Kabanata 16

8 1 0
                                    

Kabanata 16

Pagkapasok ko sa building ng Guevarra Group of Companies ay nakuha ko agad ang atensyon ng mga empleyado ko. Lahat sila ay natatarantang pumunta sa kaniya-kaniya nilang puwesto na animo'y may pumasok na nakakatakot na tao. What a shame. Nawala na ako ng isang buwan at lahat, takot pa rin sila sa akin? Kailan ba sila magbabago? Hindi naman ako si Ana Manalastas para maging gan'to sila. At sino ba si Ana Manalastas?

"What's for today Ms. Valene?" I asked my secretary. She was just following me hanggang makapasok kami sa loob ng elevator. Pagkasara nito ay huminga siya nang maluwag.

"Intense talaga boss kapag nandito ka. Everyone seems to be afraid of you." I heard her chuckle kaya inirapan ko siya. Ang layo ng sagot niya sa tanong ko.

"What's my appointment for today, Ms. Valene?" Tss. Should I repeat it again?

"Oh, I'm sorry. But you have a meeting with Mr. Mendiola, boss. Later at 3 in the afternoon. He wants to open a contract with you about furnitures. They're one of the progressing businesses that holds numerous high class suppliers of different kind of furnitures, and they want to negotiate with us para daw tulungan ang business natin." What a shame. Mukha bang kailangan ko ang tulong niya?

"Hindi pa rin ba siya pagod sa pag-pursue ng kagustuhan niya? Ilang buwan na 'yan ah. Sabi ko naman na mayroon na tayong supplier para sa kailangan natin for the units. We don't need them." Naaasar ako. Palaging sinisira ng Mendiola na 'yan ang araw ko kapag nasa trabaho.

"At this moment Ma'am, we can't do anything but to accept their offer. Umatras po kasi ang supplier natin and----"

"WHAT?!" Nagulat naman si Valene sa bahagyang pag-sigaw ko. Sakto namang bumukas ang elevator kaya dumiretso ako sa loob ng office ko.

"Ma'am, umatras po sila for some reasons po. No'ng wala po kayo, Ms. Pear tried to reach them out pero hindi po niya nagawa. May nagreklamo din po kasi sa furnitures nila kaya po sila umatras. Ayaw raw po nilang masira ang kumpanya kaya po, sila na ang umatras." What a shame. Anong klaseng reason 'yan? Halata namang may binabalak si Mendiola dito e'. He really love ruining everything! Hindi na ako nagulat nang malaman kong marami ang gustong mag-invest sa kaniya dahil magaling siyang magpa-ikot ng tao.

"Anong sabi ni Mr. Chu about dito? Is it okay for him para umatras na lang?" nanghihinayang kong tanong.

"As what I've said Ma'am, sila po ang kusang umatras dahil ayaw po nilang masira ang kumpanya niyo, kaya yes Ma'am. Mr. Chu is okay with it." Napapikit na lang ako sa asar. Napaka-aga at ito agad ang nadatnan ko.

I should call Pear about this issue. I bet, she knows well kung ano ang nangyayari. Haist.

"Ano pa?" I asked Valene as I opened my laptop.

"The contract with Mr. Mendiola, Ma'am. He wants you to sign it later." Oh goodness. How can he be like this? It's like he wants to manipulate everything.

"You know much how I hate the guts of Mr. Mendiola, Valene. Now, I want you to find a new reliable supplier of furnitures for the units para may reason tayo para hindi pirmahan ang kagustuhan ni Mendiola. Ayokong masira ang kumpanya dahil sa kaniya. Not the company I brought to the top." Yumuko lang si Valene at agad nang lumabas. Tumayo naman ako para makapag-isip isip. Kita ko mula dito sa office ko ang tatlong malalaking building na pag-aari ng Guevarra, ang pagmamay-ari ko.

We are known as the home of the City because of our bests condominium units. Bukod pa rito, me'ron din kaming high class hotels na madalas ay ginagamit for Elites. Everything is well-managed dahil na rin sa magagaling kong empleyado. Hindi lang naman kasi ako ang dahilan kung bakit ngayon ay isa kami sa malalaking kumpanya. Ang dahilan kung bakit kami nasa taas ay dahil sa mga hard-working kong employees.

Bukod pa doon, me'ron kaming mga tapat at magagaling na investors and stockholders kaya naman hindi ako papayag sa kung anong binabalak ni Mendiola.

The Mendiola Incorporated.

