Kabanata 10

18 3 0
                                    


Kabanata 10

Nasabi ko naman na itinuro ng ama ko na 'wag akong papatalo pero may kadugtong kasi 'yon, "Huwag kang papatalo pero matuto kang tumanggap ng pagkatalo," at tinatanggap ko na. Tinatanggap ko na ang pagkatalo ko nang hindi man lang natinag si Tristan sa mga titig na pinupukol ko.

"Ano 'yong tanong mo?" Huminga ako nang malalim at nanahimik. Hinayaan kong ang tunog lang ng dagat ang marinig namin.

"Hmm..." Tumingin ulit ako kay Tristan,

"Kung lulubog man ang bangkang sinasakyan mo kasama ang girlfriend mo at kasama ako, sino ang ililigtas mo sa aming dalawa? Ako ba o siya?" Gusto ko lang maramdaman kung importante ba ako, o may pake si Tristan sa akin. Gusto kong malaman 'yong importance ng existence ko sa kaniya kahit kasama niya ang girlfriend niya.

"Ikaw," walang pasintabing sagot ni Tristan sa akin na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko siyang sapakin dahil ginugulo niya ang sistema ko. Gusto ko siyang batukan dahil hindi niya alam kung ano ang nagagawa niya sa sistema ko.

"Ikaw kasi," Tiningnan ko ulit si Tristan nang muli siyang magsalita.

"...kasi wala naman akong girlfriend." Muli niya na namang pinakita sa akin ang ngiti niya na hindi ko alam kung ilang babae na ang nadala. Ilang babae na ba ang nahulog sa lalaking ito? Ilang babae na ba ang nagulo ang buhay dahil sa mga ngiting ipinapakita nito?

"Psh. Kung may girlfriend ka nga e'." Natawa naman siya sa sinabi ko. Hindi ko maiwasang mapanguso dahil parang pinaasa niya lang ako at pinagtripan.

"Ikaw? Sinong sasagipin mo kung tumaob ang bangkang sinasakyan mo kasama ako at ang nobyo mo?" Siyempre ikaw. Ikaw ang sasagipin ko dahil wala naman akong nobyo,

"Wala, wala akong sasagipin. Bukod sa wala akong nobyo, e' hindi rin ako marunong lumangoy kaya sabay na lang tayong malunod." Sabayan mo akong malunod sa pagkahulog ko sa 'yo at mahulog ka rin sa akin, para hindi lang ako ang nababaliw sa 'yo.

"Baliw hahahaha. Dapat pala hindi na ako nagtanong para hindi ko alam ang sasapitin ko kasama ka kung sakaling tumaob ang bangkang sinasakyan nating dalawa ngayon." Napangisi na lang ako sa sinabi niya. Parang pinahiwatig niya lang na takot siya kung sakaling tumaob ang bangkang sinasakyan namin ngayon. Feeling brave kasi ang taong ito dahil sabi niya, kaya niya naman ang sumagwan kaya hindi namin sinama 'yong nagbabantay ng bangka kanina. Akala niya ba nasa lawa kami at hindi kami matatangay ng alon dito?

Sinubukan kong tumayo sa bangka at napakabobo ko dahil nadapa ako at muntikan nang masubsob sa betlog ni Tristan. What a shame! Sayang, bakit hindi natuloy at muntikan lang?

"Sayang naman," naisatinig ko na lang at agad kong tinakpan ang bibig ko. Bastos na bunganga, hindi nag-iingat.

"Cleo! Mag-ingat ka naman, anong balak mo? Kapag tumaob 'tong bangka, sinong sasagip sa 'yo!?" Pero kung bobo ako, mas may bobo pa sa akin. Hindi ko maiwasang mapa-poker face dahil sa narinig ko mula sa hamog na kasama ko. Anong akala niya? Malayo na kami sa pangpang? Para ngang hindi man lang kami nakaalis sa baybayin dahil sa kaunti niyang pagsagwan e', at isa pa, nakasuot naman kami ng life vest, kaya bakit ako matatakot?

