Kabanata 26

4 1 0
                                    

Kabanata 26

Magkatabi kaming nakahiga ngayon ni Tristan sa kama ko. Nakatulog siya dala na rin ng kakaiyak at nakakatawang isipin dahil madalas, babae ang nakakatulog dahil sa sobrang iyak pero ngayon, si Tristan ang natutulog at nakahiga sa braso ko. Nakasiksik siya sa may kili-kili ko at kahit natatamaan ang malusog kong boobsie ay hindi ko 'yon pinapansin. I'm happy stroking his magulong hair and hearing him snoring next to me. Sa mga oras na ito ay parang pag-aari namin ang mundo at para sa amin ang oras na 'to.

Hay nako, pag-ibig.

Mas lalo akong nahuhulog sa mga hilik na naririnig ko mula may Tristan. Para nitong pinapahiwatig na masarap ang matulog habang nakayakap siya sa akin. Napagpasiyahan kong hindi na tumuloy sa pupuntahan ko dahil kay Tristan. Mas gusto kong kasama ang lalaking may mapupulang labi na ito, kaysa ang umalis na hindi man lang kami ayos at hindi ako nalilinawan. Tho, nagpasya ako kanina na aalis pero hindi na nga tuloy 'di ba? At kahit hindi pa gano'n kalinaw ang lahat, ang mahalaga sa akin ay alam ko na ang nararamdaman ni Tristan. Ngayon, hindi ko lang alam kung kami na.

Ihhhh, kami na ata? Hala, mapupunit na ang labi ko sa kakangiti. Kinikilig ako! Ang harot harot pakinggan pero para akong isang matandang ignorante na kinikilig.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas kwatro y media na sa hapon. Gigisingin ko sana si Pax Tristan pero nah, gusto ko munang maramdaman ang ulo niya sa may boobsie ko. Chars. Ayan, masigla na naman ako. Kese nemen ih.

Iw, kadiri pala magpabebe. Hindi bagay sa akin.

Hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari. Iniisip ko rin, paano kung nakaalis ako bago dumating si Tristan, anong gagawin niya? Magtatanong ba siya kay Pear o kaya kay Valene kung saan ako pupunta? Speaking of Pear. Hala! Iniwan ko pala siya sa bar kagabi. Buhay pa kaya 'yon ngayon? Baka buhay pa. Panigurado buhay pa 'yon.

Tiningnan ko si Tristan nang bahagya itong gumalaw. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Mas lalo niya pa akong niyakap nang mahigpit kaya hindi ko na rin maiwasang mapangiti. Nagulat naman ako nang halikan niya ako nang mabilis sa labi ko kaya hindi ko mapigilang mapanganga. Natawa naman siya sa reaksyon ko at isiniksik niya ang ulo niya sa may dibdib ko. Aba, mabilis ang isang ito.

"Anong ginawa mo?" agad kong tanong nang ma-realize ko na hinalikan niya pala ako. Eh? Bakit ko pa tinanong?

"Just giving my girlfriend a morning kiss? See? Kakagising ko lang." Para naman akong namula sa sinabi niya dahil sa salitang girlfriend. Kaya iniwas ko ang tingin ko nang titigan niya ako nang nakangisi.

"Girlfriend? Sinong girlfriend mo? At dzuh, hindi morning ngayon Tristan. It's already hapon at sobrang sarap ng tulog mo diyan sa dibdib ko. Akala mo ba magaan ka?" Psh. Kunwari na lang ay hindi ako natutuwa pero ayoko talagang malaman ni Tristan na kinikilig ako.

"You're blushing," pang-aasar niya kaya napairap na lang ako. Tatayo na sana ako pero dinaganan niya ako at isiniksik niya ang ulo niya sa may leeg ko. Nagulat naman ako nang maramdaman kong ipinasok ni Tristan ang kamay niya sa loob ng damit ko at bahagyang hinawakan ang balakang ko pataas sa may----

"Damn." Agad siyang umupo sa tabi ko at para siyang kinakabahan. Hmm. Hindi ko maiwasang mapatingin sa suot niyang pants dahil may nakaumbok sa gitna ng kaniyang thighs.

"Are you having a boner?" Huli na nang marealize ko ang tanong ko pero nagulat ako nang mamula ang tainga ni Tristan kaya napangisi ako. Tama nga ako. He's having a boner, pero bakit? Dahil ba sa akin?

"I'll order pizza. Nagutom ako bigla. Ikaw? What do you want to eat?" Kinuha niya ang phone niya sa may side table ng kama kaya umupo ako. Aligagang-aligaga siyang nagpipindot sa phone niya at talagang iniwasan niya pa ang tanong ko.

