Kabanata 20

10 2 0
                                    

Kabanata 20

Muli akong napahinto sa ginagawa ko at hinawakan ang labi ko. Naaalala ko pa rin ang init ng kamay ni Tristan sa mukha ko mula sa nangyari kagabi at nakakaasar dahil ang pakiramdam ng pagdampi ng labi niya sa labi ko ay hindi ko maalala. What a shame. Paano ko maaalala kung nabigla ako? Dapat siguro hindi binibigla 'pag hahalik noh, para ramdam at lasap 'yong sarap. Ugh. Dahil sa nabalik nga ako sa huwisyo, ulirat o diwa kagabi ay hinatid niya pa ako sa unit ko at binigyan pa ako ng forehead kiss bago umalis.

Naalala ko rin ang pinaggagagawa ko kagabi. Nag-search kasi ako ng iba't ibang types of kisses dahil sa nangyari. Now, I could tell what his kiss was pero chars lang dahil hindi ko pa pala nababasa 'yon. I just searched what are those but I haven't read it yet. Para kasing bumabalik sa utak ko ang mukha ni Tristan at ang mga sinabi niya before he left. He said, "Your lips are the sweetest. Sana maulit." tapos nag-wink pa siya. What a shame. Doesn't he know that what he did was illegal? Parang mas lalo lang akong nahulog e'. And I almost forgot huh! Ang hamog na 'yon na may mapupulang labi, gusto ako ligawan! Before kasi kami lumabas ng kaniyang car ay hinawakan niya ang kamay ko tapos akala ko hahalikan niya ulit ako pero magpapaalam lang pala siyang liligawan niya ako. Tapos ang baliw nga kasi sabi niya, "I take no as an answer." Like dzuh, bakit pa siya nagpaalam? Kaasar.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito, at hindi ko alam ang mararamdaman nang mabasa ko agad ang message na narecieve ko.

"Good morning, my kitten," pagbasa ko rito. Otomatik. Si Tristan ang nag-text! What the hell? Where did he got my number!?

Hindi ko na lang pinansin at hindi na nag-reply. Akala niya ba papatulan ko ang ginagawa niya? Nilalandi niya lang ako, okay. Psh. At isa pa, ayoko siyang makita! Nahihiya ako. Naaalala ko lang kung ano ang mga pinagsasasabi ko kagabi!

Nagulat ako nang bigla na lang tumunog ang phone ko kaya dali-dali ko itong sinagot without looking who's the caller is.

"Hey." Tiningnan ko ang screen ng phone ko just to check it out dahil baka nabingi lang ako but, no, the number is unregistered kaya sigurado akong si Tristan ang tumatawag. What a shame.

"Hey, sweetie." Oh god. Stop Tristan, binabaliw mo ako.

"Baby," rinig ko ulit kaya nakagat ko na ang ibabang labi ko.

"Tristan, what do you need?" Shoot. Paano ko siya kakausapin?

"Aw. Akala ko, you'll call me Paxy and will greet me a great morning pero hindi. Umasa lang ako. Sakit naman, kitten." Psh. Sabi ko nga, medyo hard to get ako. Ayaw kong patulan ang ginagawa niya.

"Please stop beating around the bush, Tristan. Tell me what do you need dahil busy ako. Ayokong maabala so kung wala kang sasabihin, I'll end this call na lang." I heard him heaved a sigh at medyo nawala pa siya sa linya. Maya-maya lang ay may kumakatok na. Bigla akong kinabahan.

"Come in," medyo malamig kong sabi. Medyo lang kasi ayoko mabansagang cold na bida. Gusto ko, 'medyo cold na bida'. Hehe.

Bumukas ang pinto and to my surprise, si Tristan ang bumungad sa akin at may dala siyang bouquet ng red roses at isang cup ng coffee? Anong ginagawa niya? Aw. Bakit ko tinatanong? Atsaka, talaga? Na-surprise ako? Didn't I expect him to be here this morning? Dzuh.

"Mr. Mendiola, ang pagkakatanda ko ay wala tayong meeting ngayon at napirmahan ko na ang kontrata. Ano pa ang kailangan mo?" Kaasar. Muntikan akong mawala sa poise dahil sa biglaan niyang pagpasok. Pinatay ko na rin ang tawag dahil para saan pa?

