Kabanata 29

5 0 0
                                    

Kabanata 29

Ngumisi ang matanda sa akin kaya hindi ko maiwasang mapalunok ng sarili kong laway. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ko lang ba matanggap dahil may namumuong ideya sa utak ko na p'wede kong ikasakit o dahil ayaw kong mabawi ang rest house na ibinili ko kay hukluban?

Bigla ko tuloy natanong sa sarili ko. Sino ka ba talaga Pax Tristan Mendiola? Bakit gan'to? Ano ito?
Niloloko niya ba ako? Lahat ba ng nangyari sa amin, lokohan lang? Pero no, I shouldn't just jump into unbearable conclusions. We just talked about this earlier and kailangan kong makinig kay Tristan at kailangan ko rin siyang pagkatiwalaan.

Ipinilig ko ang ulo ko at bumuntong hininga. Me'ron naman sigurong magandang rason si Tristan 'di ba?

"Kilala ako ni Pax?" bobo kong tanong. Yes, bobo ako sa part na 'yan. Pero gusto ko lang itanong kung kilala niya na ba ako before pa kami magkita, before magka-usap, before ang lahat ng ito. Alam ko naman kasing hindi sinungaling si hukluban dahil nagchikahan na kami noon. And now it all made sense. 'Yong kinukwento niya pala dating dalawa niyang guwapong apo ay si Tristan at ang kuya niya? What the hell.

"Yes. Hindi ba niya nakuwento sa 'yo na palagi kitang kinukwento sa kaniya after natin magkita five years ago? Palagi niya ngang sinasabi na pupunta raw siya sa Barcelona to see you with his own eyes, dahil sabi ko, maganda ka, and Pax Tristan was always attracted with beautiful girls," tugon nito at bahagya pang natawa. Siguro ay may naalala siya. Shoot. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin o iri-react. Meaning, kilala na ako ni Tristan noon pa tapos he was inlove with me tapos niloko niya ako sa Barcelona? Pero sabi niya totoo lahat ng pinakita niya. Fuck, I'm puzzled. Ghad.

"No'ng time na pumunta siya ng Barcelona, bumalik ulit siya dito. Wala ka raw kasi doon kaya nakakatawa. Hindi kasi marunong makinig. Sabi ko namang nandito ka sa Manila, pero pinilit niya pa rin." Naalala ko tuloy kung paano namin ni Tristan pag-usapan ang hukluban na ito no'ng nasa rest house kami. Sinabi ko pa na tinakot ko ang matanda, na totoo talaga pero hindi ko naman alam na alam niya na pala ang lahat ng tungkol sa akin.

"Tapos, last time, no'ng nalaman niya na pumunta ka ng Barcelona? He rushed and bought a plane ticket para mabilis daw at makita ka niya agad tapos he called me kinagabihan that same day just to tell me that you introduced him to a monkey and you said daw na he was your boyfriend and he would kill the monkey for you," amazed na amazed naman na sabi ng matanda na halata namang sobrang natutuwa.

Akala ko ba one week before ako makapunta doon, nandoon na siya? So, nagsisinungaling lang siya no'ng time na 'yon sa akin?

Hindi ko na tuloy alam kung anong mararamdaman. Ano ang dapat kong paniwalaan? Napatingin kaming pareho ni hukluban sa kakarating lang at agad ko nang napansin ang pagbabago sa tingin ni Tristan. He looks furious. Parang anytime ay makakapatay siya ng tao kapag hindi siya napigilan. Bigla akong natakot, hindi para sa akin, pero para sa kaniya. Lalo na nang makita ko ang kasunod niyang lalaki na may pasa sa may gilid ng labi.

Umupo si Tristan sa tabi ko at parang walang pake sa Lolo niya na nasa dulo ng mesa nakaupo. Tatlo na lang sila magkasama pero ang haba pa rin ng mesa at ang daming upuan. Ilang multo nga ulit ang pinapakain nila?

Naghihintay ako na may magsalita. Bigla kasing natahimik si hukluban nang dumating ang dalawa. Tumingin ako sa harap ko para lang makita ang nakatitig na lalaki. Yes, he's gorgeous para sa isang lalaki pero ramdam ko ang pagiging superior nito. Siya na ba ang Kuya ni Tristan? Si Phoenix 'Dark' Mendiola?

Ngumisi ito sa akin na ikinagulat ko at mas lalo akong nagulat sa sinabi nito,

"Hi gorgeous Guevarra, how does it feel being played with Black? Does he makes you scream in the bed whenever you play with him? Or you're tied up like a victim, while he's biting you and kissing?" Mas lumawak ang ngisi nito nang tumayo bigla si Tristan.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now