Kabanata 31

7 1 0
                                    

Kabanata 31

Nakuwento ko na lahat sa ina ko at eto siya sa harap ko, kasalukuyang pinapaypayan ng kaniyang best mayordomang baklang si Vicks. Hay nako. Nawalan ng malay ang ina nang ikuwento ko ang lahat at nang sabihin ko sa kaniya ang sinabi sa akin ni Tristan na dapat kong sabihin, "I'm getting married." Ayan at bigla si inang nahimatay sa sahig.

"Kabigla-bigla ka naman kasi Patrang!" naibulalas na lang ni Vicks. Pinanlakihan ko nga ng mata dahil palagi niya akong tinatawag na Patrang. Hmp. Akala niya ba close kami medj?

"Eh sabi ng boyfriend ko 'yon ang sabihin ko kay mom e'. Dzuh, ano magagawa ko? Isa akong masunuring girlfriend," tugon ko rito.

"Kabogabols ah! No'ng nakaraan lang nakuwento ni mamc mo na wala kang nobyo, ngayon, papakasal ka na! Aba ija, hindi minamadali ang kasal," sabi nito.

"At hindi minamadali ang apo, Vicks. Ngayong mag-aasawa na ako, parang tutol pa ang ina ko. Ano bang dapat kong gawin? Aish." Napailing na lang si Vicks sa sinabi ko. Maya-maya lang ay nagising na si mama at agad ako nitong niyakap nang mahigpit.

"Anakis, nako. Hindi ko naman alam na gan'to ang magiging balita mo. Isang pasabog naman iyon anak, hindi ka man lang nagdahan-dahan!" naibulalas ng ina ko at itinaas pa ang kamay na parang 'pasabog'. Gano'n.

"Mom, gusto ko lang hingin ang basbas mo. Hindi rin magtatagal ay pupunta dito si Kuya at siya na ang bahala sa kumpanya. Kaya ayan mom, hinihintay ko na lang talaga ang sasabihin mo. Alam ko naman na papayag ka e'. Si Tristan lang talaga ang nagsabi na pumunta ako sa 'yo dito at magpaalam." Matapos kong sabihin 'yon ay nagkatinginan ang dalawa. Si mayordoma at si mama.

"Tristan?!" sabay pa nilang sabi. Tumango tango naman ako dahil dito.

"Opo. Pax Tristan Mendiola, po."

"Pax Tristan Mendiola!?" sabay ulit sila. Teka, anong me'ron? Bakit sila gan'to? Ayos ang reaksyon nila ah. Parang well trained dogs. High breed dogs.

"Omg anakis, 'yong tinutukoy mo ba, 'yong lalaking may mapupulang labi?" sabi ni mama kaya tumango ako.

"'Yong matambok ang puwet?" sabi naman ni Vicks. Sinamaan ko nga ng tingin. Bakit alam niyang matambok ang puwet ng boyfriend ko!?

"Bakit mo alam?" Nag-flip ito ng hair at umupo sa sofa. Oo nga pala, nasa sahig pa rin kami. Si mama kasi!

"Duh, nandito 'yon noong nakaraan at nililigawan ako!" Nakita ko ang pagkalabit ni mama kay Vicks kaya pinanliitan ko 'to ng mata. Niligawan?

"Anong niligawan?" Napaiwas siya ng tingin kaya tiningnan ko si mama. Umiwas din si mama ng tingin kaya tumayo ako at umupo sa couch at ipinagkrus ang mga braso ko. Aba, may tinatago ang dalawang ito.

"Sabihin niyo ngang dalawa, pumunta ba dito si Tristan?" Sabay naman silang tumango. Oh?

"Anong ginawa niya dito?" Ghad.

"Hmm, madalas siyang pumunta dito para bigyan kami ni mamc ng flowers tapos pinagluluto niya kami. Pinapasok namin kasi sabi niya boyfriend mo raw siya at ayon, may mga plans na daw kayo tapos ang dami niya pang sinabi na kung ano-ano. Kaya nga itong mama mo ih, hiningian ka ng apo no'ng nakaraan kasi guwapo raw si Pax Tristan kaya gusto niya na bigla magkaapo." Nahilot ko ang sintido ko sa mga narinig. Madalas pumunta dito si Tristan? Tapos hindi ko alam? Tapos gulat na gulat pa sila kanina sa sinabi ko? Tapos ano, habang nililigawan niya ako, nililigawan niya rin ang dalawang ito?

So 'yong mga iniisip kong masama sa kaniya noon, na baka ipagpalit niya ako sa iba, na baka nangbababae siya kahit nililigawan niya palang ako e' hindi talaga totoo? I mean, puro duda lang sila? Sila mama ang nilalandi niya? Oh god, Tristan. Iba ka magtrabaho aba. Ang dami ko talagang tanong diyan kay Tristan 'pag nagkita kami. Lagot 'yan sa akin.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now