Kabanata 7

12 3 2
                                    

Kabanata 7

Kanina pa nakahawak si Tristan sa kamay ko at parang gusto kong sanayin ang sarili ko. What a shame. Isa akong taong masungit at hindi dapat nakikipag-usap sa low class na tulad niya. 'Yan ang turo sa akin ng magaling kong Kuya. High class daw kasi ang breed ko tulad ng aso niyang husky na nakakaasar dahil palagi niyang sinasabi na mas maganda raw ito kaysa sa akin.

"Malapit na tayo," nakatalikod na sabi ni Tristan sa akin. Bastos ang taong ito. Nagsasalita kasi siya habang kinakaladkad ako, kaya ito ako ngayon sa may likod niya at pinagmamasdan ang malulusog niyang puwet na ang sarap pisilin. Nakikita ko rin ang perfect niyang likuran kaya malaya akong nakakapag-isip ng kalokohan habang pinagmamasdan ang likod niya.

Tiningnan ko ang likod ko dahil malayo na ang narating namin. Kanina ay hinila na lang niya ako palabas ng resto ni Bernadette, na walang sabi. Akala niya siguro ay close na kami matapos ng ilang araw. Sabi ko naman na hindi ako nakikipag-close sa low class breed na mga hayop. Si Pear lang ang kilala kong low class. Baka gusto ni Tristan na isama ko na siya sa low class breed na 'medyo' close ko dahil hindi pa kami close?

"Nandito na tayo." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Tristan nang makita ko agad ang ganda ng tubig dito sa pinuntahan namin. Lalapit na sana ako sa tabi ng dagat dahil nandito kami sa baybayin pero pinigilan niya ako. Tiningnan ko naman siya nang masama at tulad ng dati ay itinaas niya ang mga kamay niya na parang nagsu-surrender.

Dapat ginagawa niya 'yan kapag nasa kama kami. Chos. Hindi p'wede 'yon. Halik lang ang wala ako, pero may dignidad pa rin naman ako. Naniniwala akong ang pagka-birhen ay dapat lang mawala sa oras na kasal ka na sa mahal mo.

"Easy lang, pusa. Galit na naman ang pusa ko," nang-aasar na sabi nito. Nang malaman niya kasing takot ako sa pusa ay 'yon na ang tinawag niya sa akin. Biruin mo, isang linggo lang ang nakakalipas mula nang kumain siya ng niluto kong hotdog at itlog, ang lakas niya na akong asarin. Kahapon nga, nang makagat ako ng jelly fish, sabi niya iihian niya raw ang paa ko para hindi na masakit. Napakalaking gago ang tukmol. Naniniwala siya doon? Buti na lang nandiyan si Bernadette, kung hindi, hahayaan ko siyang ihian ang paa ko.

Sayang nga e', hindi ko nakita kung anong nasa loob ng umbok niya.

"Pusa ka diyan, mukha ba akong pusa? Atsaka hindi mo 'ko pag-aari, so stop calling me yours." Dzuh, kahit masarap sa tenga, dapat hard to get ako. Two weeks pa lang naman kami magkasama e'. Though sa two weeks na 'yon, para niya akong nililigawan dahil gusto niya akong maka-close. Hanggang do'n lang siya. Dzuh, hindi nga kasi ako nakikipag-close sa mga low class breed chuchu.

"Bakit ka kasi takot sa pusa?" Inirapan ko nga. Ayokong sabihin ang dahilan. Basta takot ako sa pusa, kasi basta.

"So? Anong ginagawa natin dito?" Nakaharap kasi kami sa parang abandonadong kubo. Oh my. Naalala ko ang kubo scandal na nakita ko last month. Don't tell me, hahalayin niya ako rito? Oh no.

Hindi ako pinansin ni Tristan sa tanong ko kaya kahit gusto kong mag-pout tulad ng ibang bida sa isang storya, ayoko. Masiyadong nakakaasar ang gano'n. Hmp. Akala mo naman, maganda. Ako lang naman ang maganda.

"Dito ako nakatira noon." Napatingin naman ako muli kay Tristan nang sabihin niya 'yon? Ano kamo? Hindi niya ako hahalayin? Dinala niya lang ako rito para sabihing dito siya nakatira noon? What a shame. I expected something. Something na nakakadiring isipin dahil naalala ko ang mukha ng unggoy na dahilan para makilala ko si Tristan.

"Dito ako pumunta nang umalis ako sa bahay namin. Ilang buwan din 'yon pero sapat na para makapag-isip isip." Akala mo naman ay me'ron siyang malaking problema. Para tuloy siyang may tinatakasan. From the past two weeks, ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa lubos kilala si Tristan.

Ang alam ko lang ay siya si Pax Tristan. Ni ang apelyido niya ay hindi ko alam. May apelyido ba siya? Alam ko may Lolo at Kuya siya pero, buhay pa ba sila? O mag-isa na lang sa buhay si Tristan?

"So, nakauwi ka na sa bahay niyo noon? Tapos bumalik ka ulit dito?" Tumango ang abalang-abala na si Tristan. Abala siya sa pagtitig sa kubo na sinasabi niya. Iniisip ko tuloy kung maganda ba para sa kaniya ang kubo na tinititigan niya. Mas maganda pa naman kasi ako rito. Hindi naman sa hinahalintulad ko ang sarili ko sa kubo, pero p'wede naman niya akong titigan hindi ba?

"Yes. Siguro, a week before ka pumunta rito, nandito na ako," sabi nito na nakatingin pa rin sa kubo. Week before ako pumunta rito?

"So, matagal mo na akong kilala? A week before? Paano? I mean, how'd you know kung kailan ako dumating or what?" Naguluhan ako bigla. Kinutuban ako ng masama. Ayaw ko man pansinin pero hindi ko maiwasang isipin.

"A-ah... No. I mean, kasi 'di ba? Pinakilala ka sa akin ni Bernadette and... And dahil do'n, nalaman ko," nauutal niyang sabi. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Hindi ko maiwasang mag-isip ng iba pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Ayokong masira ang mood na me'ron ang paligid namin ni Tristan.

Kahit na nagtataka pa rin ako, at naguguluhan pa rin ang matalino kong utak.

"So, ayaw mo pa bang bumalik sa may rest house?" Tumingin ako sa paligid dahil malapit na rin dumilim. Malayo kami sa maraming tao at para kaming nasa dulo, kaya natatakot ako dahil baka may mangyari sa amin dito.

"Nah~. 'Wag ka mag-alala. Safe dito." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at sa pagkakataong ito, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Tristan. Baka kasi narinig niya bigla ang malakas na tambol ng mga organs ko sa puso ko. Parang may cheerdance na nagaganap sa loob ng katawan ko at nakasentro ang puso ko sa cheering na ginagawa nila.

"Tara, pasok tayo." Hindi na hinintay pa ni Tristan ang sagot ko at hinila na lang ako bigla papasok sa loob ng kubo na sa tingin ko, ang magiging venue ng pagkawala ng aking 'first kiss'. Oh my goodness. What a shame.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now