Kabanata 14

9 1 0
                                    

Kabanata 14

Pagkabalik ko sa rest house ay nakita ko nang nag-aalmusal ang magaling kong Kuya. Tumigil muna ito at tumingin sa akin nang nakakunot ang mga noo. Wow, sana all madaming noo.

"Umiyak ka ba? Ba't ang pula ng mata mo? Where have you been? Sabi ni Berna, she saw you running?" sunod sunod na sabi ni Kuya kaya umupo na lang din ako sa harap niya, sa dining table, at nagsandok ng fried rice, hotdog and egg. Haist, naalala ko na naman si Pax. Gan'to yong niluto ko noon na pinilit niyang kainin kasi masarap daw, at alam ko naman pinakita niya lang na na-appreciate niya ang paghihirap ko sa pagluto kahit hindi ako marunong.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Nagulat ako nang punasan ni Kuya ang luha ko kaya pagak akong tumawa.

"Ano ka ba Kuya, I was trying kung magaling akong mag-act para pagbalik ko ng Manila, mago-audition ako para iba na naman ang mapaglibangan ko." Sinungaling. Akala mo ba, bebenta sa Kuya mo ang walang kuwenta mong rason?

"Maniniwala pa ako kung napuwing ka sis, pero ang ganiyang rason? That's not you. Are you possessed?" Magkapatid nga talaga kami. Hay nako. Umiling na lang ako at pilit na ngumiti. Ayokong mag-alala ang Kuya kaya kumain na lang ako. Huminga naman siya nang malalim at nagsalita,

"You can tell kung nabuntis ka ba while staying here para naman mahanap natin ang ka-one night stand mo at maging responsible siya sa 'yo at sa batang nasa sinapupunan mo," tuloy tuloy na sabi ni Kuya kaya hindi ko naiwasang mabitawan ang kutsara ko at malunok ang hotdog na kinakain ko.

"What the hell? Where have you been Kuya!? Where the fck did you get that idea? Me? Nabuntis? What? You're quite good at imagining things. Kaya kayo nagkakasundo ni Pear e'." He chuckled at ginulo ang buhok ko,

"So, tell me li'l sis. What happened?" Napairap na lang ako. This is what I feel kapag kasama ko si Kuya. He's like the boy version ni Pear kaya nagkakasundo sila. Para ngang sila pa ang mag-best friends kapag magkakasama kaming tatlo e', kasi madalas, sila ang nagkakasundo.

"Nakakita ako kanina ng pusa, kaya ayon. Akala ko aawayin ako so naiyak ako." He knows me well. Alam niya rin na takot ako sa pusa, at tanging pusa lang ang nakakapagpaiyak sa akin kaya in that matter, wala na siyang tanong.

"I see. So, anong balak mong gawin maghapon?" Kapupunta niya pa lang dito at alam kong mahaba ang biyahe niya kaya gusto ko muna siyang hayaang mag-enjoy at magpakasaya dito sa Barcelona.

"Lantakan ang dala mong chocolates at gamitin ang pasalubong mo. Anong dala mo?" Nakita ko kasi kanina sa sala ang dalawa niyang maleta at limang paper bags. I bet, he bought something for Pear again.

Ewan ko ba dito. Alam ko naman na matagal niya ng crush si Pear pero ito pa rin siya at nananahimik. He always asks nga sa akin kung sino na ang nanliligaw kay Pear tapos pag sasabihin ko, babalik sa akin si Pear na umiiyak kasi ayaw na raw siya ligawan ng manliligaw niya. And I therefore conclude that, my brother is doing something para broken si Pear. Hah! Akala niya ah. Black propaganda ang ginagawa niya. Pero ano ba ang black propaganda? Char. Basta, alam ko, black propaganda 'yan.

"Hmm, I bought choc'lates from Duty Free pero 'wag mo ubusin ah? I want to give some kay Pear. Ayokong magtampo 'yon. And 'yong pasalubong ko? I made sure to leave it sa Manila kaya, hindi ko dala. Alam ko namang hindi mo 'yon magagamit dito kasi beach ito." Napangiti na lang ako. Alam ko na kung anong dala niya. Buti naman! Medyo matagal na since bumili ako ng stilleto at may bago na naman.

"Omg! Thank you Kuya! You're the best!" I just giggled.

Nang mamatay si Dad ay siya na ang tumayong tatay ko and he loves spoiling me with my favorites kaya sobrang swerte ko sa kapatid ko. He also helps me and supports me sa mga decision ko kaya wala akong sama ng loob kay Kuya. Kahit kasi ilang taon kaming magkalayo sa isa't isa. Nag-uusap pa naman kami at kinakamusta niya ako palagi kay Pear. Pero if I know, gusto niya lang palaging kausap si Pear. Hmp. Charot.

"Haha, oo na. So, anong gagawin natin today? I missed you kaya let's have some fun." Napaisip tuloy ako. Kung nandito si Pax ay pipilitin na naman ako no'n sumakay sa bangka o kaya ay magsu-surfing na naman siya kahit wala namang alon para lang mapatawa ako. Napailing na lang ako. Tama na muna Cleopatra. Stop thinking about him first. Sigurado namang hindi ka rin niya iniisip. Awts.

"Island hopping Kuya! Gusto ko 'yon i-try pero hindi ko magawa kasi wala akong kasama." Ngumuso pa ako para kunwari hindi ko pa talaga 'yon na-try pero napaka-sinungaling ko talaga. I already did it with Tristan! Nagawa na namin ang lahat, pwera pala sa kiss, dito sa beach kaya naman sa kahit saang anggulo ako tumingin, si Tristan pa rin ang nakikita ko, which is worst for me. Mas lalo kasing lumalaki ang missing piece na nakalaan para kay Tristan. Mas tumatagal, mas gusto ko siyang makita. Atsaka kailangan ko rin magsinungaling dahil hindi alam ni Kuya ang about kay Pax Tristan, dahil kung alam niya 'yon, uuwi agad siya at tatakutin si Tristan.

What a shame. I should get rid of Paxy sa aking precious thoughts, pero paano?

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko and umaasa akong mawala na siya sa isip ko. Pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay ko kung saan nakasuot ang bracelet na ibinigay sa akin ni Tristan. Hindi ko alam kung bakit ko pa ba ito sinuot pero dapat siguro ay kumuha ako ng isa niyang boxer noong nandito pa siya para kahit umalis na siya e', me'ron naman ako ng boxer niya. Sayang naman.

Napailing na lang ako. Itatago ko na lang ang bracelet na ito at sisiguraduhin kong hindi ko na makikita si Tristan kahit saan. For sure naman, nasa liblib na lugar na siya dito sa Sorsogon at hindi naman ako taga-dito kaya hindi ko na siya makikita. Tama! Dzuh, matalino ako kaya tama ako.

Kaya lang--- wala pala akong alam kahit na ano about kay Tristan kaya hindi ko rin alam kung taga-dito ba talaga siya sa Sorsogon or nah. Haist. Ano ba 'yan. Ano bang pake ko? Kung iniwan niya ako, edi bahala siya! Pero kung babalik siya, edi hello! Dzuh.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now