Kabanata 8

14 3 2
                                    

Kabanata 8

Kanina ko pa pinapakiramdaman ang paligid ko. Hindi ako makatulog at wala na ring buhay ang phone ko, kaya pilitin ko mang tingnan ang relo ko para malaman kung anong oras na ay hindi ko magawa dahil madilim at natatakot ako.

Hindi man lang kasi sinabi ni Tristan na wala palang ilaw dito. Wala na rin daw lamang gas ang gasera na me'ron siya dito kaya hindi niya rin ito mabubuksan. At kahit pinahiram ako ni Tristan ng manipis na kumot ay hindi ko pa rin maiwasang tapikin ang paa ko at ang hita ko. Para kasing may fiesta ang mga lamok dito at pinapapak ako paunti-unti. Baka magka-dengue pa ako nito sa pinaggagagawa ni Tristan.

"Gising ka pa?" Nagulat ako nang magsalita ang katabi ko. Kahit sabihing may unan sa pagitan namin ay hindi ako makatulog nang maayos dahil ayokong ma-'divirginized' at magkaroon ng one night stand, tulad ng kinukwento sa akin ni Pear. Nakakaloka mang isipin pero binabantayan ko lang ang sarili ko.

"Ah, tulog na." Napairap naman ako sa sarili ko. Nagawa kong sagutin si Tristan ng gano'n. Nagmukha tuloy na sarili ko ang pinagtitripan ko dahil sa walang kuwenta kong sagot.

"Ako kasi, hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi, baka hindi ka komportable." Mabuti naman at naisip mo 'yan. Sino bang makakatulog na may manipis na kumot at flat na unan? What a shame. Parang nakahiga ako sa kahoy e.

"Ah, hindi. Ayos lang. First time ko 'to kaya feeling ko nasa camping ako." Sinungaling. Napaka-sinungaling ko naman para hindi sabihin na tama siya. Dapat sinabi ko agad na oo, baka sakaling bumalik na kami sa rest house.

"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Pasensiya ah, pinilit pa kita na dito matulog." Tama, pinilit niya ako at kunwari ayaw ko. Para kasi siyang bata kanina kaya hindi ko maiwasang hindi magsungit. Kahit kasi gan'to ako, may puso pa naman ako na medyo maliit. Atsaka, kinakabahan ako, baka sabihin niya ang arte arte ko o kung ano.

"Dati, si papa ang pinipilit ko palagi. Kasi never siyang pumayag na mag-camping kami, kahit kami lang pamilya. Hindi rin ako sumasali noon sa camping sa school dahil ayaw ni papa. Hindi ko man maintindihan noon, pero palagi ko siyang sinusunod." Naalala ko na naman si papa. Siguro binabantayan ako no'n ngayon. Tumagilid ako ng puwesto para makaharap ko si Tristan na nakahiga pa rin.

"Isang araw, napapayag ng sister ko, si Sol, ang ama namin sa kagustuhan ko. Siya kasi ang palagi kong ka-chikahan at sobrang close namin. Palagi ko sa kaniya kinukuwento kung ano sa tingin ko ang feeling ng camping." Napangiti ako nang mapait. Ayoko mang balikan ang nakaraan pero hindi ko maiwasan.

"Nagplano si papa together with mom kung kailan at saan kami magca-camp kahit overnight lang, tapos dahil doon, sobrang saya ko kasi 'yon ang pangarap ko, ang magkaroon ng camping together with my family. Pero kasalanan ko ang lahat, dapat pala hindi ko na pinilit sila Papa, dapat hindi na ako nangulit." Ang sikip sa dibdib tuwing naaalala ko ang nangyari. Sobrang sakit.

