Kabanata 25

4 1 0
                                    

Kabanata 25

Kinabukasan ay maaga akong nagising para umalis. I prepared my stuffs and took a shower. Hindi na ako nag-breakfast dahil gusto kong umalis sa lalong madaling panahon. Habang nagsusuot ako ng sapatos ay may sunod-sunod na kumatok sa unit ko. Ang lakas ng mga katok nito na parang balak niyang sirain ang pinto ko.

Agad kong pingbuksan ang galit na galit na kung sino para lang makita ang mukha ni Tristan. Hindi ko na naman alam ang dapat kong i-react. Parang nabuhayan ang puso ko, kasalungat ng iniisip ko. My heart suddenly beats fast and my mind was telling me to kick him out of my room lalo na nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin. He was looking intently at my eyes and there, he was slowly drowning me with his stares, again. He hold my hand that sends shivers down to my spine kaya naman ay nabalik ako sa ulirat.

Bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito? Ayaw kitang makita, please, umalis ka na." Nang itutulak ko na siya ay agad niya akong niyakap nang mahigpit. Niyakap niya ako na parang pinaparamdam niya sa aking ayaw niya akong umalis, o makawala. Ikinulong niya ako sa mga braso niya at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Please... Tristan, let me go. Aalis ako kaya hayaan mo na ako," nagmamakaawa kong sabi dito. Pero parang bingi ang lalaking nakayakap sa akin.

Ibinaon niya ang ulo niya sa may leeg ko na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko. Bigla ay hindi ko na alam ang gagawin. Sinara niya nang dahan-dahan ang pinto habang nakayakap pa rin sa akin, at mabilis niya akong sinandal sa pinto. Para siyang kinakapos sa paghinga. He breathes heavily at lalo niya lang siniksik ang sarili niya sa akin. He was like telling me to let him rest in my arms. He was telling me that he missed me so much. Ayokong paasahin ang sarili ko pero 'yon ang nararamdaman ko. Parang matagal niya ng pinipigilan ang sarili niyang gawin ito at ngayon, he's doing it, freely. Dahil medj marupok nga ako, ay hindi ko siya magawang itulak. Parang nakalimutan ko ang mga nakita ko. Ayan, ang sarap kong batukan.

"T-Tristan..." Hindi siya lumayo sa akin at mas lalo niya lang akong niyakap.

"Cleo baby,"

Rinig ko ang bigat sa boses ni Tristan. Medyo pumiyok pa siya kaya ramdam ko na para siyang iiyak.

What? Si Tristan? Iiyak? Weh?

"I know I'm a bastard but I'm sorry. I'm really sorry. I'm sorry to let you see it. I didn't mean to do it. Gusto kong sabihin sa 'yo lahat but I'm afraid I can't. Hindi ako malaya Cleopatra. Nakatali pa ako sa kamay ni Kuya. At kahit alam kong ikasasakit mo lahat ng pinapagawa niya ay ginagawa ko dahil ayaw kong mapahamak ka. Ayokong mawala ka." Naguguluhan naman ako sa sinabi ni Tristan.

"Hindi ko maintindihan," tugon ko rito. Kumawala siya mula sa pagkakaipit niya sa akin, dahil dzuh, inipit niya lang ako sa mga bisig niya. It's not a hug. Namali lang ako kanina.

"Look, kapag tapos na lahat? I promise to tell you everything. We'll be happy together. Wala ng balakid. Wala ng magiging problema. Ngayon, gusto ko lang na magtiwala ka sa akin. Sa akin ka lang makikinig, ako lang ang susundin mo. Kung may mangyari man sa mga susunod na araw, gusto kong tatagan mo ang sarili mo. Ayaw kong mapunta ka sa iba, ayoko ring mapahamak ka. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka, gusto kong ikaw ang maging ina ng mga anak ko. Baby, gusto kong malaman mo na mahal kita. Mahal din kita. Sobrang mahal kita. Everything na ginawa ko sa 'yo? Seryoso 'yon lahat. Seryoso ako sa 'yo." Ngayon ko lang napansin na hindi niya suot ang hikaw niya. Magulo din ang buhok niya. Medj mapula rin ang magaganda niyang mata at dry ang lips niya. Para siyang walang pahinga. Para siyang hindi natulog kagabi. Iniisip ko tuloy na baka may nangyari sa kanila ni Kathy pagkaalis ko pero sabi niya nga, sasabihin niya sa akin lahat. Kailangan ko lang maghintay.

"Hindi kita kilala, Tristan. Hindi ko alam kung saan ako maniniwala. Gusto ko lang naman na mahalin ka, makilala ka lalo at makasama ka pero parang ako lang ang may gusto no'n. Akala ko, ako lang dahil lahat ng pinapakita mo? Parang hindi mo gusto. Parang ginagawa mo lang 'yong para paglaruan ako." Iniwas ko ang tingin ko sa mga titig na ipupukol niya sa akin. Ayokong panghinaan ng tuhod at madala sa lungkot na me'ron ang mga mata niya. Parang nagmamakaawa ang mga ito na intindihin siya pero paano ko 'yon gagawin?

