Kabanata 22

5 0 0
                                    

Kabanata 22

Unpredictable talaga ang buhay ng tao. We don't know what will happen sa every seconds, minutes, hours, or days and months na dumarating. Kaya nga maraming nagsisisi kapag may nangyayaring hindi maganda. Iniisip kasi natin 'yong past times na sana ginawa na natin 'yong dapat gawin natin para wala na lang tayong dapat pagsisihan.

Napabuntong-hininga na lang ako nang malalim at napailing. Nakakaasar ang movie na pinapanood namin ngayon ni Tristan, and yes. Nasa sinehan kami! Nagsi-sine kami dahil gusto niya raw bumawi. Tatlong araw lang naman siyang hindi nagparamdam kaya pumayag na ako dahil never pa naman namin itong ginawa. Hindi naman ako mahilig masyado sa movies, pero kung si Tristan naman ang kasama ko sa panonood, aba'y bakit hindi?

"Alam mo, ang bobo no'ng guy," seryosong sabi ni Tristan habang nakaharap sa screen dito sa sinehan at nakahawak sa kamay ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Ang init kasi ng kamay niya, and his hands suits mine. It's like, it was made just for each other.

"Bakit?" I asked. Tiningnan ko siya and napakaseryoso niya.

"We have the capacity to change our fates and that's what the guy should need to know. Instead of letting go the girl, why didn't he just face the future together with that woman? He told him, he loves her, pero bakit wala siyang ginawa? Is it because he was afraid kung ano ang p'wedeng mangyari? Or is it because he really don't mean what he said? You know, if you love someone, you will do anything kahit gaano pa kapangit ang future or kahit nakakatakot pa ang haharapin niyo. After all, hindi lang naman ikaw 'yong haharap doon e'. Dalawa kayo. Dalawa niyong haharapin 'yon and love can conquer all, as long as it's true and pure." Seryoso pa rin siya saka ako binalingan ng tingin. Ngumiti naman siya and kissed my forehead. Tumingin ako sa screen and tried to smile,

"Is this how a Pax Tristan Mendiola, confess?" Hindi mawala ang ngiti ko. Hindi ko alam kung dapat kiligin o ano. Para kasing pinahiwatig lang ni Tristan na kakayanin naming harapin lahat ng typhoons, thunder storms, tsunamis, earthquakes and all kapag magkasama kami. What a shame. Gan'to nga ba talaga bumanat ang isang Mendiola?

"Hah? What are you saying, kitten? I'm talking about the movie. I was just saying, ang pangit ng mga bida." Parang binuhusan naman ako ng malamig ng tubig. What the hell? So, hindi 'yon confession? Hmp!

"Aw, wala. Oo, 'yong movie rin ang tinutukoy ko." Ngumiti ako nang pilit. Kunwari hindi ako na-disappoint sa sarili kong pantasya. Ako mismo ang nagpaasa sa sarili ko, aba.

"Tahimik ka?" Hindi ko siya pinansin at nanood lang. Gusto kong malaman ang ending ng story. Kung tama bang i-let go 'yong babae o hindi? Ano bang mangyayari?

Hindi na rin naman nagsalita si Tristan hanggang matapos 'yong movie. Huminga naman ako nang malalim dahil bukod sa gutom na ako ay disappointed pa rin ako. Parang hindi man lang makaramdam si Tristan. Kaasar.

"Hey, are you fine?" Tumingin ako kay Tristan and tried to smile. Tumango ako and, "Yes. Medyo gutom lang." He chuckled at ginulo ang buhok ko.

"Let's have dinner? Sa bahay na lang, for sure matutuwa ka." Bigla akong kinabahan. Shoot. Ibig sabihin, makikilala ko na ang Lolo at Kuya niya? Oh god. How to calm? Mabait kaya Lolo niya? Matatanggap kaya ako nito for Tristan? Sht. Hindi pa naman kami ah, bakit pupunta na agad kami sa bahay nila? Hala.

"Ah, ano... Hindi ba nakakahiya sa inyo? Hindi pa naman tayo e' tapos---"

"Cleopatra, stop it. Hindi porket hindi pa tayo ay wala ng rason para hindi ka makilala ni Lolo. And for sure, nandoon ngayon si Kuya kaya mas maganda ang gano'n. Atleast, malalaman mo na seryoso ako sa 'yo." Tama naman siya e'. Mas mabuti nga 'yon pero seryoso ba talaga siya sa akin? Bakit hindi niya masabing mahal niya ako? Ipinilig ko ang ulo ko at hinayaan na lang si Tristan na hawakan ang kamay ko palabas ng sinehan.

Pagkalabas namin ay bahagya siyang napatigil at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko na lang pinansin dahil baka may gagawin siya kaya napatingin lang ako sa kaniya, pero nakatingin siya sa ibang direksyon. He was looking at the lady not far from where we are who was wearing a black mini skirt and a white top tapos doll shoes. Hindi ko maiwasang makaramdam ng insecurity dahil sa ganda nito. She was smiling that showed so much glow in her face. Sobrang visible din ng korte ng katawan niya. Glowing din ang skin niya--- naka-Myra E ba siya?

