Kabanata 24

4 0 0
                                    

Kabanata 24

THIRD PERSON'S POV,

Hindi man sabay na pumunta ang dalawang dilag ay sabay naman silang dumating sa naturang bar. Pagkapasok ng magkaibigan ay umalingasaw sa matatangos nitong ilong ang amoy tsokolate at strawberry flavor ng mga vape na gamit ng grupo ng mga binatang nakapwesto malapit sa pinto ng bar. Hindi nila ito pinansin pero si Cleopatra ay talagang naa-amaze pa rin dahil sa interior design ng lugar. 'Yon naman palagi ang napapansin niya agad e'. Syempre, hindi lang niya sinasabi pero architect ang high class breed na babaeng 'yan.

Naglakad ito kasama ang kaibigan, patungo sa bar counter at nag-order ng Spirytus. Mahirap na raw kasing bigkasin ang Bruichladdich kaya ayan, wala siyang magawa.

Hindi pinansin ng dalaga ang mga lalaking nakatingin na may nagnanasa sa kanyang katawan dahil may nakaagaw ng atensiyon nito at hindi niya inaasahan ang nakita.

CLEOPATRA'S POV,

I felt bad for myself. Bigla akong naawa sa sarili ko dahil sa pinapanood ko ngayon. Siguro ay medyo malayo ang pagitan namin pero sobrang linaw sa paningin ko ang ginagawa nila. Para silang uhaw na uhaw sa isa't isa habang nakakapit sa leeg ni Pax Tristan ang isang dalagang hindi ko kilala. Medyo madilim sa parte nila pero para sa akin ay nagliliwanag sa parteng iyon dahil sa sobrang linaw sa akin ng mga nakikita ko. Pax Tristan was kissing a damn woman, ravishingly! He looks insanely crazy while letting the girl clung on his nape and responding to his kisses.

Para akong napako sa kinauupuan ko nang kargahin ni Pax Tristan ang babae at maupo sila sa katabi nilang couch. Mas idinikit niya rin ang katawan ng babae sa kaniya at batid ko na gustong-gusto niya ang ginagawa niya. Pinilit kong iiwas ang mga mata ko pero parang pati ang mga mata ko ay napako sa pinapanood ko. Pax Tristan looks like drugged, for me. Para niyang tinira ang pabango ng babaeng nasa kandungan niya para mabaliw siya dito nang gan'to kagrabe.

Hindi ko na naatim ang nakikita ko kaya nilapitan ko ang dalawa. Nakita ko ang isang bucket ng ice sa mesang nasa harap nila at parang hindi pa nila ako napapansin dahil nag-uungulan na sila. Damn it. Pax Tristan was enjoying because I could hear his moans. What a shame.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at binuhos sa ulunan nila ang bucket nang ice kaya para silang napaso at napahiwalay sa isa't isa.

"Sh*t Kathy!" Agad tinulungan ni Tristan ang babae na hindi man lang tumitingin sa akin at tinulungan pa niya itong tumayo nang mahulog ito dahil sa gulat. Nang makatayo sila ay saka ako tiningnan ni Tristan. Doon ko lang din napansin kung sino ang babae.

Kathy. Si Kathy na sinabi niyang kaibigan niya lang. Si Kathy na handa ko na sanang intindihin because I thought they were just friends.

Para akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo. Parang nanakit lahat ng kasukasuan ko at parang gusto kong uminom ng liveraide kahit walang koneksyon 'yon dahil hindi ko alam ang sasabihin sa nakita ko at lalo na nang makilala ko ang babaeng kahalikan ni Tristan.

"C-Cleo..." Gulat na gulat ang matang tiningnan ako ni Tristan at mabilis niyang inalis ang kamay na nakahapit sa bewang ni Kathy. Napangisi ako nang mapakla. Tho, hindi ko alam kung may ngisi ba na mapakla. Napangisi ako dahil hindi ko alam ang mararamdaman.

Binitawan ko na ang ice bucket na wala ng ice dahil hindi ko na kayang makita si Tristan. Agad akong lumabas sa bar at dumiretso sa kotse ko. Good thing, dala ko 'to.

Huminga ako nang malalim at nasipa ko na lang ang gulong ng sasakyan ko. Agad na nagsilabasan ang luha na pinipigilan ko simula pa kanina, hindi dahil sa pagsipang ginawa ko sa gulong ng kotse ko pero dahil sa sobrang sakit ng nakita ko. Ang sakit sakit. Hindi ko maiwasang mapahagulgol dahil sa nararamdaman.

I felt betrayed. I felt cheated, well, Tristan cheated. Pero bakit gano'n? Bakit niya nagawa sa akin ito? Bakit? Hindi ko maisip ang posibleng nangyari bago ko pa sila nakita. Magkasama ba sila sa buong araw? Kaya ba hindi ako nagawang itext or tawagan ni Tristan dahil dito? Bakit?

Napaupo na lang ako sa tabi ng kotse ko at mahinang umiyak dahil ayokong may makarinig ng sakit na nararamdaman ko.

