Kabanata 2

33 4 2
                                    

Kabanata 2

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatanaw sa magandang tanawin sa harapan ko. Ang paglubog ng napakagwapong haring araw. Natutuwa ako sa tuwing lumulubog ang araw dahil para sa akin, isa itong senyales na may hangganan ang lahat. At hindi lahat ng hangganan ay nagtatapos na hindi kagandahan. Tulad ng paglubog ng araw na nagpapakita lamang ng kagwapuhan.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi ko dahil para akong nababaliw. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matakot sa sarili ko dahil minsan nakikita ko ang sariling tumatawa mag-isa. What a shame. Nakikita ko ang sarili ko? Paano ko nakikita ang sarili ko? Multo na ba ako?

Nanlalaki ang mga mata ko at agad napahawak sa malulusog kong dibdib na baka ay hindi na mahahawakan ng kahit sinuman. Agad akong napangiti nang mapait dahil ramdam ko mismo sa sarili ko na malungkot ako.

"Kaya ko siguro kinakausap ang sarili ko dahil malungkot ako." Napapatango na lamang ako.

"Oo, tama. Malungkot ako." Malungkot ako sa buhay ko. Malungkot ako dahil may kompanya ako, sariling kotse, bahay, lupa, pera, mga alahas at ilang pirasong credit cards pero hindi pa rin ako masaya. Malungkot ako kasi hindi ako masaya.

Tama. 'Yon nga ang dahilan kung bakit ako malungkot. Mas lalo ko lang napagtanto na hindi mabibili ng kahit ilang milyon ang kaligayahan. Kahit gaano ka pa kayaman, kung mag-isa ka naman sa buhay ay walang kuwenta lang 'yon dahil hindi yon ang tunay na kaligayahan.

"Kanina ko pa napapansin na nakahawak ka sa dibdib mo, Miss. Baka gusto mong tulungan kita?" Napalingon ako sa nagsalita at nakakita ng unggoy. May dala itong bote ng alak at alam ko na agad na isa itong lasing at may kalibugan sa buhay.

Tumayo ako at pinagpag ang puwetan ko dahil nakasuot ako ngayon ng two-piece. Tss. Balak ko kasing mag-night swimming sa dagat kahit delikado pero nawalan ako bigla ng gana dahil sa lalaking nasa harapan ko.

"No need Kuya. Kaya kong magsarili." Kaya ko naman talagang magsarili. Kahit wala pa akong first kiss ay may pangangailangan pa akong iba bukod doon. Nabuhay ako ng twenty-six years at sobrang boring ng buhay ko kung sa pakiramdam 'down there' ay wala akong alam.

"Oh, hayaan mong sirain ko ang vibrator mo kung me'ron man at ako na lang ang kakalampag sa 'yo." Nandidiri ako sa naririnig. Nandidiri ako sa kaniya pero mas lalo akong nandiri nang hawakan niya ang braso ko at bahagya itong pisilin.

"Bastos ka!" Sinampal ko siya nang pagkalakas lakas na ikinangisi niya lang. Agad niyang binitawan ang boteng hawak niya at tumingin sa akin na may galit sa mga mata, "Walang hiya kang p*ta ka!"

Hinawakan niya ang magkabila kong braso at nang malapit niya nang halikan ang leeg ko'y agad kong sinipa ang bayag niyang sa tingin ko'y inaamag na. Nabitawan niya ako kaya mabilis akong tumakbo palayo sa kaniya.

Akala niya sa akin? Gusto ng gano'n? Sabi ko naman, kaya kong magsarili.

Nakita ko na papalapit na siya kaya mabilis kong hinila ang lalaking nasa harap ko, kahit busy itong nakikipag-usap sa hindi ko mawari kung mga kaibigan niya ba, at agad kumapit sa braso nito, "What the hell?" reklamo pa nito pero agad ko siyang hinarap sa humahabol sa akin at,

"Sige, ituloy mo. Ituloy mo't hahayaan kitang patayin ng boyfriend ko." Alam kong naguguluhan ang lalaking hawak ko sa braso ngayon at wala siyang pakialam sa akin pero nagulat ako nang alisin niya ang pagkakahawak ko sa braso niya't hapitin ako sa bewang.

"Back off, old hag. Baka gusto mong bangasan ko ang mukha mong parang unggoy?" What a shame. Hindi lang ako ang nag-iisang unggoy ang tingin sa kaniya. Napangisi ako't agad bumelat. He just raised his middle finger up while walking away and I was surprised when the guy beside me also raised his middle finger, and even shouted that 'horrible f' word.

Doon lamang ako huminga nang maluwag at napaupo na lang ako sa buhangin dahil sa panginginig ng tuhod ko. Sinong babae ang hindi matatakot? Kung hindi ako malakas ay malamang, na-rape na ako ngayon o kaya'y lumulutang na sa tubig. I felt molested. Hindi dapat ginaganoon ang mga babae. Ladies shouldn't be treated like something to be cummed or if I even know what I'm talking about. I was just saying that I don't want that same thing happen again after few years of moving on from what my sister experienced. Ladies were so precious and I couldn't understand why some seems to be treated like a toy or sort of a game.

"Are you okay?" Tiningnan ko ang lalaking nakaluhod ngayon sa harap ko at agad kong napansin ang mapupula niyang labi. Para akong inaanyayahan nito to taste how sweet or sour or bitter it is. Napapikit ako madali at napahawak sa aking sintido. After all that what happened, 'yon pa rin ang naisip ko. I'm unbelievable. Pati ako ay naloloka sa sarili ko.

Again, I looked at the guy in front of me and tried to show my sweetest smile. Hindi ako gan'to pero I think, he deserves my smile. After all, he saved me from that bastard. Kung hindi niya siguro sinabayan ang gusto kong ipahiwatig kanina nang humigpit ang hawak ko sa braso niya'y, malamang wala siya sa harap ko ngayon. Baka kasama ko ang unggoy na 'yon at baka pinagpipiye--- ayaw ko na isipin.

"Thank you," I whispered.

"Thank you for the help. I almost forgot na I studied martial arts at kaya ko naman depensahan ang sarili ko pero pinangunahan pa rin ako ng takot. Naabala tuloy kita, thank you and pasensiya." Tumayo ako nang matapos ko na itong sabihin at agad nang naglakad palayo.

Tinatawag niya pa ako pero hindi ko na lang siya pinansin. Masiyado kasing malinaw sa isipan ko ang pagmumukha niya. His magulong hair that suits his mapulang labi, pati na rin ang mahaba at makapal niyang lashes at ang jet black color niyang mga mata. The kaunting freckles on his cheeks and hindi ko talaga makalimutan ang perfect shape ng kaniyang mapulang labi. Gah. I must be insane. Napailing na lang ako sa naiisip. Masisiraan na ako ng bait because of that damn kiss na baka sa pagkamatay ko pa makukuha.

Pero sino ba 'yong lalaki? Pamilyar siya sa mata ko pero hindi ko alam kung nakilala ko na ba ito. Oh well, itutulog ko na lang 'to para magising ako nang maaga tomorrow.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now