"Sweet. Ang ganda namang bungad niyan sa umaga ko, oh. Easy, my kitten. Take this coffee para maging maaliwalas naman ang umaga mo. Akala ko naman, magiging maayos ka sa halik ko e', parang----" I glared at him kaya ngumisi naman siya sa akin.

"Shut up Tristan. I don't want to see you today, kaya please, just go." Nakakaasar. Nagpunta ba siya rito para asarin ako? Akala ko ba---

"Nililigawan kita, remember? So, stop glaring and just focus baby. Aalis lang din naman ako. I know how much you love to drink coffee every morning kaya, eto, I bought a latte for you." Napailing na lang ako. Pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti. Ayokong malaman niya na kinikilig ako.

"I don't want a latte----" Pinutol niya naman ang sasabihin ko kaya napatingin ako sa kaniya,

"Because you love Americano. But sorry baby, I don't want you to focus just to yourself. Please also focus on me. 'Wag mong ikulong ang sarili mo sa sarili mong mundo. Gusto ko rin na libutin mo ang mundo ko." Ulol. Gusto niya lang ako painumin ng latte, ang dami pang satsat.

"Okay, okay. Just, go. Ayoko munang makita ka. Hindi ko kinakaya kaguwapuhan mo e'." Natawa naman siya sa sinabi ko at mas lalong napangiti. What a shame. Mas lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko.

"Alam ko namang guwapo ako, pero mas masarap palang marinig mula sa 'yo na guwapo ako. Haha, gusto mo ng kiss? Parang gusto ko e'." What the fuck? Ano siya? Adik? Adik sa lips ko? Chars. We just kissed once kaya medj baliw lang ako at exagg.

"Ewan ko sa 'yo." Kaasar. Dami pang satsat. P'wede naman sigurong umalis na siya noh?

"Oo na, sige. Aalis na ako, pero babalik ulit ako dito mamaya okay? I'll pick you up at 6 tapos, dinner tayo. I want to eat you, ay este, eat with you pala." Parang tanga si Tristan. Grabe. Gan'to ba talaga ang totoong Tristan na nakasama ko sa beach?

"Ang landi mo. Ikaw ba si Tristan ko?" Ang laki na naman ng ngiti niya sa narinig. Mapupunit na ata ang labi niya sa kakangiti e'. Sayang naman if ever, isang beses pa lang kami nag-kiss e'. Atsaka akala niya siguro siya lang marunong lumandi ano. Nako, nagsearch pa ako kung paano lumandi kaya dapat he knows how to appreciate it.

"Opo, ako nga 'yong Tristan mo. Hindi lang simpleng Tristan pero, ako 'yong future mo." Oh god. Nakakasuka ang mga banat ni Pax Tristan Mendiola! Parang star sa starbucks kasi ikaw ang star ng buhay ko. What a shame. Imbis kiligin na tuloy ako e' naasar pa ako.

"Kadiri ka, maghunos dili ka nga Tristan. Lumayas ka na sa harap ko, I'll just wait you mamaya. Gora na ghorl! Naasar lang ako sa 'yo. Bangasan kita later!" He raised his hands like surrendering from something at patawa-tawang umalis sa harap ko. Pero bago niya pa man sarhan ang pinto ng office ko ay tinawag niya ulit ako kaya nilingon ko siya, just to see him sending flying kiss for me.

What a shame. Ako ang nahihiya kay Tristan. Goodness. Hindi man lang siya tulad sa ibang hot na lalaking kinukwento sa akin ni Pear na may umiigting na panga tapos sasabihing, "Baby, let's talk."

Kaloka ah. Sarap bangasan ni Tristan ghorl.

At ako naman, medyo may bago na sa akin ah. From masungit, medyo maingay na ako. Nako po. Ano bang ginawa sa akin ni Tristan? Masungit ako, remember?

---

Author's Note:

Ayan, medyo nabaliw ako. Feeling ko, biglang out of charac 'yong mga sinasabi ni Cleo hahahaha. Dzuh, may dalaw siya ghorl kaya hayaan niyo muna siyang medj magsaya. May paglalagyan din 'yang kaligayahan niya. Hmp!

And baka medj last na UD ko muna ito sa ngayon dahil ubos na load ko tom! Tama, tomo pa kaya ayern nga. See yah next time! Chars.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now