They were honestly what my company needs at this time but I can't just invest to some kind of man that manipulates everything around him. He was known by the black propaganda. At madumi talaga siyang gumalaw. He's also known as "Dark" because of his 'dark gawain'. He's also involved in that so-called black organization kaya ayokong magkaroon ng kung anong relasyon between him and his company.
Hindi lang din furnitures ang me'ron sila. They also produces wines and liqours. Baka nga involved din 'yan sa droga e'. Tss.

Ang alam ko, Mendiola has a brother and hindi ito nagpapakilala. Kahit naman pala si "Dark" ay hindi masiyadong kilala dahil siguro ay ayaw nilang ma-involve sa media. They do their work, safe and sound.

Napailing na lang ako. Alam ko naman na nagtatago ngayon si Mr. Chu at baka umiihi na 'yon sa pants niya habang kaharap si Dark Mendiola. What a shame.

Kaya mahirap ang gan'to e'. Matapos ang isang buwan, malalaman ko ginugulo na ni Mendiola ang company ko. Balak niya bang pataubin ang kumpanya na pinagsikapan ni dad para sa sarili niyang kagustuhan? At ano bang gusto niya? Kumpara naman sa kaniya ay wala lang ang kumpanya ko. Does he want something from me, perhaps? Or baka may iba pa siyang plano?

Napaupo na lang ako sa swivel chair ko, while thinking what are the possible plans of a "Dark" Mendiola.

"Could it be..." What a shame. Hinding-hindi ko ipapagamit ang isa sa mga high class hotel ng Guevarra para lang sa Organization na me'ron siya or para sa kung ano pang illegal na gawain. Tss.

Mabilis kong kinuha ang phone ko and dialled Pear's phone number. Alam kong busy ito ngayon sa kaniyang flower shop but at least, give me some time and tell me everything happened here in the company while I'm gone.

"Bobits!" Bungad ko agad sa kaniya and, "Bakla! Ano ka ba naman, you sound like rushing." What a shame. I almost forgot why did I called this woman.

"Tell me what happened," I said. I'm bothered. Kahit kailan kasi ay hindi pa ako kinabahan sa isang meeting at oo, tama, umaamin na ako. Kinakabahan ako sa magaganap na meeting together with Mendiola.

"What happened? Happened? What happened?" Parang walang alam ang bruha. Napahawak na lang ako sa sintido ko. Walang kuwenta.

"Hoy bakla! Omg." Psh. Ang sarap sulsulan ang bunganga ng tissue. Nakakaasar.

"Hmp, may chika pa naman ako tungkol kay Mendiola tapos----"

"Anong chika?" agad kong tanong nang marinig ko ito mula sa kaniya. Ayan, medyo gumana na ata ang utak niya sa pananahimik ko. Buti naman at nakakaramdam ang babaeng ito.

"Ayon nga! Nalaman ko pangalan niya!" Dzuh. Pake ko naman sa pangalan-- Oo nga pala. I just knew him by his nickname 'Dark' and not by his real name. Kasalanan ko rin bang hindi magbasa ng contract papers na binigay ni Valene sa akin kanina?

Hindi ko pinansin si Pear nang makarinig ako ng katok mula sa labas. Agad kong pinatay ang tawag ni Pear without telling her good bye at pinapasok ang kumakatok, just to see Valene standing at my door,

"What's wrong? Don't you know how to use your telephone and just call me from your spot?" Tss.

"Sorry Ma'am, nausog po kasi 'yong oras ng meeting natin." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Valene.

"What the hell Valene? Paanong mauusog 'yan? Sinong nagpausog?" Asar. Ano na naman bang balak ni Mendiola?

"Sorry Ma'am, nandito na po kasi si Mr. Mendiola. Nagmamadali po. May mga appointments pa raw po siya e'." What!? So, ako dapat maga-adjust?

"Cancel the meeting. Kung may appointments siya, tell him to cancel the meeting with me. Ayokong makaabala." Hindi na nakakatuwa si Mendiola. Literal na naaasar ako.

"May dalaw ka ba?" Napatayo ako at agad na napatingin sa pinto nang marinig ko ang sexy at hot na boses na 'yon.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para akong mauubusan ng hangin sa lungs ko at medyo pinagpapawisan ako dahil sa presensya ng taong nasa pinto. That man. The same man who left me at the beach nang hindi nagpapaalam.

"What are you doing here?" Ngumisi siya and made his way palapit sa akin. Napalunok ako ng sarili kong laway nang ilapit niya ang mukha niya sa may pisngi ko and whispered,

"You're still gorgeous, my kitten."

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now