Kabanata 4

17 4 0
                                    

Kabanata 4

Sabi ni Lolo Voltaire na hindi ko naman talaga Lolo, "Judge a man by his questions rather by his answers." Noon hindi ko 'yon maintindihan pero naiintindihan ko na ngayon. Tagalugin mo lang at maiintindihan mo na 'yan. 'Wag kang bobita, ayoko na madagdagan si Pear na bobits dito sa magandang planet Earth. Toxic na nga ang kaibigan kong si Pear tapos, pati ikaw? Oh no dear, mahalin mo ang kalikasan tulad ng pagmamahal mo sa kaniya kahit hindi ka naman niya mahal. Kawawang nilalang.

Naaasar ako kay Tristan dahil kanina pa akong nakatingin sa kaniya sa loob ng rest house KO. Oo, nandito rin siya. Sabi kasi ni Bernadette ay hindi raw ako mababantayan ni Tristan kung hindi kami magkasama. Dalawa din naman daw ang kuwarto dito kaya ayos lang naman daw sa akin, hindi raw ako maaabala ni Tristan pero inaabala niya na ako. Sobra pa. At dapat hindi ako pumayag dahil hindi ko naman lubos na kilala ang lalaking may mapupulang labi na ito pero hindi na ako nakaalma nang makita kong dala niya na ang mga maleta niya. What a shame. Hindi ko nga alam kung saan galing ang mga 'yon e'. Mga, means marami. Tama. Marami. Takte, apat ata? Akala niya ba dito na siya titira? Napaka-kapal naman ng mukha nito. At isa pa, may mga rooms naman na ino-offer ang resort tapos dito niya pa gusto? Hindi man lang nagpabebe kay Bernadette, kahit sabihin niya man lang na nahihiya siya. Nakakaloka.

"Ang ganda dito, grabe. Napaka-refreshing. Kailan mo binili 'to?" Siguro bibili rin siya? Tanong nang tanong. Pero ngayon niya lang pala ako tinanong mula kanina. Nababaliw na naman ako. Atsaka maganda naman talaga dito. Sobrang ganda. Nakaharap kasi ang rest house sa dagat at kita mula rito ang magandang tanawin dahil glass ang walls.

"5 years ago. No'ng lumayas ako sa bahay namin tapos pumunta ako rito pero dahil wala akong lupain dito, pinalayas ako ng dating may-ari," bored na bored na sagot ko. Tama, pinalayas ako ng dating may-ari nito na matandang hukluban. Baliw nga 'yon si tanda e', mas baliw pa sa akin.

"Wow. Anong nangyari? E' pinalayas ka 'di ba?" Ang dami namang tanong. Kaasar. Akala niya ba close kami? Baka gusto niya?

"Sabi ko bibilhin ko kaluluwa niya kapag binigay niya sa akin 'to." Natawa na lang ako nang maalala kung gaano natakot ang mukha ni Lolong hukluban ng mga panahong 'yon. Sinong hindi matatakot? Alam ko kasi na alam niyang maraming mangkukulam dito sa Sorsogon. Grabe. Maraming dumadayo rito kahit medyo liblib dahil iba-iba ang pakay, pero ang pakay ko lang naman talaga noon ay ang ganda ng lugar.

"Kaluluwa talaga? Ang sama mo naman. Tinakot mo pa 'yong matanda," naiiling na sabi nito. Aba, hindi ko naman talaga tinakot, siya 'yong natakot. Kasalanan ko pa na matakot siya?

"Kung hindi ko 'yon sinabi, hindi niya ibi-benta ang rest house na ito. Tingnan mo naman, napakaganda. Hindi ko nga alam kung paano pumayag ang matandang hukluban pero ang sabi niya, 'pag nagkita raw kami ay babawiin niya na ito sa akin." Buti na lang sa loob ng limang taon, hindi pa kami nagkikita. Utang na loob ko pa ang rest house na ito dahil wala akong matutuluyan ng mga panahong 'yon. Si matandang hukluban ang tumulong sa akin. 'Yong mga panahong 'yon, panahong ang hirap ng balikan.