"Sa gabi kasi ng camping namin, habang namamahinga na kami sa loob ng tent, katabi ko si Kuya at si Sol, at sa isang tent naman si mama at papa. Hindi man lang ako nagising. Kung nagising sana ako, o kung ako sana ang nasa pwesto ni Sol, hindi siya ang maaabutan ko sa labas ng tent namin na nakahimlay. Hindi sana siya marirape. Hindi sana siya mamamatay. Kung sana nakinig ako kay papa na delikado ang camping, hindi ko pinilit si papa, hindi ako nagkuwento kay Sol at hindi sana nagsabi si Sol kay papa na gusto niya rin magcamping." Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak habang inaalala kung ano ang itsura ng kapatid ko nang makita ko siya kinaumagahan pag labas ko ng tent. Halos mabaliw ang mama ko at sobrang galit ng Kuya ko at ang papa ko? Nanahimik lang siya at hindi ako pinansin.

Ang bunso kong kapatid lang naman ang nagbibigay ingay sa bahay kaya nang umuwi kami, kasama ang bangkay ng kapatid ko ay naging tahimik na ang lahat.

Para akong nawalan ng bibig. Parang nalanta ang paligid. Si Sol ang dahilan kung bakit gusto ko ang araw. Her name always reminds me of the sun. Siya 'yong nagparamdam sa akin na da'best akong ate. At kung buhay pa siya ngayon? Malamang ay kasama ko siya at nagchichikahan kami ngayon.

Mas lalo akong napaiyak nang maramdaman ko ang init ng kamay ni Tristan sa ibabaw ng ulo ko. Hindi ko maiwasang yakapin ang tanging unan na nasa pagitan namin ni Tristan.

Akala ko, okay na ako. Akala ko, ayos na. Hindi pa rin pala. Hindi pa ayos ang lahat sa akin.

TRISTAN'S POV,

Kanina pa nakatulog si Cleopatra sa tabi ko pero gising pa rin ako. Iniisip ko kasi na kaya siguro masungit si Cleo dahil ayaw niyang may napapalapit sa kaniya. Iniisip niya siguro, ikakapahamak lang ng mga taong lalapit sa kaniya kapag naging close sila.

Hindi naman pala matigas ang babaeng ito. Iniisip niya lang ang kung anong sa tingin niya ang best para sa nakapaligid sa kaniya. Siguro, ang swerte ng boyfriend nito. Pero may boyfriend ba siya? Wala naman siyang nasabi, at wala ring na-mention si Bernadette sa akin.

Kinuha ko ang phone ko nang sirain nito ang moment ko dahil tinititigan ko ang mukha ni Cleopatra. Nang makatulog kasi siya ay saka ko lang sinindihan ang gasera na nandito. Nagsinungaling lang ako nang sabihin kong wala ng laman ito dahil gusto ko siyang asarin pero parang hindi man lang siya naapektuhan sa ginawa ko. She's actually sleeping soundly and doesn't care whether I'll be watching her asleep or not.

Maybe she's just tired enough to sleep comfortably. She's tired crying her heart out because of the things happened from her past. I felt bit pity. Nakakaawa ang anak ni Guevarra.

"Bro," ani ko nang masagot ko ang tawag ni Kuya.

"Umuwi ka na. I bet, you've already done your part diyan sa Barcelona." Napangisi ako. Wala talagang patience ang Kuya ko.

"Not yet, Phoenix. You should learn to wait," I said. I just heard him chuckled.

"Look who's talking. Alalahanin mong ikaw ang umagaw sa akin ng trabahong mapalapit kay Guevarra. Gawin mo nang maayos ang trabaho mo, or else, ipapasara ko ang bar mo rito." Gusto ko mang murahin ang kapatid ko pero hindi ko gagawin. After all, he's the boss. He is my boss.

"Yes boss. Just wait a little while and uuwi ako diyan agad. Ihanda mo na 'yong contract dahil panigurado akong pipirmahan agad 'yan ni Guevarra." Mas lalo akong napangisi.

Sorry, Cleopatra, but I'm just doing my job. And this time, you are my job. Pero pagkatapos nito lahat, I'll make sure to bring you back. I know I'll cause you pain but I'll do everything to get you.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now