"I love you, baby. I love you." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, tiningnan ko siya at ako ang nahihirapan sa kaniya. Para siyang may gustong sabihin na hindi niya masabi-sabi sa akin. Hindi ko alam kung saan mangangapa.

"Sinong kasama mo kagabi?" hindi ko maiwasang itanong. Gusto ko lang ng kumpirmasyon.

Umiwas siya ng tingin at binitawan ang pisngi ko. "Si K-Kathy..." Para na naman akong sinaksak ng ilang milyong beses. Pumasok sa isip ko ang mga posibleng ginawa niya kasama ang babaeng 'yon.

"Nandito ka ba para sabihin lahat ng sinabi mo at paniwalain ako sa mga narinig ko? Tristan, saan ako maniniwala? Ano? Gulong-gulo na ako!" Napasigaw na ako dahil hindi ko na alam! Pati ako ay naguguluhan sa walang kuwenta naming storya! Palagi kong tinatanong, sino ba si Tristan? Ano ba siya? Tao ba siya o hayop? Kung hayop siya? Anong klase siyang hayop?

"Sagutin mo ako, sino ka ba talaga Tristan? Please, sabihin mo naman. Parang wala kasi akong alam na tungkol sa 'yo." Ngumiti siya nang mapait,

"Baby, ako ito, si Tristan na nakilala mo sa beach. 'Yong Tristan na pinagluto mo ng sunog na hotdog, Tristan na nakasama mo sa bangka, ang Tristan na nakasama mong matulog sa kubo. Ang Tristan na manliligaw mo. 'Yon lang ako, Cleo, gano'n lang ako." Gano'n lang ang alam ko pero kasalungat nito ang iniisip ko. Na parang may malaki akong mahalagang dapat malaman tungkol kay sa 'yo, Tristan.

"Umalis ka muna, please," nanghihinang sabi ko. Niyakap niya akong muli at hinalikan sa noo ko. Dahan-dahan niya akong binitawan at akala ko ay aalis na siya pero lumuhod siya sa harapan ko na ikinagulat ko. He wasn't looking at me. Nakatingin siya sa sahig at maya-maya lang ay nagtataas baba na ang mga balikat niya.

Tristan's crying. Umiiyak siya at nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sobra rin siyang nasasaktan sa hindi ko malamang dahilan.

"Cleo, mahal kita. Sobrang mahal kita at lahat gusto kong gawin para sa 'yo. Gusto kong pumunta ng park, kasama ka. Gusto kong manood ng sine, kasama ka. Gusto kong kumain sa iba't ibang fast food chains at resto, kasama ka. Gusto kong ipagluto ka. Gusto kong araw-araw lagi kang kasama pero ang hirap. Sobrang hirap sa akin dahil hindi ko 'yon magawa lahat. Nahihirapan ako dahil alam kong nasasaktan kita pero mas lalong nagiging mahirap ang kailangan kong gawin. Mas lalong nakakasakit para sa 'yo. Mas lalo kitang nasasaktan at sobrang natatakot ako, natatakot ako na iwan mo ako. Natatakot ako na mapagod ka sa akin." Hinayaan kong lumandas ang mga luha ko dahil sa narinig. Ramdam ko ang sakit at hirap na pinagdadaanan ni Tristan, lalo na nang marinig ko ang mga hikbi niyang nagpaparamdam sa akin na sobra siyang nahihirapan.

"Sabi ni mama, mahahanap ko 'yong magiging karma ko. Hindi ko naisip na ikaw 'yon. Noong una akala ko wala lang lahat ng nararamdaman ko. Akala ko ang tingin ko lang sa 'yo ay parang kapatid na kailangan kong protektahan pero nagising na lang ako na ayaw na kitang iwan. Hindi ko maatim na maisip na masaya ka sa iba. Hindi ko kayang mawala ka. Gusto ko nang makasama ka, Cleo pero nakatali ako. Hawak ni Kuya ang leeg ko at kapag hindi ko gagawin ang gusto niya, ikaw ang mapapahamak at sobrang galit ako, sobrang natatakot ako. Ayokong mawala ka sa akin, ayokong umabot sa puntong 'yon. Nagising ako, Cleo na ikaw na ang gusto kong makasama araw-araw. Nagising ako na gusto kong lumipas ang mga araw na ikaw lang ang nakikita ko. Gusto kong mabuhay kasama ka. At hindi ko 'yon masabi sa 'yo. Hindi ko 'yon masabi-sabi sa 'yo dahil natatakot ako na baka gumawa ka ng mga bagay na hindi ko kakayaning hindi pansinin.  Mga bagay na mas ikakapahamak mo nang dahil sa akin." Naguguluhan man ako pero hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko lalo na nang humagulgol lalo si Tristan.

God. Everything just became more unclear for me. But what's clear? Is that, Tristan loves me. Masaya na ako do'n. Naramdaman ko at nalaman ko na mahal niya talaga ako, because once and foremost, a man won't cry over someone if he doesn't love that person.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now