"Tristan! Hey." Napatingin ulit ako kay Tristan na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa babae. Para siyang na-hypnotize kaya otomatik na tumaas ang kaliwang kilay ko. Hindi ko maiwasang makaamoy ng something dahil mukhang may impact ang babae kay Tristan kaya pinakatitigan ko ang babae hanggang makalapit ito sa amin.

Bakit nga ba siya lumapit?

Hahawakan ko sana si Tristan sa braso niya pero hindi ko ito natuloy nang yakapin niya ang babaeng nasa harap namin na ikinagulat ko.

"God! Kathy, I missed you," sobrang sincere na pagkakasabi ni Tristan. What the hell? Ano ito? Bakit parang may sumulpot na nagpatalsik sa akin?

"Aww. You don't know how much I missed you too, sweetie. How are you? You're looking great." I mentally rolled my eyes because of their nakakasukang moment. So sino ito? Hello, Tristan? I'm here!

"I'm good, I'm good. Ikaw? I thought next week ka pa uuwi, napaaga yata?" Oh sh-t. Mukha akong kabit dito dahil sa ginagawa nila. Damn. Ang sakit sa heart. Haha. Anong ginagawa mo Tristan? Gago ka ba? Dahil kung sasagot kang hindi, aba, babangasan kita. Oo Tristan, gago ka. Hindi mo ba nararamdaman na nakatingin ako? Nakalimutan mo ba agad ang presence ko? Ang existence ko?

"Hmm, I need to meet someone. Alam mo na, si dad. He wants to rush things kaya ayon, kinailangan ko rin magmadali. I'm on my way na nga sa isang meeting e' and I was surprise to see you here. You've grown up, sweetie. I'm afraid hindi na tayo makakapag-usap nang matagal kasi maraming kailangan tapusin." Nakita ko na naman ang sobrang lawak na ngiti ng babae. She was like an angel, and maybe, I looked like a demon here. What a shame.

Mas sumakit lang ang dibdib ko nang makita ko ang saya sa mata ni Tristan. Parang sobra niya ngang namiss ang babaeng Kathy na ito. What a shame. Kathy? Mahilig siguro talaga sa pusa itong si Tristan. Siguro, nauna niyang makilala ang babaeng ito at ito ang una niyang pet na pusa tapos sunod ako? What the hell. Do I even looked like a kitten? Ayoko na. Bwiset.

"It's fine. May dinner appointment din ako. Ingat na lang, okay? See you around." Mas lalo akong nabanas nang halikan ni Tristan si Kathy sa noo. Ngumiti lang ang babae at kumaway at hindi man lang ako tapunan ng tingin. Tiningnan ko si Tristan at parang nasa ulap pa siya sa mga oras na ito at nakatingin lang kung saan dumaan si Kathy. Bwiset. Ang Kathy, makati.

"So, uuwi na ako? I think, kailangan ko nang umuwi." Agad akong tiningnan ni Tristan at nagulat pa siya nang makita ako. Wow. Kagulat ghorl. Nakakita ka ng multo? Multo ako, ghorl? Multo?

"C-Cleo..." Pilit lang akong ngumiti at nagsimula na maglakad.

"Cleo, it's not what you think. Please, listen to me sweetie." Sweetie sweetie? What the fuck?

"Stop calling mo that gross endearment dahil hindi nakakatuwa!" Agad akong nagmadali atsaka ko lang naalalang wala pala akong sasakyan dahil si Tristan ang kasama ko at sasakyan niya ang gamit namin papunta rito. Damn. Kailangan kong mag-commute today. Oh sh-t. Paano ba ulit mag-commute?

I dialled Pear's number pero hindi ito sumasagot. Sh*t. Anong dapat kong gawin?

"Oh Valene!" Napangiti ako nang sagutin agad ni Valene ang tawag ko at saka ko ito sinabihan na puntahan ako rito sa mall dala ang kotse ko. Aalma pa sana siya nang sabihin kong ako na ang bahalang maghatid sa kaniya pauwi. Tss. Nasa parking lot lang naman ng company 'yong kotse ko e.

Pero si Tristan? Hindi man lang ako sinundan. Bakit niya ako susundan? Anong karapatan ko? Am I overreacting things?

Parang nadudurog ang puso ko. Normal lang naman siguro 'to 'di ba? Normal lang magselos kahit hindi naman kayo? Syempre, normal lang 'yon. Normal lang 'yon kasi mahal mo. Kahit sabihin pang dapat kong intindihin dahil baka friend niya lang 'yon at ngayon lang sila ulit nagkita, hindi pa rin maaalis sa akin na hindi magselos dahil biglaan ang nangyari. At bukod pa roon, maganda 'yong babae.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now