Kabanata 13

10 2 0
                                    

Kabanata 13

Nagising ako kinaumagahan na maayos na ang ulo kong mabigat. Naramdaman kong maayos na ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang paligid ko nang ma-adjust ko na ang paningin ko, just to see my brother snoring beside me. Tulog na tulog ang damuho. Anong oras siya nakapunta dito? And bakit dito siya natutulog? May kuwarto naman sa baba ah.

"Oo nga pala! Nando'n si Paxy." Nakalimutan ko agad.

Tiningnan ko ang bedside table at nakakita ako ng tubig at gamot. Hindi ko na lang pinansin kasi magaling na rin naman ako. Atsaka ayaw ko ng gamot, no way, hindi ako iinom ng gamot.

Tumayo na lang ako at nag-unat unat. Mabilis akong bumaba para makita si Paxy. Para kasing hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita si Paxy sa isang araw--- I mean, nasanay na ako sa presence niya. Nasanay na ako na makita siya every morning, pagkagising ko. Nasanay ako na kasama siya. Nasanay ako dahil sa loob ng isang buwan, siya lang naman ang kasama ko. Siya ang ka-chikahan ko, siya ang kadramahan ko, at sa kaniya ako iiyak kapag magtatanong siya about my past.

See? Anong rason ko para hindi mahulog? Sinanay ako ni Paxy sa maraming bagay.

"Paxy!" Dumiretso ako sa kitchen para walang makita. Wala kasi si Paxy. Nakakagulat. Ganitong oras kasi ay nagluluto na siya habang nakasuot ng apron na kulay mint green at may 'sweet daddy' na print sa harap. Sh*t.

"Paxy!" Lumabas ako dahil baka nagkakape lang siya sa may labas ng rest house pero kahit doon ay wala rin siya.

"Paxy!" sinisigaw ko lang ang pangalan niya habang naghahanap pero wala man lang sumasagot. Inaalala ko kung saan siya nagpunta kahapon pero naisip ko, baka uminom siya? Tapos nalasing tapos natulog dahil wala siyang babantayan kagabi?

No, hindi naman umiinom 'yon e. Mabait ang hamog na 'yon. Hindi siya umiinom at humihithit ng sigarilyo--- pero, baka nasa kuwarto pa siya at tulog na tulog? Baka nga. I'll check him out.

"Paxy..." Ilang beses na akong kumakatok pero walang sumasagot. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero hindi ko na lang pinansin. Baka naman tulog mantika lang talaga 'to, pero hindi e'. Maaga nga palaging nagigising si Tristan e'.

"Paxy, papasok ako ah." I slowly opened the door pero hindi ko alam kung bakit tila napunit ang puso ko. Pakiramdam ko, iniwan ako. No, legit pala na iniwan ako.

Nakita ko ang kama ni Tristan na sobrang linis at ayos. Wala ring nakakalat na maleta at wala ring nakabalandrang boxers sa sahig and everywhere. Hindi ko alam kung anong iri-react. Hindi ko alam kung bakit parang ang sakit. Na-ghost ba ako? Ito ba 'yong tinatawag na ghost? Char. Hindi ko naman pala kachat si Tristan.

"Pero baka nasa dulo siya? Sa kubo?" Tama! Baka nandoon siya. Nando'n naman siya 'di ba? Hindi niya naman ako iiwan 'di ba?

Mabilis akong lumabas at tumakbo papunta sa place ni Tristan. Ang aga namang exercise ito, at kung pinagtitripan ako ni Tristan? Babangasan ko mukha niya later. I'll make sure muna to see him after this long run dahil ayokong ma-disappoint. My instinct is telling me na Tristan already left me pero ayokong maniwala. Hindi naman lahat ng sinasabi ng instinct ay totoo e'. Dzuh. Atsaka, gusto kong makita si Tristan dahil gusto kong mag-sorry. Alam kong alam niya nang nagkalagnat ako. Gusto ko rin siyang makita para yakapin siya and para mag-thank you sa pag-aalaga niya sa akin.