"C-Cleo..." Napatingin ako sa lalaking nakaluhod sa harapan ko. The same guy who knelt down infront of me noong nasa Barcelona ako. Ang lalaking may mapupulang labi. Ang lalaking may nakakalunod na mga mata. Lalaking may long eyelashes at medyo magulong buhok----- ang lalaking mahal ko.

"Please, go... I don't want to see you." Bakit nandito pa siya?

"Look, Cleopatra baby, please let me explain." Tiningnan ko siya at hindi ako nagtagumpay na titigan siya nang matagal dahil naaalala ko ang ginawa niyang kahayupan. OA ba ako? Ano bang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong i-react? Wala namang kami.

"Explain? No, you don't have to Pax. Just go. Nasasaktan ako sa presence mo. Hindi ko kayang makita ka. Sobrang mahal kita, tapos gan'to? Alam mo bang tiniis ko na hindi makatanggap ng text mula sa 'yo? Tiniis ko ang hindi ka makita at hindi ka makausap. Pinag-isipan ko na ang mga sasabihin ko 'pag nagkita ulit tayo. I even told myself to forgive you kahit never kang nag-sorry sa akin, dahil bakit? Dahil mahal kita. Mahal kita pero nasasaktan na ako Pax. Putangina. Nasasaktan na ako," puno ng sakit na sabi ko dito. Hindi ko na rin mapigilang mapahikbi.

"Saan ako lulugar? You never told me you love me. Dumating ka lang sa buhay ko para guluhin ako. Nagpakita ka para sabihing liligawan mo ako pero ilang buwan na ang lumipas, hindi ko makumpirma kung ano pa ba tayo dahil hindi mo naman ako tinanong! Napaka-unfair. Saan ako lulugar? Ipinaparamdam mo sa akin na hindi ako ang priority mo pero tinitiis ko, bakit? Kasi mahal kita. Sobrang mahal kita. If you're just taking advantage of what I feel towards you and you're just plotting something and you're just playing all along from the start then that's bullshit! You're bullshit! I'm bullshit! Dahil kahit naisip ko na 'yong possibilities na 'yon? Hindi kita magawang kamuhian! Tinatanggap ko ang lahat sa 'yo Tristan! You are the first man who made me feel like this! And congrats, you're also the first man to broke me into pieces." Sumandal siya sa kotse na halos katabi lang ng kotse ko kaya tumayo na ako.

"Should I be happy? Or should I be mad? From what you've done? You treat me bad. Enough to destroy the trust that I'm building for you, but what sucks the most? Kahit ilang beses mo sinisira 'yon? I keep on building it again dahil mahal kita pero ngayon? Let me rest. Let me rest from you. Ayoko munang makita ka at ayokong makasama ka. Hayaan mo muna ako pero siguro nga nakakatawa, dahil alam ko naman at kahit hindi ko sasabihin, hahayaan mo lang talaga akong mag-isa. Ano nga ba naman ako sa 'yo, 'di ba? Hindi hamak na taga-bantay lang kita from Barcelona. Ano kamo? Manliligaw? Manliligaw ng landas? Haha. Ay mali, manliligaw ng feelings. Wala e', naligaw lahat ng feelings ko. Nagulo ang sistema ko at ngayon, hindi ko na alam ang gagawin. Ang alam ko lang, sobrang sakit at sobrang durog ko at ayaw kitang makita."

Matapos kong sabihin 'yon ay sumakay na ako sa kotse ko at nag-drive na palayo sa lugar kung saan ko iniwan si Tristan. Ang lugar na ayaw ko nang balikan pa.

Agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko at pagak na napatawa.

This is love.

So much pain.

Akala ng iba ay puro saya lang pero hindi 'yon love without pain.

Pagkababa ko sa sasakyan ko ay tumingin pa ako sa dinaanan ko dahil umaasa akong susundan ako ni Tristan pero wala man lang bakas niya o ng kotse niya. Napangisi na lang ako nang mapait. Kanina ko pa napapansin ang sarili kong napapangisi ng iba't ibang kabitteran ah.

Iniisip ko na baka binalikan niya ang babae niya ma-Kathy at wala akong laban do'n. Bukod sa maganda si Kathy ay magaling din itong humalik. Nakita ko kung paano magrespond si Tristan sa mga halik na tinutugunan din ni Kathy ng parehong pagnanasa. Sobrang sakit sa puso makita 'yon. Isipin mo na lang ang pinakamamahal mo, nakita mo mismo sa harap mo na may kahalikang iba. Wala man lang akong magawa dahil bukod sa hindi ako veteran sa pakikipaghalikan, ay manliligaw ko lang si Tristan. Wala akong mapaglulugaran. Pero me'ron naman siguro 'di ba? Kasi nililigawan niya ako. Porket ba nanliligaw lang, p'wede nang makipaghalikan?

Napailing na lang ako at agad tinawagan si Valene. Nang makasagot ito ay sinabi ko na ang kailangan kong sabihin. Nagulat pa siya dahil may meeting tomorrow na napakaimportante, pero wala na akong pake. Gusto ko muna magpahinga, ulit.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now