Wakas

24 3 0
                                    

Wakas

Malimit man nating isipin na napakawalang kuwenta ang mabuhay sa mundong punong-puno ng sakit, pighati, takot at pangamba. At palagi ko mang sinasabi sa sarili ko na wala na ngang kuwenta ang mabuhay because of everything that happened to me, to my dad-- my family. Na-realize ko lang na mali pala ako, maling-mali ako. I was naive to know that life has its interesting part kung saan we will feel so much happines, joy, satisfaction, contentment and love. Well, you can name it all because I already had it. Those kind of feeling na bawat isa ay gustong maramdaman dahil sa iba't ibang negativities that we are all facing in our lives? Well, nakamit ko na ang lahat ng iyon.

My damned life was miserable. Sobrang sira ang buhay ko para sa akin noon pero dahil sa isang salitang 'halik' ay nabago ako nito. Nakakatawa sigurong isipin dahil napaka big deal at importante sa akin ng 'kiss'. Masiyado akong atat malaman kung ano 'yong feeling ng 'halik' because my best friend told me once, "A kiss is like a sprung moment; it changes eveything,"-- at dahil sa halik, hanggang ngayon nandito pa rin ako. Ngayon, masaya na ako.

Agad kong sinara ang librong binabasa ko at napatingin sa labas ng coffee shop. Nasa tabi kasi ako ng glass wall o kung anong 'kemerut' ang tawag dito at tanaw ko ang mga taong nagtatakbuhan na nakahawak sa ulo, mga taong nakapayong at naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan, gayundin ang mga taong walang pakialam kung mabasa man sila't may posibilidad na magkasakit matapos ng araw.

Napapailing na lamang ako sa daloy ng buhay ng tao. At hindi mawala sa utak ko na dumating din ako sa puntong pagod na ako sa lahat, dumating sa puntong gusto ko nang magpahinga. Masiyadong boring, walang thrill, at ang lungkot ng buhay ko noon pero tulad ng pagsikat ng araw pagkatapos ng malakas na ulan, mas narealize ko na gano'n din ang buhay ng tao. Ang daloy ng buhay ng tao ay parang ang pagsikat ng araw pagkatapos ng malakas na ulan. Daanan man tayo ng iba't ibang klase ng delubyo ay palaging may pag-asa para mabuhay tayo. And we should know na hindi natin mafi-feel ang totoong meaning ng happiness, kung hindi natin mararanasan ang sobrang sadness. Just like love that opposes pain, happiness works with sadness.

Kinuha ko ang tasa ng kape sa mesa at humigop ng mainit-init pang kape. Nilasap ko ang sarap ng timpla ng Americano na hinain sa akin ng waiter at dinamdam ang init ng kape sa aking malambot na labi. Hindi ko tuloy maiwasan maisip ang labi ng asawa ko dahil tulad ng init ng kape sa labi ko, ay nagbibigay ang halik ng asawa ko ng comfort and warmth. Sounds weird, yes.

"Masiyado sigurong masarap ang kape na iniinom mo, Cleo." Napalingon ako sa nakaupo sa harap ko. Bastos talaga ang kaibigan ko at walang pasintabing umupo sa harapan ko na akala niya'y walang nakaupo.

"Hindi ka man lang nagtanong kung may kasama ba ako o kung may nakaupo ba r'yan sa inuupuan mo," paismid kong sabi rito.

Agad siyang tumayo sa sinabi ko, "May kasama ka ba? Weh? Kailan ka pa nagkaroon ng kasama kung ako lang naman ang palagi mong gustong kasama?" gulat na gulat nitong sabi. Inirapan ko naman siya at pinagkrus ang aking mga braso.

"Nakalimutan mo ata na may asawa na ang kaibigan mo, Pear." Hindi ko alam kung bakit may kaibigan ako na tulad ni Pear. Masiyado kasi siyang bobo para maging kaibigan ko. What a shame. Napatingin na lang ako sa asawa kong tumabi sa akin.

"Psh. Ano ba 'yan bakla, bibigyan pa naman kita ng fafa tapos ganiyan ka pa. Hmp, ayoko na nga," nagtatampo nitong sabi at padabog na umalis. Aba, may lakas pa ng loob ang senyorita. Akala mo naman ikinaganda niya. Atsaka fafa? Inaasar niya ba si Tristan? Natawa na lang ang asawa ko at umupo sa harapan ko.

"Siguro, asar na naman 'yon sa Kuya mo kaya kung ano-anong sinasabi," ani ko kay Tristan. Napailing na lang siya habang nakangiti.

"Hon, hayaan mo na sila. Hindi niya lang ata matanggap na suplado si Kuya sa kaniya. Paano buhos nang buhos, kung saan-saan tuloy natatapon," nakakalokong sabi ng asawa ko.

