Floral
"Hi, top one!"
Lumipat ang tingin ko sa nasa gilid. Nadatnan ko ang isang babaeng may kulot na buhok at mas maliit kumpara sa akin. Cute siyang tignan suot ang uniporme namin lalo na't malaki ang ngiti niya sa akin ngayon.
Naglahad siya ng kamay. "Macy,"
Medyo gulat pa man ay tinanggap ko na rin iyon.
"Ellie," ngiti ko rin.
She scrunched her nose. "Sorry ang FC ko ah? Actually magkatabi tayo ng upuan dun kanina," sabay turo niya sa pinwestuhan ko.
Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Hindi ko napansin!"
Ngumiti siya nang tipid. "Kanina ko pa sana gustong mag-approach kasi napansin kong wala ka ring kasama o kaibigan tulad ko kaya lang tutok na tutok ka sa program,"
I chuckled a bit. "Sorry! Na-carried away lang," biro ko.
Ngumisi rin siya. "Grabe nagulat ako nung tumayo ka pagka-tawag sa rank one! Ang galing mo!"
I scratched my nape. "Hindi naman. Nadala lang talaga sa sobrang review,"
"Sus! Okay lang yan, hindi mo kailangang magpaka-humble sakin!"
Nalaglag ang panga ko. "Totoo nga!" pilit ko.
Napahalakhak siya. "Sige sabi mo eh," she teasingly said.
I shook my head in defeat. She chuckled at my expression.
"Ano palang block mo?" tanong niya.
"X1," sagot ko.
Her face fell. "U1 ako. Sayang, hindi pa tayo nagka-pareho!"
Nakadama rin ako ng panghihinayang. Nang biglang mag-anunsyo na ng tungkol sa pagsasama-sama ng magkaka-block ay sabay kaming naglakad patungo sa mga ushers.
"Alam mo, ang tagal ko nang pangarap magkaroon ng matalinong kaibigan. Finally!" halakhak niya.
Imbes na umangal sa pag-konsidera niya sa akin bilang matalino ay may humaplos sa puso ko nang mapagtantong itinuturing niya na ko bilang kaibigan.
"Taga san ka nga pala? Uwian ka ba or dorm?" kyuryosong tanong ko.
"Taga Batangas ako eh. Pero dyan lang sa Catalan yung apartment na nakuha ko,"
Napasimangot ako. "Sayang, magka-iba na naman tayo,"
"San ka ba?" mabilis na tanong niya.
"Demarces,"
Nanlaki ang mata niya. "Magkatabi lang yun! Dadalawin na lang kita! Pwede raw ba bisita sa inyo?"
Nagulat ako sa sunod-sunod at excited na pagkakasabi niya. Tumango-tango ako.
Ngumiti siya. "Samin din pwede! Tambay-tambay na lang minsan,"
Madaling makagaanan ng loob si Macy. Buti na lang ay may kagaya pala ako rito na wala ring kahit sinong kakilala. Mahirap din kasi talagang makipag-kilala sa may mga kasama nang kaibigan.
In-add namin ang isa't isa sa facebook para maging madali na lang ang pagcha-chat. Nagsabi rin kami sa isa't isa na kapag kailangan namin ng kasama ay mag-message lang.
BINABASA MO ANG
Every Flight Counts
RomanceSIS (Social Issue Series) #3: Gender Inequality Men and women in the 21st Century still aren't able to totally get free from the socially defined roles. They are expected to act in certain ways just because they are male and female. Lalake ka raw ka...