Kabanata 30
Bago kami lumabas ni Tristan ng kotse niya ay hinawakan niya ang kamay ko. He smiled at pinigilan akong magsalita. Nagtataka man ako ay tiningnan ko lang siya at nakita kong parang may inalis siya sa tainga niya. 'Yong madala niyang suot na hikaw na itim.
Itinapon niya ito sa dash board ng kotse atsaka lumabas. Tiningnan ko lang siya at nakita ko siyang umikot para pagbuksan ako ng pinto. Matapos kong makalabas ay niyakap ako nang mahigpit ni Tristan. Parang huling yakap na ito dahil sobrang higpit ng yakap niya. Hindi ko tuloy magawang hindi maasar.
"Ano 'yon? Bakit mo inalis 'yong hikaw mo? Didn't you know that you look sexy with piercings on?" He looked at me intently and smiled.
"If I'll keep on wearing it, hindi tayo magkakaroon ng privacy together." Naguluhan naman ako sa sinabi niya at natawa naman siya sa reaksyon ko.
"That's my Kuya's own made device. A high tech piercing that made him connected with me. It allows him to know how I am and if I'm doing well with my job. It has the smallest kind of camera that let's him see kung nasaan ako at ang ginagawa ko. And yes, it may sound ridiculous pero me'ron itong tracker para malaman niya kung nasaan ako. It has also a microphone at naririnig niya ang sinasabi ko kapag gamit ko 'yon kaya inalis ko muna. Ayokong malaman niya ang mga gagawin ko at ayaw kong masaktan ka dahil sa akin. Cleopatra, please listen to me," seryoso niyang sabi. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako nang mabilis sa labi.
Akala ko ba listen to him? Why did he kissed me?
"Do you love me?" he asked kaya naman tumango ako.
"Do you trust me?" tanong niya na naman kaya tumango ulit ako.
"Will you move forward alone? Without me?" Tatango sana ulit ako pero nagulat ako sa tanong niya. Gusto ko sanang magsalita pero tinakpan niya ang bibig ko gamit ang hintuturo niya.
"If you can't, then, wait for me. I want you to go to Barcelona tomorrow afternoon. And gusto ko na hintayin mo ko doon kahit gaano katagal. I'll make sure to go after you and I want you to listen to me. Please, do it para sigurado ako sa kaligtasan mo, baby. I allow you to go to your mom tomorrow but just tell her we'll move out together. Tell her you're getting married and I'll do the rest. Please, baby I am begging this time." Naguguluhan man ako sa mga naririnig ay tango lang ang nagawa ko. Muli akong hinalikan ni Tristan sa labi atsaka niya pinagdikit ang mga noo namin.
"Always remember that I love you and I'll miss you so bad," he said at hinalikan ang tungkil ng ilong ko.
"I promise na tatapusin ko lang ang trabaho ko ngayon dito at magiging ayos na ang lahat. Susunod ako agad sa 'yo atsaka ko na ii-explain lahat, okay?" Hindi ako nagsalita at niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Hindi ko man maintindihan lahat pero pipilitin kong intindihin para kay Tristan.
"I love you," bulong ko rito at dahan-dahan nang kumalas s pagkakayakap ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan kaming naglakad papunta sa kabilang pinto ng kotse. Hawak niya pa rin ang kamay ko ay hinarap niya akong muli at tiningnan sa mga mata,
"Now, I want you to be a good actress baby. Please don't cry when I tell you to leave me alone. Isipin mo na we're in a movie at kailangan nating gawin ito, okay?" Para akong batang tumango-tango dahil nakuha ko ang punto niya.
Nang makuha niya ang piercing ay binitawan niya ang kamay ko at agad itong sinuot. Tiningnan ako ni Tristan at pilit na ngumiti,
"Leave me alone, Guevarra," malamig niyang sabi. Dahan-dahan akong tumalikod at pilit na pinigilan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko pero hindi ko nagawa. Naiyak ako hindi dahil sa lamig ng boses ni Tristan o kung paano niya ako tawagin pero umiiyak ako dahil wala akong maintindihan at naguguluhan ako. Pinunasan ko ang mga luhang walang tigil sa pagpatak at mabilis na umakyat sa unit ko.
Pagkasara ko ng pinto ay hinanda ko lahat ng gamit ko para sundin lahat ng sinabi ni Tristan. Nag-empake ako dinala lahat mga dapat kong dalhin. Dinala ko ang razor para prepared ako always kapag nagkita ulit kami ni Tristan. Sinuot ko rin ang bracelet na binigay ni Tristan.
Tiningnan ko ang oras at nakitang maga-alas otso pa lang sa gabi kaya agad akong nagmadali. Imbis na magmukmok at umiyak dahil hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita ni Tristan ay pupunta na lang ako ngayon kay mama para makapag-usap kami at magkaroon kami ng sapat na oras together bago ako umalis.
Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay tinawagan ko si Kuya. Agad-agad niya namang sinagot ang tawag ko at dahil mahal ang load kapag overseas ang tatawagan ay sinabi ko na ang dapat kong sabihin.
"Kuya, I want you to go home tomorrow. Gusto kong ikaw na ang bahala sa kumpanya at gusto kong pagbigyan mo ko ngayon at makinig ka sa akin," seryosong sabi ko. Nakakatawa man ang mga nangyayari pero wala na akong pake. Ayokong biguin si Tristan. Gusto kong magkasama kaming dalawa at ayaw ko siyang iwan na mag-isa.
"Sis, bakit? Hey? May nangyari ba?" Umiling ako na parang nakikita niya ako kaya naman ay huminga ako nang malalim.
"I'm getting married, Kuya at------"
"What?! Oh god. Anong sinasabi mo, Cleo?" Wala na akong oras para mag-explain kaya bitbit ang mga maleta ko ay sinarhan ko nang maayos ang pinto ko at sumakay ng elevator para mabilis. Dzuh. Dalawang maleta ang dala ko, ghorl. Oh, nasa linya pa pala si Kuya.
"Kuya, I don't have enough time to tell you everything over the phone kaya kung gusto mong malaman lahat, please come over as soon as possible. And please, handle the company with love and care, okay? I'm still the CEO but I'll take a leave muna then pagpunta mo dito, ikaw na bahala sa work ko." Agad kong pinatay at tawag matapos kong sabihin 'yon at saktong bumukas naman ang elevator.
Pagkalabas ko ng elevator ay tinawagan ko muna si Valene at kinausap ito.
Si Pear? Sabihan ko ba? 'Wag na, si Kuya na bahala do'n. Ang mahalaga ngayon ay harapin ko si mom at magpaalam nang matiwasay at wala akong bukol bago lumabas ng bahay.
Napailing na lang ako at hinila na ang mga maleta ko. Ano bang dapat kong unang sabihin kay mom? Sasabihin ko ba na magkakaapo na siya kapag hinayaan niya akong umalis? Gano'n ba? Para masaya siya medj? Kaloka. Ako itong kinakabahan sa mga plano ni Tristan.
'Pag hindi sumipot si Tristan sa Barcelona at tumanda ako doon na wala siya, papatayin ko siya. Char. Kahit ilang taon pa ang lilipas, maghihintay ako. Hihintayin ko si Tristan.
YOU ARE READING
Piqued by a Kiss
Romance[ REVISE, SOON ] "You don't just do it. You feel and savor every seconds while doing it." Cleopatra Guevarra, the 'never been kissed' owner of Guevarra Group of Companies will search her way out of her box dahil sa loob ng dalawampu't anim na taon a...