I want to see Tristan to feel at ease. I want to feel peace, dahil parang lalabas na naman ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. After awhile ay nakarating din ako sa kubo ni Tristan. Walang bakas na may tao sa loob but I still went inside dahil baka tulog lang si Tristan.

"Pax..." Nakapasok nga ako sa loob na walang tao. Walang bakas ng hamog na may mapupulang labi. Walang bakas ng lalaking may umbok sa harap. Walang bakas ng lalaking masarap hawakan sa pwet.

Ang tanging napansin ko lang sa lahat ay ang bracelet na gawa sa sea shells na nasa may gasera. Natawa na lang ako dahil naalala ko na namang nahuli ko si Tristan na pinapatay ang ilaw sa gasera nang magising ako noong panahon na natulog kaming dalawa dito.

Kinuha ko ang bracelet at nakita ko ang pangalan ko na nakaukit sa may kahoy na nasa bracelet. I can't explain it pero ang pangalang 'my kitten' ang nakapagpangiti sa akin. Hindi pala ito ang pangalan ko pero kahit na. Ako lang naman ang pusa niya. Buti nga, hindi "my pussy" ang nilagay niya e'. Napailing na lang ako. He's claiming that I'm his, huh. He's owning me. He kept on doing it pero iniwan niya pa rin ako. Ano bang dahilan niya? Why did he left me? Bakit niya ako iniwan? Tinagalog ko lang pero, bakit nga? Manhid ba siya? Hindi niya ba alam na masasaktan ako sa ginawa niya?

Napaupo na lang ako sa medyo marupok na kahoy dito sa kubo niya habang mahigpit na nakahawak sa bracelet. Hindi ko alam kung bakit unti-unting lumandas ang mga luha sa pisngi ko. Siguro kasi umasa ako? Siguro kasi akala ko, hindi niya ako iiwan? Akala ko, siya na... Siya na 'yong kulang sa akin na bubuuhin ako?

Parang bumalik 'yong nararamdaman ko na may kulang sa akin. Halata naman na si Tristan ang bumubuo sa akin. Siya na 'yong missing piece sa puso ko pero siya rin pala itong iiwan sa akin para manatiling missing piece. Akala ko tapos na ako sa paghahanap. I even promised myself na kung sakali mang babalik ako sa Manila ay nahanap ko na ang kung anong kulang sa akin. Pero nahanap ko na nga, nagkaroon na ako ng tyansang mahanap ang nawawala sa akin, pero muli na namang nawala. He was the reason para malaman ko kung ano ang gusto kong makuha. He was the reason kung bakit gusto kong mag-create ng family. At siya ang gusto kong makasama, pero gusto ba ako? Hindi, dahil kung oo, nandito sana siya.

He left me with unsaid goodbyes. He didn't even bothered to wake me up just to tell me he's leaving. I thought he cares, but from what he did, he really doesn't care.

Siguro nabulag lang ako sa mga pinakita niya at nakalimutan kong binayaran lang siya ni Bernadette para makasama ko. What a shame. Akala ko hindi mabibili ng pera ang kaligayahan, and yes, hindi nga nabili pero nabayaran naman. Nabayaran lang ng pera si Tristan for a temporary happiness.

Isa ba siya sa mga taong pera lang ang gusto? Pero hindi e', dahil trabaho niya 'yon. Dapat pala, una pa lang, hindi na ako pumayag. Sana hindi na lang ako pumayag kung magiging temporary lang pala ang happiness na ibinigay ni Tristan. Pero bobo ako e', alam ko naman na binabayaran lang si Tristan, binaba ko agad ang walls na nakapaligid sa akin.

Nagtiwala ako, nahulog at walang sumalo, kasi 'yong taong sasalo sa akin? Iniwan ako.

Iniwan ako ni Pax Tristan. Iniwan ako ng hamog na may mapupulang labi at matambok na puwetan.

Piqued by a KissWhere stories live. Discover now