Kabanata 21

4 0 0
                                    

Kabanata 21

Two months had already passed since Pax Tristan started courting me. Yes, two months. Sa loob ng two months na 'yon ay palagi kaming magkasama ev'ry dinner. Palagi siyang pumupunta dito sa office ko kapag umaga para hatiran ako ng mainit na latte. At kung tatanungin niyo kung gusto ko na ba ang latte? Yes, gusto ko na ito--- I mean, no, mahal ko na ito tulad ng pagmamahal ko kay Tristan. Chars. About naman sa kiss? Nah, 'wag na nating pag-usapan. Ako rin, umasa e'. Akala ko masusundan pa 'yong sa kotse pero hindi na pala. Puro forehead kisses at kiss sa cheeks lang natatanggap ko. Gusto ko na nga mag-initiate pero parang nakakabawas ng pagkababae. Chars. Iba na pala ang generation na ginagalawan ko, pero hayaan niyo na ako. Matanda na ako at gusto ko madama kung ano ang Maria Clara chuchu. Chars ulit.

Iniisip ko na nga sa mga oras na ito kung paano ko siya sasagutin but since he hasn't asked me yet kung gusto niya akong maging girlfriend ay hindi ko muna ito masiyadong pinagtutuunan ng pansin. Naging busy rin kasi ako masyado sa company dahil matapos kong ma-sign ang contract with the Mendiolas, marami na ang sunod-sunod na gustong mag-invest. Nagulat nga ako but Tristan told me na wala raw 'yong connection sa kontrata na me'ron ang company together with their company dahil nasa laki raw 'yon at ganda ng company na me'ron kami. Binola niya pa ako dahil magaling daw akong boss at sumusunod ang mga employees ko. Hindi niya alam, dahil ito sa angking kong ganda. Chars. Mambobola talaga si Tristan. Minsan nga iniisip ko parang nasasapian si Tristan ng kakornihan kasi grabe, kadiri ang mga banat niya. Hindi talaga siya tulad no'ng ibang umiigting ang panga. Tapos, hindi ko pa rin siya nakitang umigting ang panga. Kaasar, dapat minsan galitin ko siya para we'll end up sa kama tapos makikita ko 'yong jaws niya na sexy tapos kunwari takot ako and I'll gulp and eventually, he'll look at me in my eyes and he'll start planting kiss marks on my jaws, down to my neck and down to my boobsies hanggang down there. Omg. What a shame.

Pero naninibago ako kay Tristan. Ilang araw na kasi siyang hindi nagpapakita sa akin at wala na ring nagdadala ng coffee sa akin ev'ry morning.

"Worried ka na naman ba? Dzuh, masyado kang OA," ani ni Pear. Nandito kasi siya sa office ko dahil gusto niya raw na ako na ang bahala sa flower shop niya. Walang hiya ang bobita. Akala niya ba kaya ko pang i-manage 'yon?

"Hindi naman, namimiss ko lang talaga si Tristan." Huminga ako nang malalim at pinakatitigan ang phone ko na nasa mesa.

"Dalawang araw pa lang gurl. Dalawang araw pa lang na hindi nagpapakita sa 'yo si Tristan pero ganiyan ka na. Kaloka, parang ewan." Napairap na lang ako sa narinig mula kay Pear. Ano bang pake niya kung dalawang araw pa lang 'yon? Dzuh, para sa akin ilang araw na 'yon. Hindi pa rin siya umaalis sa office ko dahil hindi pa naman ako pumapayag sa gusto niya, na ayon nga, gusto niyang makipagkasundo na siya na lang daw ang suppliers ng flowers para sa company at ayon, ako na raw bahala sa kung ano man. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Balak na kasi niyang bumalik sa modelling dahil nabuburyo na raw siya sa kakabantay at kakadilig sa flowers na nasa shop niya. Sabi ko naman na si Kuya na lang ang bahala pero ayon, lumipad naman ang Kuya ko pabalik sa States dahil nagkaproblema daw. Paasa. Akala ko hindi na siya babalik doon e'.

"Eh, kasalanan ko bang gan'to ako? Kinakabahan ako e', malay mo pinagpalit niya na pala ako." Hindi ko maiwasang mag-isip. Naging gan'to lang naman ako simula nang dumating si Tristan sa buhay ko e'. Ewan ko ba. Ayaw ko na kasi siyang mawala kaya natatakot ako every time na hindi kami nagkikita o kaya hindi siya nagtitext o tumatawag man lang.

"Ayan gurl, sabi ko naman sa 'yo e, dapat sinagot mo na. Kaloka ah. Ako ang nasi-stress sa 'yo. Nalulula na rin ako kakapanood sa 'yo maglakad pabalik-balik. Akala mo naman kung anong nangyayari. Napaka-OA. Hindi ko nga alam paano naaatim ni Tristan ang tulad mo e'. Kung ako siguro lalaki at naging jowa kita, matatakot ako para sa sarili ko. Ang dikit mo e', hmp," mahabang litanya niya. Sinamaan ko nga ng tingin. Umupo na lang ulit ako sa aking swivel chair at huminga nang malalim. Alas tres na nang hapon. Walang nagpakitang Tristan kaninang umaga, at walang nag-aya sa akin ng lunch. Gan'to din naman ang nangyari kahapon, pero iba kasi ngayon e'. Hindi man lang siya nag-text today at hindi man lang siya nagreply sa texts ko.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now