Kabanata 19

8 0 0
                                    


Kabanata 19

Sabi nila, kapag may problema ka, the best na takbuhan ay alak. Which is, I agree. I agree dahil hindi ko naaalala ang sakit nang pag-iwan ni Tristan sa akin. Medyo baliw man ako dahil hindi naman naging kami pero masakit pa rin 'yon noh. Isipin mo na lang, kinausap ka tapos naging magkaibigan kayo, no'ng friends na kayo, ang sweet ng gestures niya sa 'yo, tapos ang gentleman at ang bait pa, pagkatapos no'n, ikaw naman medyo tanga, iisipin mo may meaning lahat ng ginagawa niya. Dahil akala mo may meaning lahat ng 'yon, hahayaan mo 'yong puso mo na ma-fall at dahil na-inlove ka na, masasaktan ka kapag iniwan ka, not knowing hindi ka naman mahal no'ng tao. What a shame.

Pero bakit lahat ng nahuhulog, nababasag? Tulad ko, I just fall inlove pero ito ako, nasasaktan. Mali ba ang magmahal? Ano ba ang meaning ng pagmamahal? 'Yon ba talaga 'yong pakiramdam na mayroon kang butterfly sa tiyan, tapos kinakabahan ka kapag malapit siya sa 'yo? Naguguluhan ako. Inlove ba talaga ako kay Tristan or nararamdaman ko lang ito dahil nasanay ako sa presence niya? Haist.

"Another Bruichladdich, please." Maya-maya lang ay nilapag na ng guwapong bartender ang order ko. Nasa bar counter kasi ako at hinayaan ko muna si Pear na makipaglandian sa kung saan. Dzuh. Hindi ko naman hawak ang kaligayahan niya.

"Any problem, Miss? Parang ang laki ng problema natin diyan ah." Weird. Nasa high class bar ako, pero bakit may basura dito? Tiningnan ko ang lalaking tumabi sa akin at hindi ko na masiyado itong naaaninag dahil siguro, may high tolerance ako sa alak? Hahaha. Joke lang 'yong high tolerance dahil honestly, gusto ko na masuka ngayon.

"Hmm, akala ko ba high class ang bar na 'to Mr. Bartender?" Binalingan ko ng tingin ang guwapong bartender na nasa may counter at narinig ko ang bahagyang pagtawa nito. Sh*t. Nawawala ako sa ulirat. Ang guwapo ng tawa, parang si Tristan ko lang. Chars.

"Akala ko high class bar ito pero bakit may basura dito?" Hindi ko maiwasang dumura sa mukha ng lalaking tumabi sa akin dahil pinisil niya nang bahagya ang legs ko.

Hindi ko alam kung ano ang naging reaction niya pero narinig ko siyang nagmura, "Bastos ka ah!" Nakita kong tinaas niya ang kamay niya kaya napa-poker face naman ako. Palagi na lang akong sinasabihang bastos. Una sa beach tapos ngayon, ito na naman.

"Ops, pare... Not my girlfriend. Hindi ka duduraan niyan kung hindi mo siya binastos." Sa narinig kong boses ay otomatikong inalis ng lalaki ang kamay niya sa hita ko. Napangisi naman ako. Who's her girlfriend? Ako? Dzuh, I'm single bebe.

Tiningnan ko ang nagsalita, just to see Tristan? Hmm. Bakit nandito ang lalaking ito?

"Sorry boss. Aalis na ako." Agad umalis ang lalaki at umupo ang isang hamog sa tabi ko. Anong karapatan niya? Bakit siya nandito? Anong balak niya? Ano? Iiwan niya ulit ako?

"Bakit ka nandito Tristan? Iiwan mo na naman ba ako kaya nandito ka? Hindi mo ba alam na galit ako sa 'yo?" Hindi ito nagsalita kaya kinuha ko ang baso ko at tinungga ang order kong alak na ang hirap sabihin at ang hirap spellingin. Dapat Spirytus na lang e', kaya lang nakakatakot ang taas ng chuchu no'n.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng bar. Gan'to dapat ang gawain e'. Papakalasing tapos kunwari walang alam para hindi na makapagbayad. Hahaha, natatawa na lang ako. Ang dami ko na kasing nabasang eksena sa mga books na pupunta 'yong bida sa bar tapos walang sinabing nagbayad sila. Ngayon, alam niyo na ang technic. Hmm. Tama!

Pagkalabas ko ng bar ay hindi ko alam kung nasa labas na ako hahaha. Ewan, nasa labas na ata ako? Hmm. Kailangan kong puntahan 'yong kotse ko.

Nakita ko ang guwapong chauffeur at hiningi ko ang susi ko. May susi ba ako?


Piqued by a KissWhere stories live. Discover now