Kabanata 18

7 0 0
                                    



Kabanata 18

Saka lang ako nakahinga nang maluwag paglabas ni Tristan sa pinto ng office ko. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko at buti na lang ay hindi pa ako namamatay. What a shame. Hindi naman siguro napansin ni Tristan na medyo ilang ako 'di ba? Siguro nga hindi. Atsaka, bakit ako maiilang? Dzuh, pabebe.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Sinagot ko agad ang tawag nang makitang pangalan ni Pear ang nakalagay. Problema ng babaeng 'to?

"Oh?" Natakip ko agad ang tainga ko nang tumili ang bobita sa kabilang linya.

"Wha the fuck? P'wede ba, hindi ako bingi!" Tss. Nakakaasar. Dagdag lang siya sa kabuwisitan ko ngayong araw.

"Ihhhh, naman ih! May good news kasi ako!" excited na sabi niya. Anong good news?

"Ano?" Masiyado kasi siyang ewan kaya iniisip ko kung ano dahilan ng pagka-engeng ng babaeng 'to.

"Nakakuha na ako ng card para maka-access do'n sa bar!" Bar? Anong bar? Teka, 'wag mong sabihing...

"Tell me you're joking, Pear. Damn. 'Di nga?" Wala pa man siyang sinasabi pero ang lawak na agad ng ngiti ko. Ghaaad.

"Oo nga! May access na ako sa One Peace!" Shit. Ayos!

"Okay okay, anong oras tayo mamaya? Ghad! I'm excited. What should I wear?" What a shame. Bigla akong na-excite kung anong nasa loob ng high class bar na 'yan. Ang weird man ng pangalan pero bahala na sila!

Sa business world kasi, ang One Peace bar ang puntahan ng ibang investors. Minsan, after ng meeting, para silang feeling teenagers at pinag-uusapan ang iba't ibang klase ng alak na sini-serve doon. Palagi akong nacu-curious kung ano ang nasa loob kaya nag-try ako na pumasok doon, isang beses. Kaya lang, hindi pa man ako nakakapasok ay hinarangan na agad ako ng mga bouncer. Private daw kasi 'yon at mga elite lang ang nakakapasok. Kahit nagpakilala na ako at ginamit ang pangalan ng kumpanya ko ay hindi pa rin nila ako pinapasok. Kailangan ko muna daw ng card nila. Psh. Ang arte nga e'.

"Basta! Ikaw na bahala! I'll pick you up later at 8 okay?" Tumango naman ako na parang nakikita ako ni Pear at napangiti. Buti naman at makakapagpahinga ako. Hay nako. It's time to party!

---

Hinihintay ko na lang si Pear at ready na akong makipagsayawan. Hindi man halata pero malakas akong uminom and I'm a party goer. I drink a lot and I have high alcohol tolerance kaya madalas, matagal bago ako umuwi galing party.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Pear kaya sumakay na ako sa shotgun seat. She was wearing a white croptop, black mini skirt and boots na hanggang knee. Akala mo ay isang dancer. Nakakatakot ang babaeng ito. Well, I just wore a fitted dress na tube and a red platform heels. Ayoko naman kasing magmukhang basahan sa high class bar na 'yon. At malay natin, doon ko na pala mahanap ang magbibigay sa akin ng masarap na halik--- Aish. Hindi pa rin ba ako maka-move on diyan? Psh. Ayokong alalahanin dahil si Tristan lang ang naaalala ko.

"So, nasaan ang pasalubong ko babae?" Nilingon ko si Pear nang magsalita ito. Tumingin siya sa akin nang mabilis at dumiretso lang sa pagda-drive.

"Huwag ka nang umasa. Binigyan ka na ni Kuya, hihingi ka pa sa akin. Psh." Parang tanga. Kulang pa ba 'yong chocolates na binigay ni Kuya?

"Ano ba 'yan. Magkaiba naman kayo ni Eros e'." Wow. Eros na lang? Hindi niya na tinatawag na Kuya ang damuho kong kapatid?

"Kailan mo pa tinawag na Eros ang Kuya ko?" Kanina lang, Cleo. Hindi mo ba narinig? Nag-react ka pa nga e.

"Change topic ka. Ano ba yan, nevermind oo. Pero nga pala, may chika ako!" Ayan na naman siya sa chika niya. Ano ba 'yan.

"Oh, ano 'yon?" bored na sabi ko rito at tumingin na lang sa labas.

"Ang guwapo ng may-ari ng Mendiola Inc!" Oo, guwapo naman talaga si Tristan e'.

"Si Phoenix Mendiola! Kilala mo? Hindi mo kilala noh? Hahaha, wala ka kasi dito. Busy ka sa pagsisisid ng dagat sa Barcelona," nang-aasar na sabi niya. Oo nga pala, si Tristan ang kaharap ko kanina at hindi ang Kuya niya. So, si Phoenix Mendiola ang Kuya niya?

"You mean, 'yong tinatawag na 'Dark' sa business world?" Naging visible naman sa mukha ni Pear ang pagkalito. Oh no, hindi niya pala alam. My bad. Hindi naman pala siya nakikichismax sa business dahil puro guwapong model lang ang gusto niya. Pero paano niya nasabing guwapo? Nakita niya na ba?

"Paano mo nasabing gwapo? Have you met?" Ang alam ko kasi ay hindi 'yon nakikipagkita. Baka naman si Tristan ang nakita niya?

"Oo! May hikaw pa nga sa kaliwang tainga e'!" So tama nga ako. Si Pax Tristan Mendiola ang nakita niya. Napailing na lang ako. Naalala ko na naman kasi kung gaano kaguwapo si Tristan with piercing. Sobrang guwapo niya rin sa long sleeves na white. Sh't. Para akong natutunaw kanina habang kaharap siya. Nanginginig din ang tuhod ko dahil sa kaba.

Hindi niya man lang alam kung paano niya ginugulo ang sistema ko pero gusto ko ulit siya makita. Gusto kong makita 'yong Tristan na nakilala ko sa Barcelona.

"We're fucking here! Yeaaaah!" Napatingin naman ako sa laki ng bar na nasa harapan ng sasakyan ni Pear. Baliw 'tong babaeng 'to, kung makasigaw, akala mo nasa loob na ng bar.

Nauna na akong lumabas at papasok na sana nang maalala kong nakay Pear 'yong card, at kasama ko si Pear. Oh yes, sorry, I just felt excited. Hinintay ko lang nang kaunti si Pear dahil ibinigay niya pa ang susi niya sa chauffeur.

Kinakabahan ako nang i-abot ni Pear ang dalawang color black na card na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Nakakatakot dahil baka maalala ako ng bantay. Iniisip ko kasi na baka ban ako rito. Dzuh, ayoko naman no'n.

Napangisi si Pear nang papasukin na kami at bumulaga sa pagpasok namin ang amoy ng chocolate at cherry. What the hell. Their place is big. Sobrang organized din ng place at parang kumuha pa sila ng magagaling na architecture for the design. And wow, 'yong mga tao, they all look so 'kagalang-galang na nagpa-party'.

"Let's do this Pear! Dapat bukas, hindi na tayo virgin!" Oh ghad. Anong sinasabi ko? Simple. Gusto kong magpakasasa ngayon sa alak and forget about PAX TRISTAN MENDIOLA na may mapupulang labi! I want to forget the man who left me at the beach kahit hindi naman kami! Goodness gracious!

Pero joke lang 'yong dapat hindi na kami virgin. Dzuh.


Piqued by a KissWhere stories live. Discover now