"Easy Paxy, easy. Tingnan mo naman ang pwesto natin?" Tumingin naman siya sa paligid at agad namula ang tainga niya. Cute. Bigla ata siyang nahiya sa biglaan niyang pagsigaw na akala mo ay nahulog ako sa dagat at nakalunok ng dalawang galoon ng tubig at hindi na makahinga.

Hinawakan niya ang kamay and braso ko at inalalayan ako sa pag-upo. Siguro ay hindi niya na kinaya ang pagtitig ko sa betlog niyang may saplot. Hmp, sayang.

Nasira ang plano ko. Kung siguro'y tumaob kami sa bangka ay magkukunwari akong nalulunod tapos sasagipin niya ako tapos dadalhin sa dalampasigan tapos ipa-pump ang masagana kong boobsie tapos magkukunwari akong walang malay tapos hindi niya na kakayanin ang pag-aalala kaya isi-CPR niya na ako tapos hindi pa rin ako magigising para hindi lang isang kiss ang makukuha ko. What a shame. Ang bright sana ng ideya ko pero sinira ng paa ko dahil nadapa pa ako at natutok sa betlog niya. Hmp.

Makinis kaya betlog nitong hamog na ito? Hmm.

"Balik na nga tayo, baka may mangyari pang masama sa 'yo. Kargo de konsensiya ko pa 'pag nagkataon," sabi nito na parang galit. Hindi man lang ako tiningnan. Hinayaan ko na lang siya nang magsagwan na siya pabalik sa baybayin dahil nga KARGO DE KONSENSIYA niya pa raw kung sakali. Konsensiya lang pala. Wow.

---

Malalim na ang gabi kaya naman malaya akong nakasuot ng two piece at dinadamdam ang sarap ng hangin habang masarap ding pinapakinggan ang magandang musika na inilalabas ang hampas ng alon ng dagat sa baybayin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil parang kumpleto na ang araw ko. Bukod sa magandang pamumuhay na me'ron ako ngayon, ay kasama ko pa si Paxy.

Mas lalo akong napangiti. The nickname 'Paxy' is kinda cute at para itong signatured nickname na ako lang ang may karapatang gumamit. Pero, ano naman kung kasama ko si Paxy? Psh. Kahit kasama ko ang hamog na 'yon na may mapupulang labi ay may kulang pa rin.

Isang halik. Kahit isang halik lang at p'wede na akong mamatay.

Pero binabawi ko na pala ang sinabi ko. Sa ilang linggo ko kasing pamamalagi dito sa Barcelona ay naging malinaw na sa akin kung ano ang gusto ko talagang makamtan kahit na may kayamanan na ako at puwede nang mabuhay.

Gusto ko ng family. Pamilyang matatawag kong sa akin, at pamilya na gusto kong mabuo with someone I love. Sobrang dami kong nakita dito na hindi ko nakita sa Manila, dahil siguro sobrang busy ko sa trabaho at wala ng oras para sa sarili ko. Hindi lang simpleng halik ang gusto ko. Gusto ko ng halik na magbibigay sa akin ng pakiramdam na hindi ako nag-iisa. Pakiramdam na may kasama ako at hindi ako mawawala sa gitna ng bagyo o kung ano pang delubyo.

Oo, alam ko, sobrang gulo noh? Pero hindi. Para sa akin, alam ko na kung bakit malungkot ako sa t'wing mag-isa ako. Malungkot ako kasi mag-isa ako. Malungkot ako kasi gusto ko rin pala na magkaroon ng kasama. Hindi lang simpleng kasama sa buhay, pero kasama habang-buhay.

Love made me realized na 'yon ang kagustuhan ko sa buhay. Ramdam kong mas nakilala ko ang sarili ko dahil dito. Mas nalaman ko na hindi na lang ako nabubuhay para makatikim ng halik, pero nagpapatuloy pa rin ako coz' I want more than that. I want more than just a kiss.

What a shame.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now