Kabanata 1

47 8 2
                                    

Kabanata 1

Inihilig ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan habang binabaybay namin ni Kuya Marlon ang daan papunta sa Barcelona. Wala ako sa ibang bansa. Nasa Pilipinas lamang ako, sa Sorsogon sa Bicol. Nandito kasi ang nag-iisang resort na pag-aari ko na sobrang layo sa Manila. Labing dalawang oras nang nagmamaneho ang driver ko at sa labing dalawang oras na 'yon ay tatlong beses lang kaming huminto para kumain at magpahinga. Ala una y media na sa hapon kung kaya't nasisiguro kong maaabutan ko pa ang gusto kong makitang tanawin.

Habang nakatanaw ako sa labas ng bintana ay hindi ko maiwasang maisip kung bakit nga ba ako nababaliw na malaman kung ano ang pakiramdam ng mahalikan. Masiyado na ba akong matanda para rito o masiyado pa akong bata? Twenty-six years old na 'ko, for Pete's sake at tumatanda na ako. Nakakairita lang na mababaliw ako sa isang halik na gusto kong makuha. Isang halik na gusto kong maramdaman.

Alam ko naman na napakawalang kuwenta noon dahil nabubuhay ako sa henerasiyon na halos lahat ng tao ay hindi na inosente, kaya naman hindi ko maiwasang isipin kung bobo ba ako, walang alam, inosente, o ignorante? Sa gan'tong edad ay wala pa akong naging nobyo. Mga dahilan? Anong dahilan bakit wala? Dahil pinili ko ang sarili ko. Pinipili ko palagi ang sarili ko na gawin ang lahat ng bagay para magkaroon ako ng mga gusto ko sa future ko at hindi ko aakalaing sa pagkakataong nakuha ko na ang lahat ng pinagsikapan ko ay may hinahanap pa rin ako.

Napailing na lamang ako at umayos ng pagkakaupo. Nagdadalawang isip pa ako sa gagawin ko pero napagpasiyahan ko rin na kalabitin si Kuya Marlon.

"Bakit Cleo?" tanong nito habang patuloy pa rin sa pagmamaneho. Napakamot naman ako sa ulo ko at hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy ang gusto kong itanong, "Ah, ano... Uhmm." Hindi ko talaga kasi alam kung anong dapat sabihin o itanong. Dapat bang tanungin ko siya na, 'Kuya nakahalik na po ba kayo?' o 'Kuya, ano po ang halik?' o kaya, 'Kuya, anong lasa ng labi?'

Napasabunot na lamang ako sa ulo ko. Nako naman Cleopatra. You're not getting any younger pero mas nabo-bobo ka, e' alam mo namang may asawa na si Kuya.

Sumandal na lamang ako sa upuan at diretsong tinanong si Kuya, "What does it feel being kissed?"

Bigla itong napangiti sa tanong ko. Para tuloy may naalala siya sa buhay niya na kahit kailan ay hinding-hindi niya malilimutan. Nakaramdaman naman ako ng inggit. May gano'n ba akong babalikang memory? Malamang ay wala. Siguro ay naalala niya ang unang halik na mayroon siya. Hay nako.

"Alam mo Cleopatra, ang 'halik' ay napakasagrado. Makakaramdam ka na para kang nasa langit. Para kang lumalangoy sa ulap. Pero siguro ay depende 'yon sa uri ng halik. May iba't ibang klase kasi 'yon." Naguluhan tuloy ako. He just made it complicated for me. What are those ba? Kung may iba't ibang types ang kisses bakit wala akong alam? What a shame.

Matapos ng tanong na 'yon ay hindi ko na lang pinansin si Kuya Marlon. Ilang oras lang ay nakarating na kami sa sarili kong resort. Ang resort na pinaglaban ko pa dahil sa pakiramdam na ibinibigay nito sa akin kapag naririto ako.

Pagkababa ko ng sasakyan ay agad ding binaba ni Kuya Marlon ang mga bagahe ko. Napangiti ako at nakahinga nang maluwag. Sabi ko naman, magpapahinga ako for good.

Sinalubong ako ni Bernadette, ang nagmamanage ng resort kong ito at binigyan ako ng mainit na yakap. Napangiti naman ako dahil dito. Namiss ko bigla ang higaan ko sa bahay ko rito sa resort. Naaamoy ko na rin ang alat ng tubig dagat. Gayundin ang amoy ng mga kepyas na nakatago sa maliit na telang suot suot ng mga nakikita kong turista. Nako. Ang utak ko, bakit napunta ako sa kepyas? What a shame.

"Kamusta ang biyahe? Siguradong pagod ka. Pinaayos ko na ang bahay mo. Pinalinis ko ito para hindi ka magreklamo kapag nakakita ka ng katiting na alikabok." Natawa naman ako sa sinabi nito. Sino ba kasing tao ang gugustuhing makakita o makasinghot ng alikabok? Malamang ay wala. Sakit lang ang dulot nito kaya mas mabuting mawala ito.

"Mabuti naman dahil kung hindi, magkakaroon na ako ng dahilan para sesantihin ka," natatawa kong sagot. Limang taon pa lang kasi itong resort at sa loob ng limang taon na 'yon ay siya na ang nagmamanage nito. Hindi na rin ako nag-abala pang magpresintang ako na ang gagawa dahil masiyado ng malaki ang kompanya para sa akin. Ayoko ng dagdagan.

"Duh, alam ko namang hindi mo gagawin 'yon dahil hindi mo kakayaning magmanage dito." Ngumiti na lamang ako't tumango. Totoo naman kasi. At isa pa, hindi ako nandito para sa negosyo. Nagpunta ako rito para magsaya at lumandi. Pero paano nga ba lumandi?

Nakita kong kakalabas lamang ni Kuya Marlon sa aking rest house. Lumapit ako rito at iniwan muna si Bernadette nang lapitan siya ng isa sa mga waiter dahil may kaunting aberya sa resto na nandito.

"Kuya," pagtawag ko rito habang pasimple itong nagbigay tingin sa kagandahan ng dagat na may mapuputing pinong buhangin.

"Kain muna po tayo. Bukas na lang po kayo bumiyahe pabalik ng Manila dahil alam ko pong nakakapagod ang biyaheng iyon. Sa isa sa mga kuwarto po rito na lang kayo magpalipas ng gabi and all expenses paid na po." Malaking ngiti naman ang ipinakita nito sa akin,

"Sayang, dapat pala sinama ko si misis para naman masundan na si Eljun." Natawa na lang ako sa sinabi ni Kuya.

Hay nako, pag-ibig.

Muli kong tinanaw ang ganda ng dagat. Ilang buwan kaya ang itatagal ko rito? Siguro ay nadamay na ako sa kabobohan ni Pear para hindi ako magplano kung ilang buwan akong mamamalagi rito.

Hay. Hayaan na nga. Nandoon naman ang magaling kong kaibigan para mag-proxy sa akin. 'Wag nga lang niya makalimutan ang mga bulaklak sa Flower Shop niya dahil hindi naman ako ang lugi. Pero ayos lang siguro iyon sa kaniya, lalo pa't bibigyan ko naman siya ng sahod para hayaang 'wag ilubog ang kompanya na binigay ni dad.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now