naman. Hindi ako marunong ng galawang hokage. Dapat siguro, tanungin ko si Pear dahil magaling 'yon sa gantong trabaho.
"Bakit ka nandito?" Bakit ko siya tinatanong? Ako lang ba ang may karapatan na pumunta dito? Pero sa lawak kasi ng resto ni Bernadette ay dito pa siya sa harap ko umupo. Dapat sa iba na lang para hindi ako naiilang ngayon sa pinupukol niyang titig na parang kinakain niya ang lamang loob ko like sh*t. Tumatayo ang mga balahibo ko.
"Wala lang, gusto lang kitang makilala. Gusto kong makilala 'yong babaeng marunong naman 'daw' pala sa martial arts pero hinila ako para ipakilalang boy friend at balak pa akong gawing murderer." Agad ko siyang tiningnan dahil sa narinig.
"Psh. Pasensiya naman hah? Masiyado lang talagang nakakatakot ang nangyari kaya hindi ako nakapag-isip nang maayos. Kung ikaw rin sa posisyon ko, maiintindihan mo." Tumayo na nga ako. Nakakaasar naman. Umagang-umaga, sira na agad.
Pero dapat naman siguro akong magpasalamat 'di ba?"Oh, Cleo nandito ka na pala." Nakita ko si Bernadette nang tumalikod ako kay lalaking may mapupulang labi at sinalubong ako nito ng yakap.
"Yes, good morning Berns. Ano me'ron? Para kang nagulat e'."
"Hindi ko naman kasi alam na magkakilala na kayo ni Pax." Naguguluhan ko siyang tiningnan at muling tumingin sa nakangiting lalaking may mapulang labi.
"Pax? Sinong Pax?" tanong ko rito.
"Si Pax. Siya ang bahala sa 'yo sa pag-stay mo rito." Para akong nabingi sa narinig ko. Mistulang may mga bells na tumutunog sa tainga ko and I just imagined myself walking in an aisle. Oh damn. Nabaliw ako bigla--- matagal na pala akong baliw pero mas magiging baliw ata ako.
"Hi!" Tiningnan ko ulit ang lalaking may mapulang labi na Pax pala ang pangalan.
"I'm Pax Tristan, and you can just call me Tristan. I'm happy to meet you, Miss?" What the hell. Kasing hot niya ang pangalan niya pero bakit hindi niya ako kilala kung siya pala ang bahala sa akin? Kaasar. Bakit naman siya mag-aaksayang kilalanin ako? Pero, what? Oh no Cleopatra, anong iniisip mo? Para kang tanga.
Tiningnan ko naman si Bernadette at inirapan ito. Mas lalo lang siyang ngumiti sa ginawa ko. Hindi ako medyo bobo para hindi ko malaman na may plano siya sa akin pero ayaw kong isipin na tama ang iniisip ko. Gah. Mawawala na ba ang 'first kiss' ko? Ugh.
Kiss pa rin ang nasa utak ko? Yes, kiss pa rin.
YOU ARE READING
Piqued by a Kiss
Romance[ REVISE, SOON ] "You don't just do it. You feel and savor every seconds while doing it." Cleopatra Guevarra, the 'never been kissed' owner of Guevarra Group of Companies will search her way out of her box dahil sa loob ng dalawampu't anim na taon a...