"Masasabi kong mabait 'yong matanda. Nadala siguro sa ganda mo," nakangising sabi ni Tristan. Inirapan ko nga. Ang daming satsat. Akala mo hindi siya nagagandahan sa akin.

"Sinong hindi madadala sa ganda ko?" Bulag na lang ang hindi. Masiyado akong proud sa kagandahan ko dahil ito ang isa sa mga assets na me'ron ako para mapapirma ang mga investors sa mga contracts na ibinibigay ng kumpanya. Hindi man ako marunong lumandi pero marunong akong magpa-cute.

"Nakakatakot ka, pero ayoko mang basagin ang pagpapantasya mo ay gusto ko lang itanong, saan ko ilalagay ang mga maleta ko? Saang kuwarto? Dito ba sa baba o sa taas?" Dalawang palapag kasi ang rest house na ito. Sa taas ako natutulog dahil maganda ang tanawin. Salamin nga lang kaya kitang-kita ko pa rin ang guwapong araw kapag lulubog ito, pero kahit gano'n hindi ako sa taas madalas namamalagi kasi masiyadong malungkot kapag mag-isa. Wala mang koneksyon ang sinabi ko pero malungkot pa rin.

"Diyan na lang, sa taas ang kuwarto ko. Ngayong nandito ka na, 'wag na 'wag kang mangangahas na pumunta sa taas kasi nakahubad ako 'pag natutulog," nakangising sabi ko rito habang tinitingnan ang maganda niyang mata. Hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang paggalaw ng adam's apple niya kaya natawa na lang ako. Umiwas naman siya ng tingin.

"Alam mo, guwapo ka sana pero feeling ko malandi ka. Nakakaloka." Narinig lang kasing nakahubad ako matulog ay gano'n na ang reaksyon. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko rito sa may sala at tinapik ang balikat niya bago maglakad palabas. Grabe, ang tangkad niya pala. Hanggang may kili-kili niya lang ako tapos ang laki pa ng katawan niya. Ngayon ko lang napansin.

"Pagkatapos mo rito, sundan mo na lang ako sa baybayin. Maglalakad-lakad muna ako para lumanghap ng hangin." Baliw. Ba't ako magpapaalam? Ano naman kung maglakad-lakad ako? Buhay ko naman 'to.

Nako, wala lang 'yon Cleo. Tinutulungan mo lang siya sa trabaho niya na bantayan ka. Tama. Tinutulungan ko lang siya. Pero hindi ko pa rin alam kung paano nangyaring babantayan niya ako. Parang kagabi lang ay tinulungan niya ako sa unggoy na 'yon, at ngayon, eto na 'yon? Kailangan kong kausapin si Bernadette tungkol dito. What a shame. Pumunta nga ako ritong mag-isa tapos may magbabantay pa rin pala. Ano ako? 6 years old? Walang alam sa mundo?

Pero bakit hindi ako umangal kanina? Tapos ngayon, magrereklamo ako sa isip ko. Ako lang mismo ang gumagawa ng paraan para mabaliw. Dapat kanina ko pa sinabi kay Bernadette na ayaw ko, hindi 'yong gan'to. Siguradong nasa kuwarto niya na 'yon. I mean kuwarto ng rest house ko, at hindi sa kaniya.

Nako, 'pag nalaman ni Pear na gan'to ang nangyari, magtatampo 'yon nang sobra. Wala pa kasi akong pinayagan na matulog doon. Ako pa lang. Lagot na naman ako sa bobitang 'yon, pero ba't ako matatakot? Aba, sa akin naman 'yon at wala siyang karapatan para magalit.

Gusto kong batukan ang sarili ko, bakit ako nagkakaganito. Masiyado siguro akong nalunod noon sa trabaho kaya ngayon, kinakausap ko na ang sarili ko pero malamang, malungkot ako.

"Tama, malungkot ka nga Cleopatra. Malungkot ka kaya kinakausap mo ang sarili mo ngayon." Napahawak na lang ako sa mukha ko at bahagya itong tinapik-tapik. Ayoko na! Masiyadong nagugulo ang sistema ko ngayon.

Ano bang dahilan? Bakit?

Bakit ang pula ng labi ni Tristan? Ba't parang ang sarap halikan?

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now