"Tristan," tawag ko rito pero hindi niya ako pinansin. Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya. Hinalikan ko rin ang balikat niya na bahagya niyang ikinagulat. He looked at me and his eyes were telling me how much he was restraining himself not to do something to me. Oh god. Baka iba na naman ang naiisip ko dahil lang sa me'ron siyang boner.

Maya-maya lang ay bumuntong-hininga si Tristan at nilapag ang phone niya sa side table saka ako niyakap at hinalikan sa noo. He looked at me again, and this time, he was looking at me with so much love and care.

"Honey, I'm sorry. Sorry dahil muntikan kong hindi mapigilan ang sarili ko kanina. Sobrang namiss kita at halos gusto na kitang angkinin kanina but I need to restrain myself from doing so. Ayokong madisappoint ka sa akin. Love making is so sacred, baby. We could only do it after marriage. It will all be worth it after that. It won't only make us happy but it will allow us to experience what real happiness is after being patient and waiting for so long. I want to secure your dignity and virginity. I want to show you how precious it is for a woman, like you. And I'm happy. You're making me happy, knowing that you preserved your flesh for such a long time." I don't know but I felt that I'm the luckiest at this moment. Knowing that Tristan is like this, he made me feel loved and he made me feel that he cares for me and my future. Not only for my future, but also, the future of our cells. The sperm and eggs.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Sobrang higpit. Gusto kong maramdaman niya na napakasaya ko at napakaswerte ko sa kaniya.

"Thank you," ani ko rito. Hinalikan niya ako sa noo ko, pati na rin sa tungkil ng ilong ko hanggang sa labi ko. He just gave me a peck and smiled.

Maya-maya lang ay narinig namin na may nag-doorbell kaya naman ay kumalas na ako mula sa pagkakayakap ni Tristan. 'Yon na siguro ang pagkain na in-order ni Tristan. Hindi na ako gumalaw mula sa kama nang sabihin niya sa akin na siya na ang bahala.

Hinintay ko na lang siya bumalik ulit and may bitbit siyang isang bucket ng chicken, three boxes ng pizza, lasagna, maraming fries and spaghetti.

"Ang dami," bulalas ko. Paano ba naman, parang balak niya akong gawing baboy.

"Hindi lang ikaw ang kakain baby, at isa pa, ako ang nag-order. Ubusin natin 'to tapos movie marathon tayo tapos magchikahan. Basta, gawin natin ang lahat ng p'wede nating gawin. 'Wag tayong magsayang ng oras. I want us to have fun together. I want to see you laugh, and smile and I want to be the reason of those," sabi niya at ngumiti. Ngumiti lang din ako and, "I love you," ani nito nang malapag niya ang mga pagkain sa kama. Napangiti na naman ako sa narinig ko.

"I love you more, Tristan," tugon ko rito. He kissed me and this time, it was not just a peck but a romantic one. It's the single lip kiss. You see, marunong na akong mag-distinguish ng kiss.

His kisses were telling me how much he loves me. It feels magical, and not sensual. He was gentle and he's letting me feel that he respects me. After the kiss, he looked at me and smiled. He again whispered how much he loves me and I could just wish at this moment to last forever, especially that we're together.

But I'm afraid. I just felt afraid dahil baka lahat ng sayang nararamdaman ko ngayon ay magkaroon na naman ng kapalit. Ipinilig ko ang ulo ko at tiningnan ang nakatalikod na si Tristan na may matambok na puwet. Inaayos niya kasi 'yong TV para raw makapag-movie marathon kami.

He looks happy and contented at dapat ko siyang pagkatiwalaan. Dapat kong ipagkatiwala sa kaniya ang lahat at kung may mangyari man? I should listen to him. Kailangan kong makinig at intindihin. I just learned that, one of the greatest rule sa relationship? Is to understand.

Understand your partner, and trust.

Nakalimutan man 'yan sabihin sa akin ni Pear last time, pero nalaman ko ito mismo sa sarili ko. Dahil sa mga nangyari sa amin ni Tristan ay naisip ko na hindi ko lang siya kailangan pagkatiwalaan ngunit kailangan ko rin siyang intindihin. Kailangan kong makinig dahil magkasama kami, at hindi kami alone together. Walang relasyon ang magwo-work na isa lang ang active. Ang relasyon ay parang bangka na may dalawang sagwan. Hindi aalis sa pwesto ang bangka na isa lang ang sagwan, aandar ito kapag parehong gumagalaw sa isang rhythmn ang mga sagwan kahit pa malalakas ang alon na ang kaharap nito, at kahit may malakas na hangin na pumipigil dito. It will work as long as you will work together.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now