"Nasanay kasi sa flower shop, kaya ayan, lahat na binuhusan." Natawa na lang kami pareho.

"Nga pala," pagkuha ko sa atensyon ng asawa ko habang busy itong bumubuklat ng hawak ko kaninang libro.

Tiningnan ako nito at, "Why? May masakit ba?" Umiling lang ako sa kaniya.

"Anong oras natin pupuntahan si Amias? Baka umiiyak na ang baby ko. Hay nako. Iyakin pa naman 'yon, mana sa tatay." Napataas naman ang kilay ni Tristan sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman e'.

"Sinong tatay? May iba bang tatay si Amias?" Napangisi naman ako.

"Bakit? Hindi ka ba iyakin mahal? Gusto mo bang ipaalala ko kung paano ka umiyak noong----" Hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko ay tinakpan na agad ni Tristan ang bibig ko.

"Hon, joke lang e'. Ito naman, hindi mabiro. Pakurot nga sa tiyan," pabirong sabi nito. Sinamaan ko nga ng tingin. Kita nang buntis ako, kukurot pa sa tiyan ko. Tss. Gusto niya bang mamatay ang anak niya?

"Oo na siya, puntahan na natin ang isa kong sperm na nag-aaral. Tss." Napailing na lang ako. Kaasar e'. Ang ganda-ganda ng pangalan ng anak niya, palagi niyang tinatawag na sperm.

Tulad ng pangalan namin ni Pax ay may meaning din ang pangalan ng panganay naming lalaki. Si Amias. Amias means love or loved sa French and Latin. Ako ang pumili ng pangalang 'yon dahil binuo kami ni Pax dahil sa pagmamahal. Wala nang makakatibag sa pamilyang nakasentro ang pagmamahal.

Ilang taon na ang nakakalipas at para pa ring panaginip ang lahat. Sobrang epic man ng mga nangyari matapos ng engagement namin ni Pax sa dagat ay sobrang saya naman nito. Ilang buwan matapos naming ma-engaged ay nagpakasal kami sa Barcelona. Kaunti man ang mga dumalo pero naging memorable ito dahil pabibo ang best friend ko. Nagsuot kasi siya ng red long gown kahit alam niya naman na white and black ang theme. Pinagtripan tuloy siya ni Phoenix. Si Kuya naman ay ayon, nasa States at nananahimik pa rin sa nararamdaman niya for Pear. Si Lolo Hukluban? Nasa rest house, pinagtitripan ang mga amoy kepyas na turista.

Noong ipanganak ko si Amias ay umiyak nang sobra si Pax. Grabe, natatawa pa rin ako. Muntikan kasing matuluan ng sipon ang anak ko at takot na takot siya, sobra.

First birthday naman ni Amias ay dumalo lahat at nakakatakot pala maging tiyuhin si Phoenix dahil imbis na laruang kotse ang ibigay niya sa anak ko, isang totoong kotse ang binigay niya. Nakatanggap tuloy siya ng batok kay Lolo Hukluban.

Aba, ayoko na magkuwento. Masaya naman kami e'. At masaya ako dahil ang kumpanya? Si Valene na ang nagmamanage. Binigyan ko nga siya ng death threat e', sakaling malugi ito at mawala. Ayoko naman no'n.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang malawak.

Every person has the chance to be happy. But for me? Real happiness isn't a thing na p'wedeng mabili. Wala sa pera ang mga ito, wala sa kumpanya o sa lahat ng pag-aari mo. Ang kaligayahan ay nasa tao. We decide for ourselves, and so, we decide whether we wanted to be happy or not. Our decisions will reflect in everything. At kung gusto natin maging masaya? Kailangan nating piliin kung ano ang tama.

Ang kuwento ko ay simple lang. Ang pagkakaroon ko ng interes sa isang halik. Pero nagkaroon 'yon ng kabuluhan dahil kay Pax Tristan Mendiola.

I am the Queen of Egypt, that's what my name means. At si Pax? His name means 'kiss of the peace'.

I am piqued by a kiss.

I attained my piqued interest, and had been married to the guy who made me feel what's peace.

Ang kiss? We don't just do it. We feel and savor every seconds while we are into it. A kiss is really a sprung moment that changes everything. Kasi, bakit hindi? Kung hindi ako hinalikan ni Pax sa kotse noon, ay sister pa rin ang tawag niya sa akin ngayon. You see? Nabago 'di ba? Asar. Naalala ko na naman 'yong kuwento niya. He called me Sister Cleopatra kaya I called him Father Mendiola.

What a shame.

Let's just end this here because I know, ang libro ay parang isang araw, may katapusan.



Piqued by a KissWhere stories live. Discover now